Chapter 70: Friendship

Start from the beginning
                                    

"Diba, lumangot-langoy ako kanina?!"

"Tsk"

"Waaahhhh, ang ganda-ganda dito" sigaw pa nila natawa ako kasi nag-eeco yung boses nila. Masaya ako para sa kanila. Masaya ako kasi nakikita ko silang masaya.

"Next time, picnic tayo dito" sumang-ayon kami sa sinabi ni Frey. Maganda nga kung ganun.

Umupo ako sa buhangin at napangiti ako sa hindi malamang dahilan. Bakit ba ngiti ako ng ngiti? Siguro dahil pamilyar sakin ang lugar na ito. Hindi ko malaman kung kailan ako pumunta dito. Ang tanong pumunta na ba ako dito? Hays, ang hirap alalahanin sumasakit kasi ang ulo ko.

"Babe" napatingin ako kay yabang. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Thank you"

"Huh? For what?"

"For everything"

"No, I'm the one who will say that" hinawakan ko siya sa pisngi. "Thank you dahil dumating ka sa buhay ko, thank you kasi pinaramdam mo sakin kung ano ba talaga ang love, thank you kasi lagi mong ipinapaintindi sakin lahat, thank you kasi lagi kang andiyan, thank you kasi lagi kang nakikinig sakin, thank you sa pagmamahal na ibinibigay mo sakin, thank you kasi minahal mo ako at thank you kasi nagtiwala ka sakin. Zyzeir Kaizer Lopez, mahal na mahal kita kaya sana hanggat kaya mo o ako walang sukuan"

"Mahal na mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko, zyra chane" napangiti ako at niyakap siya. Mahal na mahal din kita higit pa sa buhay ko. Sana ikaw na talaga zyzeir ang para sakin.

----

"Mafia, ito na po ang blue folder" bulong ni ninja. Gabing-gabi na kaya paniguradong tulog na ang mga tao dito. "Ito po ang real at ito po ang fake" sabay bigay niya ng dalawang folder. Yung real folder nakakasilaw sa ganda ng kulay. Yung fake hindi makinang ngunit makintab naman.

"Malinis ba?"

"Oo, mafia. Sobrang linis"

"Good. Nakita mo ba siya doon?"

"Hindi, mafia. Sa tingin ko sinusundan niya kayo kanina habang ginagawa namin iyon" napangisi ako. Sumang-ayon nga ang tagumpay sakin.

"Salamat, nin----light"

"Walang anuman, mafia" naglakad kami ng dahan-dahan.

"Kamusta pala?"

"Ayun. Nakaka-move on na"

"Maganda kung ganoon" humarap ako sa kaniya. "Light, hindi mo siya deserve. Alam mo napaka-buti mong tao at isa pa meron pang mas better sa kaniya kaya maghintay ka lang dahil darating din yung taong mas kadeserve-deserve mo"

"Maraming salamat, Mafia"

"No, thank you. Thank you kasi nagtitiwala ka sakin. Alam mo bang mahirap kunin yan sa isang tao" napangiti siya at umiling. Tumingala ako sa langit napaka-raming bituin sa langit kay sarap titigan. Full moon din kaya maganda.

"Sa tingin mo ba mafia, nakita mo na ang para sa iyo?" Nakangiti akong tumingin sa kaniya.

"Nakikita pa lang pero hindi ko pa talaga totally nakita"

"Ah? Bakit naman po?" ngumiti ulit ako.

"Masasagot mo ang tanong mo pag nakita mo na o makikita mo pa lang ang para sayo"

"Hays, parang ang hirap naman" natawa kami sa sinabi niya. Sa ngayon hindi mo pa maiintindihan kasi bata ka pa at madami ka pang pagsubok na pagdadaanan katulad ko.

Tumingala ako sa langit. Hindi ko alam kung bakit ang saya-saya at pala ngiti ako ngayon. Sana wala itong kapalit na lungkot.

