"Anak may gusto ka bang kainin?" umiling ako.

"Sorry, Mommy," muli akong napaiyak.

"Anak, bakit ka nagsosorry?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Umuwi po muna kayo Mommy, kailangan niyo rin pong magpahinga. Ayos lang po ako."

"Anak okay na ako dito."

Umiling iling ako.

"Mommy please."

Hinawakan nila ang kamay ko bago sila unti unting tumango.

"Magpahinga ka lang Anak, sa makalawa ay makakalabas ka na sabi ng Doctor."

Maliit akong napangiti.

"Magiging maayos rin ang lahat Anak," muli akong tumango at yinakap sila bago sila umalis.

Kahatahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Angel. Napayuko ako ng maalala ang nangyari.

"Ilang oras na akong tulog Angel?" tanong ko at tumingin sa kan'ya dahil ayaw kung alalahanin pa iyon.

"Tatlong araw ka ng tulog Samantha, kaya sobra kaming nag aala sayo dahil hindi namin alam kung kailan ka ba magigising."

Nanlaki ang mata ko. Tatlong araw?

"Samantha, alam kung hindi ito ang oras para magtanong kung anong nangyari pero hindi ko lubos maisip na mangyayari sa inyong dalawa ito ni Mateo."

"Gusto ko siyang makita," tanging nasabi ko.

Wala akong lakas para ikuwento lahat ng nangyari.

"Hmm, sasamahan kita," napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya, kita ko ang mabilis na pagpunas niya sa kan'yang pisngi.

"Halika ka na," inilahad niya ang kan'yang kamay kaya agad ko iyon inaabot.

"Salamat, Angel," sabi ko habang kinukuha niya ng wheelchair at inalalayan akong umupo roon.

"Magiging maayos rin si Mateo," sabi niya habang tulak tulak na ang wheelchair ko palabas.

Nang mapadaan kami sa isang maliit na salamin sa may pinto ay sinenyasan ko si Angel na huminto dahil ngayon ko lang nakita ang mga malilit na sugat sa katawan ko.

Napayuko ako dahil ito lamang ang natamo ko mula sa pagkagulong gulong ko. Si Mateo ang lubusan na nasaktan at hindi ako.

Muling nagpatuloy sa pagtutulak si Angel. "Habang tulog ka kanina ay hinanap ko kung saan ang kuwarto niya."

"Anong room number?" tanong ko habang tinitignan lahat ng nadadaanan namin.

"Room 303," aniya sabay tigil sa isang silid na kung asaan si Mateo.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko habang nakatitig sa pinto. Unti unting binuksan ni Angel ang pinto at bumungad sa akin si Jacob na nakasandal sa pader habang hawak hawak naman ni Klea ang kamay ni Mateo.

Muling naramdaman ang luha na kumawala sa aking mata ng makita ang kalagayan ni Mateo. May benda sa kan'yang ulo at puno ng sugat ang kan'yang katawan at natutop ko ang aking bibig ng makitang may cast din ang kanang binti niya.

Sabay na napatingin sa amin si Klea at Jacob, dali daling lumapit sa akin si Klea at nagulat sa sunod niyang ginawa. Tila namanhid ang pisngi ko dahil sa sampal niya.

Napasigaw sa gulat si Angel dahil sa ginawa ni Klea.

"How dare you na magpakita pa rito!" bumuhos ang luha niya habang pinipigilan siya ni Jacob na muling lumapit sa akin.

"Klea, stop! Walang may gusto ng nangyari!"

Napahawak ako sa aking pisngi dahil sa lakas ng sampal niya.

I Wish It Was Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon