The truth behind the story of For Guardians

Mulai dari awal
                                    

Pinilit kong tumayo pero dahil sa lakas niyan ay bigla na lang nanghina ang tuhod ko dahilan para hindi ko magawang tumayo.


"Tumayo ka please!!" pakiusap ko sa mga paa ko pero ang hirap talagang tumayo


Para akong naparalisa!


"Inuulit ko, siya ba ang vessel ng halimaw na pumapaslang ng Tao!"



Sandali akong napaisip sa tanong niyang iyon "Kung ganon nagawa niyang saktan ang anak ko sapagaakalang siya ang pumapaslang?"

"Hindi ko kilala ang sinasabi mong Sukuna pinagsasabi mo pero kahit kailan hindi magawang pumaslang ng anak ko dahil Isa siyang mabuti ng Doctor! Hindi siya halimaw at maslalong hindi halimaw ang nasa loob niya, Si Escanor ang nasa loob niya!"



"Pwess kung hindi nga siya si Sukuna at si escanor ang nasa loob niya, malalaman ko yan kung magagawa ka niyang iligtas sa pinaka malakas kong stake."


Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa kamao niya, sa kamo niya kung saan pinadadaloy niya ang buong lakas niya.


Mapait akong napangiti, parang nakikita ko na...

Na mamatay na ako sa oras natumama yon ng buong lakas sa akin.



"H-Huwag mong sasaktan ang tatay ko please, huwag!" pinipilit ni Blade na tumayo pero paulit-ulit siyang bumabagsak


"Katapusan mo na."


Pumikit ako at inasahan na ang pagdapo nun sa akin pero,


"Rawzaruk." may kakaibang boses akong narinig


ilang segundo pa ay nagtaka ako kung bakit wala akong naramdaman kaya muli akong dumilat

Si Blade...



Nakatayo siya habang tumatagos ang pula niyang mga mata sa contact lens na suot niya.

Nakikita ko sa bawat paligid ang mga higanteng orasan, nakapaligid sa buong hospital- hindi mali. Sa lahat.

Nakahinto ang oras.

Lahat ng bagay ay nakahinto maliban sa amin.



"Itinapat ni Blade kanyang kamay sa babaeng yun at laking gulat ng may lumitaw na higanting kamay na kulay itim at hinawakan nito't piniga ang katawan ng Babae."



"Ah!!!" dumadaing sa sakit na sigaw ng babae habang pinipiga ni Blade ang buo niyang katawan


"Blade tama na! Itigil mo yan!" sigaw ko pero parang wala sa sarili si Blade


"Sinaktan ka niya blade.. dapat siyang magdusa." walang ekspresyon ang kanyang mukha maging ang kanyang mga tingin ay walang buhay


Who is Doctor Blade #Watty2018Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang