Chapter 74: Daddy

Start from the beginning
                                    

"Wala ho. Salamat na lang ho"

"Sige mauna na ako. Mag-iingat kayo"

"Opo" at umalis na siya. Tinanaw ko pa siya mula sa malayo bago ako tumingin kay yabang. Ang sama-sama na ng tingin niya sakin.

"Kaano-ano mo si zarina vic?!" Sigaw niya sakin. Napalunok ako. Paano ko ba sasabihin na hindi ko alam?! Talaga naman, eh. Hindi ko alam tatawag ko dun kasi hindi ko naman talaga totoong nanay si zarina. Kinuha niya lang ako sa totoo kong mga magulang at inampon.

"H-Hindi ko siya kaano-ano"

"Paanong hindi kaano-ano?! Eh, Vic din yun kaya malamang----"

"Hindi ako Vic!.. Hindi ko apilyedo ang vic" naiiyak ko ng sabi. Nangunot noo naman siya at nilapitan ako.

"Paano nangyari iyon?" Napabuga ako ng hangin at kwenento ang totoo. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya ng matapos akong mag-kwento. "Kinuha ka nila"

"Paulit-ulit? Oo! K-Kinuha nila ako sa totoo kong mga magulang"

"So, napaka-laki ng kasalanan ng Mrs. Vic na yan"

"Oo kaya, please. Huwag mo akong pangunahan sa plano ko!"

"What?! Anong gusto mong gawin ko? Hayaan ang pagkamatay ni daddy?"

"Wala akong sinabing ganun! Ang sinasabi ko huwag mo akong pangunahan" tumingin ako sa mata niya. "Tutulungan tayo nila xylorh. Kaya please, makipag-tulungan ka na rin sakin/samin, *hik*" niyakap niya ako ng mahigpit.

"Sorry kung nasigawan kita. Hindi ko dapat ginawa yun"

"A-Ayos lang. Naiintindihan ko naman yung nararamdaman mo" humarap ako sa kaniya. "Bibigyan natin ng katarungan ang pagkamatay ng daddy mo" tumango-tango siya at tumingin sa langit upang pigilan ang luha. Pero, hinawakan ko ang mukha niya at hinarap ko iyon sakin dahilan upang tuluyan ng bumagsak ang luha niyang kanina pa gustong bumagsak. Niyakap ko siya at hinagod-hagod ang likod niya. "Magiging maayos din ang lahat"

Niyakap niya ako pabalik at umiyak siya ng umiyak sa leeg ko. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya dahil nawalan siya ng ama. Ama na dapat laging kagabay niya sa pag laki. Ama na kasabay niyang mag-laro ng basketball. Ama na dapat ka-vibes niya sa lahat ng bagay. At ama na magpapayo sa kaniya dahil silang dalawa lang ang nagkaka-intindihan kasi pareho silang lalaki. Ngayon wala na ang daddy niya kaya napaka-sakit talaga lalo na pag ka-close mo ito ng sobra. Parang daddy's boy ka talaga.

---

"Oh, saan kayo galing?" Tanong agad ni zana. Umupo kami sa sofa.

"Bakit ngayon lang kayo?" Takang tanong ni lance.

"Bakit kayo lang? Hindi kayo nag-sama" Maktol ni ashley.

"Bakit ganiyan itsura niyo?" Takang tanong din ni xylorh.

"Tubig nga" napanganga sila sa sinabi ko. May nasabi ba akong mali? Nagpapakuha lang naman ako ng tubig kasi nauuhaw na ako. Tumingin ako kay yabang, nakatulala lang siya sa kawalan. Siguro naipon yung sakit lalo na ng malaman niyang isang gangster ang pumatay sa daddy niyang inosente.

"Oh" kinuha ko yung tubig sa kamay ni sam.

"Thank you"

"So, saan kayo galing?" Tanong ng kaibigan ni sam na babae. Ito yung maingay na babae.

"Sa gubat"

"Anong ginawa niyo doon? At bakit ganiyan si Kaizer?" Takang tanong ni jonna. Napabuga ako ng hangin.

"Hayaan na muna natin siya"

"Ano bang nangyari?" Tanong ulit ni ashero. Magsasalita na sana ako ng...

"Kailan niyo gagawin ang plano?" Tanong ni yabang, napalunok ako.

"N-Nagpla-plano pa lang kami. P-Pero, meron na kaming n-naumpisahan" utal kong sagot. Napaka-lamig at seryoso kasi niya. Mas lalo akong kinabahan ng tumingin siya sakin. Bakit ba kinakabahan ako?!

"Umuuwi ka pa ba doon?"

"H-Hindi na. Hindi naman ako tanga, noh"

"Tsk. Huwag ka ng pupunta doon" tumango ako na tila siya ang amo ko at kailangan kong sundin.

"Teka, teka. Anong nangyayari?" Gulong sabi ni taylor. Tumingin ako sa kaniya.

"Tawagin mo si stepher"

"W-What?!"

"Ngayon na"

"Why should I call him?"

"Taylor"

"Oo, ito na!" Napabuga ako ng hangin at tumingin sa kanilang lahat. Kita sa mukha nila ang taka habang yung mga babae natatakot na. "Tapos na po!"

"Galit?"

"Hindi!"

"Naninigaw?"

"Hindi----hehe, hindi" nasibungisngis sila ng bigla niya iyong sabihin. Sinamaan ko kasi siya ng tingin. Tumingin ako kay yabang.

"Oh, tubig" kinuha niya iyon at ininom.

"Anong kailangan mo sa kaniya?" Cold pa rin niyang sabi. Hays, kailan ba ako masasanay sa boses niya?

"Malalaman mo mamaya"

"Tsk" Napatingin kami sa pinto ng may kumakatok.

"Andiyan na sila" sagot ni Bryant. Tumango ako.

"Buksan mo na"

"Couz, are you sure ba talaga dito?" Nag-aalalang sabi ni zana.

"Yeah, trust me dahil kung hindi pa tayo kikilos tiyak na mauunahan tayo ng kalaban"

"Oh, my, gosh, akala ko sa mga showbiz lang nagaganap ang ganito" maarteng sabi ni kc. Hindi ko na lang siya pinansin. Napatingin kami sa pinto at nakita sila stepher. Agad namang nagtago yung mga babae sa likod ng mga lalaking kaibigan namin. Tumayo ako at nakipag-high five kay stepher.

"May----"

"Painom muna ng tubig" sinamaan ko siya ng tingin na kinatawa niya.

"Kumuha ka dun sa kusina"

"Bisita kami dito kaya ikaw ang kumuha"

"Aba, iinom ka na nga lang hindi mo pa magawa. Kumuha ka dun"

"Ayaw ko nga"

"Edi, ayaw mo" nagsamaan kami ng tingin. Syempre, ako ang panalo dahil nag-iwas agad siya ng tingin.

"Kumuha ka nga ng tubig doon" utos niya sa kasama niya. Napairap muna ito bago umalis, natawa tuloy ako ng mahina. "Aba, aba, minsan na nga uutusan"

"Umupo ka na muna"

"Uupo na nga diba?!"

"Nagsisigaw ka ba, step!"

"Hindi, hehe----oh, hi girls" biglang sabi niya ng makita niya sila zana. "Pakilala mo naman ako sa mga girls"

"Taken na yang mga yan"

"Eh, ikaw? Single pa ba?"

"Tsk, sa tingin mo?!"

"Woah! Sino namang boyfriend mo! Eh, ang yabang-yabang mo!" Nagsitawa silang lahat. Napatingin ako kay yabang at napangiti ako ng makita kong tumatawa na siya.

"Yang nasa tabi mo" Napatingin siya kay yabang at ngingisi-ngising tumingin sakin.

"Naka-jackpot ka, ah"

"Well, maganda ako, eh" nagsi-ubo sila sa sinabi ko. Aba, totoo naman, eh.

"Bro, paano mo nagustuhan yan?" Tanong niya kay yabang.

"Ginayuma atah ako" nagsitawa silang lahat sa sinagot niya, sumama naman yung mukha ko. Yabang!

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now