"...Pinag-usapan na natin to bago ko pa isilang ang kambal, hindi ba?"

"Nangako kang tutulungan mo ako."

"..."

"..."

"Nangako ka, Byul."

Hindi nya ako tatanggihan. Sa lahat ng tao, alam kong sya ang hindi makatitiis sa sitwasyon ko. Noong nasa kolehiyo, ako ang unang taong tatawagin nya kapag napasok sya sa gulo. Abogado ang papa kaya't ilang beses rin naming sinamantala ang pangalan nito sa pag-aareglo ng gusot nya sa pangangarera. Ilang beses at halos puro iyon ang naaalala ko kapag nagkikita kami.

Hindi ko sinasabi sa kanya ito para tumanaw sya ng utang na loob sa akin, kundi dahil alam kong kaibigan ko sya.

"Si Yuma lang ang isasama ko."

Sinabi nya nang may tono ng pagpipinal.

Iniwasan kong hindi sya tingnan sa mata. Sa oras na magkatinginan kami, alam kong hindi nya mapipigilan ang pag-iyak, at ayaw kong lumambot ang puso ko nang dahil doon. Dahil ganoon sya kahit na may pagkalalake kung kumilos.

"Hindi ko kayang isama si Rumi."

"..."

"Mahina sya at kailangan ka nya."

Hindi ito ang pinag-usapan namin. Hindi nya alam na kambal ang isisilang ko. At wala akong gustong isantabi sa puder ko. Lalo na at mahina ang isang kambal at ayaw kong maging pabigat pa lalo ito sa akin. Ganito ako kadesidido sa mga desisyon ko.

Ayaw ko ng kahit na sino.

Kahit na masakit at mabigat sa buong pagkatao ko. Alam kong hindi pa ako handa sa lahat at ito ang kailangan kong gawin para sa sarili ko.

"Kung hindi ka papayag, hindi ko magagawa ang gusto mo."

"Dahil hindi ko kaya, Solar."

Wag kang tatanggi, Byul.

Kailangan kita sa plano kong ito. Alam mong para ito sa pangarap ko. Kung hindi ko ito gagawin, wala ng susunod pang pagkakataon. And I am not this fate's bitch.

"Byul..."

"...Don't do this to me."

Alam kong tinatapos na nya ang desisyon sa usapang ito. Ganito sya mula pa noon, kapag sinabi nya, hindi sya nagbabago ng isip at nangyayari ang gusto nya.

At ganoon ang ginagawa nya sa akin ngayon. Ito ang opsyong ibinibigay nya sa akin.

"Isasama ko si Yuma pagtapos ng shift ko."

Mataman ko lamang syang tinitingnan. At sa maya't maya nyang pagpalit ng sulyap sa akin, alam kong pinakikiramdaman rin nya ako at hinihintay ang sasabihin ko sa mga sinasabi nya.

"Dadalin ko ang bata sa Busan."

"Kung aalamin mo kung saan, sasabihin ko sa iyo. Pero kung wala ka talagang pakialam... Pwede mo paring itanong."

"..."

"Wag kang mag-alala, magiging maayos ang buhay nya. Kaya sana alagaan mo ang isang kambal."

"Habang-buhay kong dadalin ang konsensya sa mabigat na pabor na ito, Solar."

"Kaya nakikiusap ako sayo, wag mong pababayaan ang maiiwan sa iyo."

Mabilis ang pagsasalita ng mababang timbre ng kanyang boses at makailang lunok ng sariling laway. Makailang beses rin ang mabibilis nyang pagkurap, palatandaang pinipigilan nya ang pag-iyak.

"Ihanda mo ang sarili mo. At... aasikasuhin ko ang..."

"..."

"..."

"..."

"...Aasikasuhin ko ang d...death certificate nya."

A-ang death certificate ni Yuma.

Kahit na... parehong buhay ang kambal.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang biglang kurot sa dibdib ko. Lalo na nang bigla rin ang pag-iyak ni Rumi na nasa tabi ko. Hindi ko binuhat ang bata...sa halip ay hinawakan ang maliit na kamay nito.

"..."

"Wala ka ng ibang iintindihin kundi kung paano mo haharapin ang ama ng mga bata...at ang pakiusap ko sayo."

Maya-maya lamang ay lalabas na si Byul ng kwarto at isasama na nya ang kambal pabalik sa nursery. Ito na ang huling punta nya dito dahil iba na ang nurse na mag-aasikaso sa akin mamaya.

Ibig sabihin...

Itong mga natitirang minuto na lamang din ang huling pagkakataong makita ko si Yuma.

Isasama na sya ni Byul. At bukas sa susunod na shift nito... si Rumi na lamang ang sanggol na makikita ko.

Isa na lamang.

Si Rumi.

"Itanong mo na'ng lahat. Dahil hindi mo na rin ako makikita pa paglipas ng gabing ito."

"..."

"Hindi ko kayang makita ka pa."

Magkasunod nyang sabi at ngayon ko lamang kinakitaan ng takot ang mga mata nyang iyon. Galit? Para sa akin? Wala akong naririnig sa tono nya kahit na kanina nang magsimula ang usapan namin.

Malamig ang braso nya nang madampi ito sa akin nang iabot nya sa akin ang kargang si Yuma. Ang batang ito... napakaganda ng walang muwang nyang mga mata. Hindi ko maiwasang sabihin iyon sa sarili ko habang tinititigan sya at kinakabisado ang mukhang maaaring hindi ko na makita pa.

Yuma...

Ang ibig sabihin ng pangalan mo ay katotohanan. Hindi mo man dalin habangbuhay ang pangalan na iyan, alam kong palagi kang dadalin ng panahon at katauhan mo sa kung ano ang totoo.

Saglit lamang ipinahawak sa akin ni Byul ang bata at sya rin mismo ang bumawi nito sa mga bisig ko.

"Iimpake mo ang mga gamit ng bata."

"..."

"..."

"..."

"At magpaalam ka na sa kanya."

"Ibabalik ko na sya."

🍀

Hello, Beginning • Oneus fanfiction✅Where stories live. Discover now