Chapter 81: Diamond

Start from the beginning
                                    

Tumingin ako sa dalawang wala ng buhay. Hindi ako naging mafia ng dahil sa wala. Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad pero bago iyon may nakakita samin kaya mabilis itong binaril ni darklight. Dahan-dahan itong bumagsak sa lupa habang nakaturo samin, tsk.

Tumingin ako sa paligid, walang pakalat-kalat dito. Nasisiguro ko na malayo na sila samin. Binuksan ko iyong pinto na nakita ko kanina. Ito yung pinag-kakasiyahan nila kanina. Halos manlaki yung mata ko ng makita ko kung ano ang nasa loob, isang..... Bar ito!

Paano nagkaroon ng bar dito? Saan ba talaga ang lagusan nito? Senenyasan ko silang pumasok, tumango-tango sila at ginawa nga iyon. Nang makapasok sila sinara ko na ang pinto. Naglakad-lakad ako upang tignan kung nasaan ang mga red group.

Palihim akong sumunod sa isang red group na kadadaan lang sa harap ko. Luminga-linga ako kung nasaan na kami, ganoon pa din lupa pa din ang makikita pero agad akong nagulat ng pumasok kami sa isang cave na puno ng masisilang na bagay.

Hindi ko pinagtuonan ng pansin iyon dahil mas mahalagang makuha ko ang diamond ng puno. Mula sa nilalakaran namin rinig ko na ang maingay-ingay na kasiyahan. Hindi ko alam kung saan banda iyon dahil may dalawang papasok. Agad akong nagtago ng may papalapit saming red group. Nagtanguhan sila at halos mapaliktad ako ng sabay silang sumugod sakin. Sinipa ko ang isa at ang isa naman ay binalibag ko. Humarap ako sa sinipa ko, mabilis ko siyang sinuntok sa mukha at sinikmura.

Tumambling ako at sinipa ng malakas yung binalibag ko kanina. Rinig tuloy ang tunog ng buto niya. Mabilis akong umilag ng maglabas ng patalim yung sinikmura ko. Ilag ako ng ilag dahil winawasiwas niya yung dagger. Nag-backward ako at mabilis silang binaril. Binaril ko sa puso yung may hawak ng patalim samantalang yung isa naman sa ulo ko binaril. Tapos.

Nagmini-mini may nimo muna ako sa dalawang papasok. Nang mahinto ang kanta, napatingin ako sa tinuturo ng daliri ko, sa kanang pinto ang tinutukoy nito.

Pumasok ako doon at lahat ng makikita kong red group, chill kong binabaril na para bang kailangang ako ang maging bida. Binaril ko ang nasa kaliwa, kanan, likod at harap ko habang patuloy akong naglalakad ako.

Hinagis ko iyong dalawang dagger ko sa dalawang papalapit sakin, wala na kasing bala yung baril ko. Gumilid ako at mabilis kong nilagyan ng bala ang baril ko. Pagkatapos umilag ako dahil may tatamang bala sa kinatatayuan ko, binatuhan ko siya ng dagger dahilan upang matumba agad ito.

Tumayo ako sa pagkakaluhod at tumakbo papasok sa kanang pinto. At tama nga ako andito ang mga red group na nagkakatuwaan pa din. Halos masinag ako sa liwanag ng diamond ng puno. Kakaiba ito! Nakakaakit yung ningning nito at kakaiba ang hugis, kasing laki nito ang kamao ko.

"May nakapasok!" Sigaw ng nasa pintuan, agad akong nagtago sa likod ng puno at pasimpleng yumuyuko. Nang makalabas na ang kalahati, sampu na lang ang nandito.

"Tara na! Baka may makakita satin dito!" Rinig kong sabi ng isa.

"Mamaya, kay ganda pang pagmasdan" sabi ng may hawak ng diamond ng puno.

"Tama siya, pag binigay na natin ito kay madam hindi na natin ito makikita pa!" Sagot din ng isa habang humahawak din sa diamond ng puno.

Lilingon na sana sakin yung isa ng mabilis ko siyang barilin dahilan upang magsikilos na sila ng matumba ang kasama nilang naliligo na sa sariling dugo. Nagsilabasan sila ng armas kaya lumabas na ako sa pinag-tataguan ko at mabilis na ni-lock ang pinto habang binabaril sila pabalik. Nagtago ako sa mesang nakatumba at nakipag-salitan ng bala sa kanila.

Naghagis ako ng smoke bomb kaya nagsiusok ang paligid. Rinig kong nagsisi-ubo silang lahat kaya doon na ako kumilos. Pinakiramdaman ko sila habang lumilinga-linga ako. Nang may mabunggo ako mabilis ko itong tinadyakan at binaril sa sikmura. Yumuko ako ng mag-baril-baril rin sila. Hindi ko man sila makita at least napapakiramdaman ko naman sila. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa dahil mabilis kong inagaw yung diamond ng puno. Naalarma naman ito at nataranta. Binulsa ko yung diamond ng puno at saka ko pinag-sisipa-sipa yung may hawak kanina.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now