Tuluyan na akong tumingin sa kan'ya. Muli akong napabuntong hininga.

"Okay, ganito kasi 'yun hanggang ngayon ay mailap pa rin sa akin si Klea akala ko ay ayos na kami pero mukhang hindi pa pala."

Saglit niya akong sinulyapan.

"Why? Did you have a misunderstanding?"

"Oo, 'yung tinago ko sa kanila yung tungkol sa atin. Pero nagkaayos naman na kami pero ngayon ay halos hindi niya ako pansinin. Hindi ko alam kung anong dahilan," tumigil ako at napatingin sa harapan. "Ayaw ko ng ganito. Gusto kung magkaayos na kaming dalawa," malungkot kung sabi.

Natahimik siya at biglang sumagi sa isip ko ang tanong ni Klea sa akin kanina.

"Magkakilala ba kayong dalawa?" tumitig ako sa kan'ya at kita ko ang mahigpit niyang paghawak sa steering wheel.

"Yeah. She was my friend back then."

Nagulat ako sa sinabi niya. Friend?

"Matagal na?"

Tumango siya. My heart skips a beat. Matagal na silang magkaibigan pero wala akong narinig ni isa sa kanila na magkakilala sila. Paano nangyari 'yon?  Magkaibigan sila pero bakit hindi sila nagpapansinan?

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Anong nangyari sa inyong dalawa? Kung magkaibigan kayo noon, bakit hindi kayo nagpapansinan?"

Seryosong sabi ko at nakatitig lamang sa kan'ya. Nakaramdam agad ako ng galit.

Bakit hindi niya man lang nabanggit iyon. Pati si Klea ni isang beses ay wala siyang nabanggit din doon. Hindi ko rin sila nakikitang nag uusap, bakit gano'n kung matagal na silang magkakilala bakit parang nag iiwasan silang dalawa.

Kaya pala sinabi niyang may alam siya tungkol sa kanila dahil matagal na silang magkakilala. Tila ang kutob ko ay naging tama.

"I know that you are mad at me for not telling you that I have known her for a long time. I'm sorry because for me, that was just all in the past."

Nanahimik ako kahit na past pa 'yan bakit hindi man lang niya sabihin sa akin na magkakilala na sila dati. At isa parang sa sinabi niya sa akin ay may tinatago siya, ni isa sa tanong ko ay wala siyang sinagot.

"Baby," tawag niya at inihinto ang sasakyan sa gilid.

Hindi pa rin ako tumitingin sa kan'ya.

"Baby look at me," hindi pa rin ako lumilingon hanggang sa marinig ko ang tunog ng seatbelt niya.

Humarap na ako sa kan'ya. "Meron ka pa bang hindi sinasabi sa akin? May tinatago ka ba? May dapat ba akong malaman? Mateo, sabi mo walang magsisikreto."

Humina ang boses ko. Gulong gulo na ako, hindi mawala sa isip ko kung paano sila nagkakilala ni Klea, bakit hindi nila sinabi sa akin?

"Baby, it's not what you think. Klea is my old friend, I'm sorry if I didn't tell you about it. Let me explain everything okay."

Natahimik ako dahil sa sagot niya.

"Ang dami kung tanong Mateo pero iisa lang ang sinagot mo, niloloko mo ba ako?" 

"Baby, no."

Napatitig ako sa kan'ya ng ginulo niya ang kan'yang buhok at tila hindi alam ang gagawin. Kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin. Ayaw kung mas lalong masira ang gabi niya dahil sa akin, dahil sa mga pinag iisip ko.

"Gusto ko ng umuwi, ayaw kung sirain itong gabi na ito,"  nasabi ko na lamang.

"Baby, look at me."

Marahan niyang hinawakan ang baba ko upang magtama ang aming tingin.

"I'll explain to you after our finals. Okay? Trust me. I will never cheat on you."

Tumango na lamang ako at agad nag iwas muli ng tingin sa kan'ya. Ramdam ko ang kan'yang hininga sa aking tenga. Para ba akong nakikiliti dahil doon.

Napaigtad ako ng halikan niya ang tenga ko. Biglang naalala ang nangyari sa kuwarto niya.

"U..umuwi na tayo," utal kung sabi ng muli niyang pinatakan ng halik ang tenga ko.

"I'm sorry if I didn't tell you," aniya habang sunod na hinalikan ang aking noo pababa sa aking ilong.

Nang magtama ang aming tingin ay agad niya akong sinunggaban ng halik. Uminit ang pisngi ko dahil tila nawala ang galit ko dahil sa halik niya.

Napahawak ako sa kan'yang damit at pilit na ipagdikit ang aming katawan pero hindi ko magawa dahil sa seatbelt.

Pinagdikit niya ang aming noo, samantalang ako ay nakapikit ang mata at habol habol ang hininga.

He kissed me again with his long passionate kiss bago lumayo sa akin.

"Damn it," mahina niyang sabi at muling pinaandar ang sasakyan.

Napakurap kurap ako at napaayos ng upo. Hindi ko akalain na magagawa namin 'yun dito naman sa sasakyan niya. Pasimple kung pinaypayan ang aking sarili dahil sa init.

Hindi ko na nakayanan at binuksan na ang bintana at ibinaling nalang tingin dun. Sobrang rupok ko talaga. Halik niya lang ay ayos na ako.

Napakunot noo ako ng itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng simbahan. Bumaling ako sa kan'ya ng lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko at inilibot ang tingin, gabi na pero bukas pa rin ang simbahan na ito.

Hindi niya ako sinagot at pinagsaklop ang kamay naming dalawa at pumasok sa simbahan. Walang tao ni isa.

"Mateo, walang simba ngayon dahil gabi na," sabi ko ng diretso lang ito hanggang sa makarating kami sa pinakaharap ng altar.

Hinarap niya ako at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong balak niya at andito kami ngayon sa simbahan.

Seryoso ang titig niya at nagsalita.

"Do you still remember the time you promised me that you'd never leave me?"

Dahan dahan akong tumango at naalala ang nangyari sa camp.

"What age do you want to get married?" sunod niyang tanong.

Hindi ko alam kung bakit niya iyon natanong pero napaisip ako, marami pa akong pangarap na gustong abutin, gusto kung matulungan si Mommy.

"Maybe 28?" hindi siguradong sagot ko.

"Then, I will wait  till you are 28 and we will get married," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Sinundan ko ang kamay niya ng may kunin ito sa bulsa ng kan'yang pantalon. Napaatras ako at natutop ang aking bibig ng makita ang hawak niya.

"Ma..mateo," nag iinit ang mga mata ko ng binuksan niya ang maliit na box at bumungad sa akin ang singsing.

Tumitig siya sa akin at mas lalong lumapit.

"This is a promise ring," mahinang sabi niya at kinuha ang kamay ko.

Unti unti niyang pinadausdos ang singsing sa aking palasingsingan at ramdam kung lumandas ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"I give you this ring as a promise that I will love you with my whole heart."

Mahigpit niya akong yinakap at gano'n din ako sa kan'ya. Hindi ako nakapagsalita at nakatitig lamang siya singsing na ibinigay niya.

Hinarap niya ako at hinaplos ang aking mukha. Malungkot akong napangiti, I'm only 20 and he's 21. Marami pa kaming pagdadaanan na pagsubok. Sana nga pag dumating ang panahon na yun ay ako pa rin ang nasa tabi niya.

I Wish It Was Me (Book 1)Where stories live. Discover now