Galing sya sa operasyon at kung hindi man ay sadyang hindi nya gugustuhing marinig iyon, lalo na at ang papa nya na lamang ang naiwan sa kanya. Pero sa mga oras na ito, alam kong nag-iisip at nagtataka na rin sya.

"Sinong kasama ni Noona sa ospital, Hyung?"

"Nagtataka na sya kung bakit hindi pumupunta roon ang papa nya, Hyung." -Sapo ni Yonghoon hyung ang ulo nang maupo sya sa pinakamalapit na bangko.

"Pauwi na si Saga galing sa doon, si Woong at si Mama na lamang ang kasama nya doon mamaya."

"Susubukan rin nilang..."

"...sabihin kay Henna ang nangyari."

Kung gayon ay ang mama nya ang magsasabi kay Noona? Mas nakakatanda sila at mas alam nila ang gagawin. Pero kayanin kaya nila ni Hwanwoong si Noona?

Hindi pa tumatagal ng ilang minuto sa kinauupuan ay tumayo na rin sya matapos humugot ng malalim na buntong hininga.

Inayos ang suot na black coat at ang arm band na nakakabit sa kanya.

"Magbihis ka na, Gunhee."

"..."

"At tulungan mo sina Harin hyung mo at Cya sa labas."

"Dumarami na ang bisita."

Lumakad na palabas ng kwarto si hyung. Hindi sya katulad kung gaano sya kasiyahin noon, kung tutuosin ay hindi naman nya kaano-ano ang namatay para maapektuhan ng ganito. Pero ang papa kasi ni Noona ang taong hindi pwedeng hindi mo maramdaman ang pagkawala.

Tatay namin syang lahat.

At napakabuti nyang tao.

Mula sa kinasalampakan ko ay sumilip ako sa hall kung nasaan ang mga nakikiramay. Sa bandang unahan naman ay ang kinalalagyan ng katawan ni Tito. Noong isang gabi nang mabigla kami sa pagkawala nya, ay naging tahimik ang magugulo at maingay na magkakaibigan. Lalo na kahapon nang dalhin ang labi nya dito para makasama namin sa huling pagkakataon. Ang mga kaibigan nina Yonghoon at Leedo hyung ay hindi nawala dito, para tumulong sa pag-aasikaso at samahan si Noona kahit papaano.

Sina Keonhee, Ravn, Seoho, Harin, Kanghyun, Cya at yung kambal. Nahihiya ako para sa kapatid ko. Ni wala akong masabi sa kanila kung nasaan ito. Bakit ba ngayon pa naging iresponsable ang kapatid ko? Paano nya natitiis ng ganito si Noona?

"Wala parin bang balita sa kapatid mo?"

Naramdaman ko si Seoho hyung sa tagiliran ko.

Wala. Napuntahan ko nang lahat ng posible nyang kinaroroonan. Maliban sa tinutuluyan ni Ate Solar. Kung nasaan man ang kapatid ko at kung anuman ang dahilan nya, sana isaalang-alang muna nya ang sitwasyon ng asawa nyang walang ginawa kundi maging mabuti sa kanya.

Dahil gustuhin ko mang samahan si Noona ngayon...ayaw kong makita kung paano sya umiyak. Ayaw kong maramdaman ulit yung sakit na mawalan ng magulang. Ayaw kong marinig ang masasakit na iyak.

"Siguradong napakasakit kay Henna ng mga nangyayari."

"..."

"Nawalan sya ng ama."

"Galing pa sya sa operasyon, at ni wala dito ang asawa nya."

"..."

"Bakit naman ngayon pa ginawa ito ni Leedo kay Henna. Hindi ko maisip ang dahilan nya kung bakit nya ginagawa ito sa asawa nya."

Sa sandalan ng katabing bangko ay isinampay ni Seoho hyung ang hinubad na coat, at sa mismong tabi ko napiling umupo. Saglit na tiningnan ang telepono, tsaka ibinalik rin ito sa kanyang bulsa.

"Alam na raw ni..."

"..."

"...Alam na raw ni Henna."

Noong nakaraang gabi pa nang makareceive ako ng tawag galing kay Woong habang nasa festival sila. Nakapatay raw ang telepono ng kapatid ko kaya't ako ang una nyang tinawagan.

Sinabi nyang tumawag ang papa ni Noona sa kanya. Pero hindi raw ang papa nito ang sumagot kundi ang attending nurse sa kwarto ni Noona.

Naabutan raw itong walang malay at walang pulso sa tabi ng natutulog na anak. Malamang bago pa isalang sa operasyon si Noona, hindi na maganda ang pakiramdam ng papa nya. At ni hindi alam iyon ni Noona dahil buong araw at gabi parin daw itong tulog at pinaghihinalaang under comatosed.

Sabi ng mga nurse, baka isa raw iyon sa dahilan kung bakit nag-isip ng sobra ang papa ni Noona at sobrang nag-alala para sa anak nya. Kung nagsabi lang sana sya...baka hindi nangyari ang lahat ng ito. Lalo pa at nasa ospital mismo sya ng bawian ng buhay.

Naagapan pa sana sya.

Hindi sana tuluyang naulila si Noona.

Sinubukan pa raw na i-revive ang matanda pero sadyang...ilang minuto na itong walang hininga. At malinaw raw na cardiac arrest ang ikinawala nya.

Si Noona...

Paano kaya nya haharapin ang lahat?

Paano nya kakayanin ngayong wala ang kuya ko...

...at ang papa nya?

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now