"Mula ngayon ay hinding hindi ako magtatago ng sikreto sa inyo, promise ko 'yan," sabi ko at tuluyan niya na akong hinarap.

Nung una ay tinitigan niya lamang ako pero kalaunan ay sumilay rin ang ngiti niya. Tumayo ako para yakapin siya dahil namiss ko talaga siya. Ilang linggo niya din akong hindi kinausap.

"Sorry," mahinang sabi niya pero hindi ko na iyon pinansin dahil ang importante ay ayos na kaming dalawa.

"Sali niyo naman ako sa grouphug niyo," sabay kaming napatingin kay Angel na mukhang kanina pa siya sa pintuan at pinagmamasdan kami.

Natawa ako ng tumakbo siya at agad niya kaming yinakap ng mahigpit.

"Grabe ka Klea hah, umabot ng isang linggo yang pagtatampo mo," sabi niya na ikinatawa lamang ni Klea.

Umupo na kami at lumipas ang buong araw na sobrang saya ko dahil ay ayos na kami ni Klea.

Ngayon ay papalabas na kami para hintayin ang sundo namin.

Tumingin ako kay Klea nang may maisip na tanungin sa kan'ya, naalala ko ang sinabi niya kahapon na kilala niya ang babaeng iyon. Gusto kung kumpirmahin kung totoo ngang Faye ang pangalan niya, nakukuryoso man akong makilala siya ay wala akong balak na tanungin si Klea ang tungkol doon dahil gusto ko mismong si Mateo ang magsabi nun.

"Klea."

"Hmm?" sabay baling sa akin.

"Diba sabi mo sa akin na kilala mo ang babaeng kaibigan nila?" mahinang tanong ko para hindi marining ni Angel.

"Faye ba yung pangalan niya?" pagkokompirmasyon ko.

Napatigil siya sa paglalakad at gulat na napatingin sa akin.

"Wha---what?"

Napatigil din ako sa paglalakad at kita sa mata ni Angel ang pagtataka habang pabalik balik ang tingin sa aming dalawa.

"Anong meron? Sino si Faye?"

Narining niya pala ang sinabi ko. Napanguso ako at nagsimula ulit maglakad.

"Pumunta kasi ako kahapon sa training ni Mateo tapos nalaman ko na may bumisita sa kan'ya at Faye daw ang pangalan, feeling ko lang na iyong Faye na tinutukoy nila ay 'yung kaibigan nila Jacob at Mateo. Nalaman ko rin na nagkita rin silang dalawa. Hindi ko alam kung matagal na ba 'yun o ngayon lang. Naiinis ako dahil hindi man lang iyon nabanggit sa akin ni Mateo," mahabang lintanya ko.

"What? Faye?" gulat din tumingin sa akin si Angel.

Tumango ako, muli akong napatingin kay Klea na biglang tumahimik.

"Faye? Dumalaw? Nagkita? Pero hindi sinabi sayo?"

Muli akong tumango.

"Huwag sabihin sa akin ni Mateo na niloloko ka niya at  baka makapatay ako ng tao," gigil na sabi niya.

"Ayaw ko siyang pagdudahan dahil mag kaibigan silang dalawa, malamang ay magkikita sila. Ang ayaw ko lang ay hindi niya sinasabi kung saan siya pumupunta o kung sinong kasama niya. Ayaw ko rin mag isip ng kung ano ano, ayaw kung pangunahan ang lahat at baka mamaya ay mali lamang ang iniisip ko."

"Tama ka at magtiwala ka lang kay Mateo, siguro sasabihin niya rin iyon sa'yo kaso hindi pa ngayon dahil sa training niya. Kung sakaling makarinig ka ulit na nagkita sila tapos hindi niya pa sinabi sa'yo, iba na iyon!. Subukan ka lang niya lokohin, hinding hindi ko siya mapapatawad."

Napangiti ako dahil sa malasakit sa akin ni Angel.

Nang papalapit na kami sa parking lot ay may humarang sa daan namin at nagulat ng biglang lumuhod ang babae sa harapan ko at pulang pula ang mata nito na tila galing lang sa iyak.

I Wish It Was Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon