Halos makahinga sila ng maluwag ng bumukas ang pinto at niluwa doon sila zana, kc, jasmine, winnie at joy.

"Kanina ka pa namin hinahanap, couz. Buti na lang andito ka na" hingal na sabi ni zana, binigyan ko siya ng tubig.

"Bakit?"

"S-Si yanna" paninimula ni kc, agad kaming napatingin sa kaniya.

"Anong nangyari kay yanna?" Saktong bumukas muli ang pinto at niluwa doon si jayson na buhat-buhat si yanna na walang malay kasunod nila ay sina lanie na naiiyak na. Agad akong napatayo sa gulat.

Lumapit ako kay lanie kaya mas lalo siyang naiyak.

"Anong nangyari? Bakit ganiyan si yanna?"

"N-Nadulas siya sa restroom, huhu" at dahil sa gulat hindi ako nakagalaw. Nang matauhan ako lumapit ako kay yanna na pilit ginigising ni jayson.

"Yanna! Naririnig mo ba ako?! Yanna, wake up" ginugungun ko na rin siya. Tumingin ako kay lanie. "Nasaan ba yung nurse?! Bakit walang nurse dito sa clinic?! Tawagin niyo kung nasaang lukalop sila!"

"K-Kumakain-----"

"Kumakain? Seriously?!" Hindi makapaniwalang sabi ko kay rosa. The heck ng nurse na yun! Sinasabi ko sa kaniya humanda siya sakin. Hindi pa naman oras ng meryenda pero lumalayas na lang siya bigla.

Nilagyan ko siya ng oxygen dahil nahihirapan siyang huminga. Pinupulsunan na din siya ni jace habang chenecheck naman ni zana yung buong katawan ni yanna. Pilit din siyang ginigising ni jayson. Lumayo ako sa tabi nila at mabilis kong tinawagan si ninja.

"Hell----"

"Mag-dala ka ng doctor dito. Yung MAGALING sa MAS magaling!"

"Okay, wait nasaan ba kayo?"

"Here in the fucking clinic!" Sabay patay ko ng tawag. Lumapit ulit ako sa kanila at pagkalapit ko biglang nagising si yanna at hinabol-habol nito ang hininga ngayon ko lang din napansin na medyo basa yung buhok niya. "Yanna!" Napatingin siya sakin at agad siyang naluha at niyakap ako.

"Huhuhu, akala ko mawawala na ako, huhu" hinagod-hagod ko yung likod niya. Senenyasan ko si Jasmine na bigyan si yanna ng tubig. Tumango siya at binigyan si yanna ng tubig na agad naman nitong ininom.

Tumingin ako kay yabang na nakangusong kumakain habang nakatingin sakin, sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa siya. Minsan iniisip ko nasisiraan na ba ng isip si yabang?

Kumalas ako kay yanna at tumayo. Sunod namang lumapit sa kaniya si lanie na umiiyak pa din.

"Nasaan yung nurse?" Tanong ko ng masinsinan kay joy.

"Nasa banyo. Kasi pagkatapos daw nilang kumain nagdumi-dumi sila" nasapo ko ang noo ko. May mali, eh. Napatingin kami sa pinto ng bumukas ito at niluwa doon ang lahat ng player ng basketball. Pawis na pawis sila at iika-ika silang naglalakad. Napakunot noo ako at agad inalalayan si ashero ng muntik na itong matumba. Pinaupo ko ito sa tabi ni xylorh.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Jasmine at agad nilapitan si taylor na iniinda ang sakit ng paa.

"Sabay-sabay kaming nadulas sa gitna ng court. Hindi namin alam kung bakit naging sobrang dulas nun tulad ng mantika. Hindi naman ganun yun kaninang umaga pero pagkabalik namin sa court kanina ganun naman na ang nangyari" paliwanag ni fred. Napalingon ako sa malayo. Bakit puro malalapit lang sa akin ang nagkakaganito? Agad akong napahawak sa doorknob ng maisip ko si jonna. Kung tapos ng mabiktima ang DB, Banda at basketball player sunod gagalawin si jonna na badminton player. Kung maaari kailangan kong unahan ang nasa likod ng pangyayaring ito.

"Couz, where are you going?" Takang tanong ni zana. Huminga ako ng malalim at tinignan sila.

"Susunduin ko lang si jonna"

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Donde viven las historias. Descúbrelo ahora