Napatingin ako sa kanan ko at napa-kunot noo ako ng makita ko si patricia na nakatitig sa langit. Mukhang kanina pa siya dito at mukhang hindi niya pa kami napapansin. Masyadong sigurong malalim ang iniisip niya.

"Ah, mafia mauna na ako" Napatingin ako kay ninja. Ngumiti ako at tumango.

"Mag-iingat ka"

"Masusunod, mafia" at umalis na siya.

Dahan-dahan akong lumapit kay patricia. Siguro it's time na rin para palayain ang mapait kong nakaraan. Siguro kailangan ko ng ilimot ang masalimoot kong nakaraan. Umupo ako sa tabi niya at gusto kong matawa ng hindi niya pa rin ako napapansin.

"Napaka-lalim naman ng iniisip mo" gulat siyang napatingin sakin. Tumingin ako sa dagat.

"Z-Zyra, andito ka pala. M-May kailangan ka ba?"

"Paglalapit lang ba ako sa inyo pag may kailangan ako?" Napatungo siya at iling. Napabuga ako ng hangin.

"Zyra, I-I'm sorry" naiiyak niyang sabi. "S-Sorry sa lahat, *sniff* k-kung hindi ko siguro g-ginawa iyon hanggang ngayon magkaibigan pa rin tayo, *hik*"

"B-Bakit mo nga ba iyon ginawa? Alam mo bang hindi ganun ang kaibigan kong patricia? Yeah, isang queen bee si patricia na kaibigan ko, nang-aaway ng nerdy o weirdong tao pero kahit ganun siya sinusuportahan ko pa rin siya kasi sumbat-sumbat lang naman ang ginagawa pero yung patricia ngayon nananakit na. Napaka-layo na niya sa nakilala kong patricia. Napaka-layo na niya sa naging kaibigan ko. Hays, nasaan na kaya yung nakilala kong patricia? Yung hindi nananakit" tumingin ako sa kaniya. Umiiyak na siya. "Nakita mo ba, patricia? At kung oo sana sabihin mo bumalik na siya sakin. M-Miss na miss ko na yung kilala kong patricia"

"Z-Zy, huhuhu. Please forgive me. Hindi ko ginusto iyon, huhu" tumingin siya sakin. "A-Aamin na ako, *sniff* m-may nagtangka sa buhay ko, huhuhu. At kung hindi ko d-daw gagawin iyon papatayin niya ako, huhuhuhu" inis ko siyang tinignan.

"Sa wakas umamin ka din. Napaka-tatag mo naman para isekreto mo sakin ng matagal yun! *hik*"

"A-Alam mo? P-Pero----"

"Kilala mo kung sino ako"

"Zyra, huhuhu" niyakap niya ako kaya napaiyak na rin ako. "Tulungan mo ako, huhuhu. Ayaw ko na ng ganun, zyra patawarin mo ako, huhuhu. Hindi ko ginusto iyon"

"Huhu, magbabayad siya, magbabayad siya"

"Mga kaibigan ko, huhuhu" Napatingin kami kay euna. Umiiyak na rin siya habang nakangiting lumalapit samin. Niyakap niya kaming dalawa kaya pare-pareho na kaming umiiyak. "M-Masaya ako, huhuhu kasi buo na ulit tayo, *hik*"

"A-Ako naman ang humihingi ng tawad sa inyo" kumalas sila sa yakap.

"Huwag kang humingi ng tawad. Walang may gusto nito, *shiff*"

"Tama na nga itong drama, haha" natatawang sabi ni euna. Natawa rin tuloy kami at pinunasan ang luha. "So, ngayon bati-bati na tayo. Kaya sana bumalik na tayo sa dati"

"Dating nag-aaway?"

"Sira!"

"Hahaha, I'm just kidding" at yun na nga nagtawanan na kami. Kaya pala napaka-saya ko ngayon kasi may mangyayari ring maganda.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now