Chapter 5.

6.4K 173 3
                                    

Chapter 5



Gabrielle POV


Alas onse nang gabi naming naisipang umuwi ni Cray. Nagpaalam kami kay Mr. Sy at Mrs. Sy.

"Mauna na po kami. I have work tommorow po eh. And pagod na rin ang asawa ko." Pagpapaalam ni Cray kay Mr. Sy.

Tumango si Mr Sy at tinapik ang balikat ni Cray. Niyakap ako ni  Mrs Sy.



"You take care, okay?" Sabi nito



Naunang umuwi sa amin sina tita Cassandra at Mr. Rufuerza. Hindi daw kasi sanay sa puyatan si tita Cass kaya umuwi na sila.

"Are you sleepy?" Tanong ni Cray habang nasa sasakyan kami.

Isinandal ko ang likod ko sa upuan.." hindi pa naman masyado." Sagot ko

Tumingin na ito sa daan at nagconcentrate sa pagdadrive. Nang makarating kami sa bahay ay agad akong naligo. Sobrang nilalagkit na ako sa suot ko. Nang matapos ako ay sumunod naman si Cray. Nahiga na ako sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Naramdaman ko din ang pagpatay ng ilaw sa buong kwarto.

"Good night baby." Rinig kong sabi ni Cray at hinalikan ang ulo ko. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Niyakap niya ako and i fall asleep in his arms.

Kinabukasan ay nagising ako sa pagkatok ng pinto ng kwarto namin. Wala na si Cray sa tabi ko. Siguro ay nasa office na ito.

Pupungas pungas akong tumayo at binuksan ang pinto.



"Nagising ba kita? May bisita ka sa baba." Sabi ni Manang Lena.

"Sino po?" Tanong ko.."anong oras na po?"


"Alas diyes na. Cassandra daw ang pangalan." Sagot ni Manang Lena.


Si tita Cassandra? Bakit kaya siya nandito? dali dali akong naligo bago bumaba. Pagkababa ko ay nakita ko si tita Cassandra na nakaupo sa sala at kausap si Manang Lena.


"Tita Cass, sorry po nalate ako nagising" sabi ko at beneso ko siya.


"Its okay. Ako nga ang dapat mahiya dahil naistorbo ko ang pagtulog mo." Sabi nito

"Okay lang po." Sabi ko

"Gusto sana kitang yayain magbonding. Alam mo na as a mother and daughter bonding." Masayang sabi nito.

Pinagbigyan ko siya.


Nandito kami ngayon sa salon at nagpapamake over. Ang sabi niya sa akin ay hindi porke't hindi kami masyadong lumalabas ng bahay ay hindi na naming kailangang maging maganda. Dapat daw ay maganda kami araw araw para hindi kami ipagpapalit ng mga asawa namin. Seriously? Di ko naisip yun ah.

Pinagupitan ko ang straight kong buhok. Yung bangs kong mahaba na ay hinayaan ko lang. Pinalagyan ko din ng koting curl sa baba para mas mukhang matured ang itchura ko. Nilagyan din nila iyon ng konting highlights. Pagkatapos iyon ay sunod kaming pumunta sa spa. Nagpamanicure at pedicure din kami.


Halos limang oras kaming nagpaganda. Nang matapos kami duon ay kumain kami sa isang itallian restaurant.


"Kwentuhan mo naman ako tungkol sayo,hija." Sabi nito ng kumakain kami.

Mas lalo pa itong bumata dahil sa kulay ng buhok nito. Yung kutis nitong maputi ay kumikinang.

"nasaan ang mga magulang mo?" Tanong nito.

"Wala na po." Sagot ko..." my mom died nung pinanganak niya ako. May sakit po kasi sa puso yung mama ko kaya hindi niya kinaya ang panganganak. Ang papa ko naman ay namatay din nung pinagbubuntis pa lang ako ni mama.." pagkwekwento ko..

Nilapag ko ang kutsara at tinidor ko..

"Yung mga momsie ko ang nagpalaki sa akin. Nasa palawan sila ngayon kasama si lola Carmela. Papakilala po kita kapag dumating sila." Sabi ko.

"Really? O sige. Para makabonding ko rin sila." masayang sabi nito.


Masayang kumain kaming dalawa. Nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Masaya ako at alam kong masaya din siya. Ganito pala ang pakiramdam na makabonding ang isang ina. Na kahit hindi ko siya kadugo. Nararamdaman ko pa rin na parang tunay ko siyang ina..



Cray POV



"Thank you, Mr. Rufuerza." Sabi ko nang nakangiti. Nakipagkamay ito sa akin at tinapik ang balikat ko.




"Wag kang magpasalamat sa akin. Thank you to your wife." Sabi nito na nakapagpakunot ng noo ko.."alam mo bang pinilit pa ako ng asawa kong tanggapin na ang deal na ito. Ang sabi niya ay wag na daw kitang pahirapan ng sa ganun ay wag ding mahirapan ang asawa mo." Sabay tawa nito.





Tumawa na din ako.." thanks to my beautiful wife then."





Hindi ko alam kung anong meron kay Gabbie at Mrs Rufuerza. Ang alam ko lang ay magkasundo ang mga ito.




"You know, Cray. My wife wants to have a child again.  Pero dahil nahihirapan siyang manganak ay hindi na kami nagkaroon. Kagabi, ang sabi ni Cassandra ay nagkasundo daw sila ni Gabrielle na ituring ang isat isa na parang mag ina." Sabi nito. Nakinig lang ako. I know, what happen to their daughter before. Si mommy ang naging sandigan ni tita Cassandra nung mamatay ang anak nila..




"That night. Nakita ko ulit ang saya sa mga mata niya. Siguro nga, ganun siya napasaya ni Gabrielle na kahit kailan ay hindi ko na nagawa mula nang mawala ang anak namin." Tumingin ito sa akin.."and i hope na maibalik na talaga ang saya sa mukha ng asawa ko. And thanks to your wife." Ngumiti ito.




Ngumiti ako at tinapik ang balikat nito.."its okay tito. My wife is always like that. Alam kong magkakasundo sila ni tita Cass." Sabi ko






Tumawa ito at tumango.




Pagkatapos ng pag uusap namin ay nagpaalam na rin ito. Pumayag na si Mr. Rufuerza kaya wala ng problema. And i can give all my time to my wife now.






Alas singko nang hapon ko naisipang umuwi sa bahay. Pagkadating ko duon ay dumiretso ako sa kwarto. Pagkapasok ko ay nakita kong nakatayo si Gabbie sa may closet. Mukhang may hinahanap ito duon. Tinignan ko siya nang di niya napapansin ang pagdating ko. Nakasuot ito ng black shorts at white sando. Kitang kita ko ang mahaba at maputi nitong legs. I cleared my throat..lumapit ako sa kanya at niyakap siya patalikod.





"Uy!" Nagulat ito.





Mahinang tumawa ako at sinubsob ang mukha ko sa leeg niya. Ambango shit. Tagal ko ding di nagagawa ito sa kanya ah. I miss her. I miss her smell, her hug and her kisses. How i love this girl so much.

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now