Chapter 4

6.8K 172 2
                                    

Chapter 4

Gabrielle POV 

Nakahawak ang mga kamay kong sa braso ni Cray habang papasok kami sa enggrandeng mansion ng mga Sy. Dito gaganapin ang party at batid kong marami talagang imbitado. Marami na ring bisita nang makapasok kami. Pagpasok pa lang namin ay kitang kita ko na ang mga babaeng nagsososyalan at naggandahan nilang gown. Halata ang yaman at kaelegantehan sa kanilang mga suot na mga alahas..Tsk..Sa sobrang ganda ng mga yan, im sure na marurumi naman ang mga pag uugali.

" Cray Rueva." May sumalubong sa amin na lalaki. Hindi pa naman ito katandaan . Batid kong magkaedad lang ang mga ito kay Daddy Abraham.

" Mr. Rufuerza. I didnt expect to see you here." Nakangiting sabi ni Cray at naglahad ng kamay. Mr. Rufuerza? yung malaking kliyente nila Cray?

Tumawa yung si Mr. Rufuerza at nakipagkamayan kay Cray.." Hindi talaga sana ako dadalo, but Mr Sy is a friend of mine kaya di ako makatanggi." Sabi nito.

Tumango si Cray. Tumingin sa akin si Mr. Rufuerza kaya napatingin din si Cray sa akin.." By the way, Mr. Rufuerza, this is my wife, Gabrielle." Pagpapakilala sa akin ni Cray.

Ngumiti ako at naglahad ng kamay sa kanya.." Nice to meet you, Sir." 

Ngumiti ito sa akin at tinanggap ang kamay ko.." Nice to meet you, hija." Sabi nito at bumaling kay Cray.." You have a beautiful wife." Luminga ito sa paligid at mukhang may hinahanap.Tumigil ang mga tingin nito sa isang babaeng nakawhite gown na nakikipag usap sa iba.." Cassandra." Tawag nito sa babaeng iyon. Lumingon ito sa direksiyon namin at agad lumapit..

Hinarap kami ni Mr. Rufuerza.." This is my wife, Cassandra." Pagpapakilala nito sa babae..

Ngumiti si Cray at naglahad ng kamay.." Hi, Ma'am. I'm Cray Rueva and this is my wife, Gabrielle." hinawakan ni Cray ang kamay ko..

Ngumiti ako sa kanya at naglahad ng kamay.. Tinanggap nito iyon ng nakataas ang kilay..Kasali din ba ito sa mga mapanglait na mayayaman?

" Nice to meet you too, Mr. Rueva." Baling nito kay Cray.." You have a beautiful wife, i must say. Paano kayo nagkakilala?" Tanong nito

Ngumisi si Cray. Nalaglag naman ang mga panga ko..Kung maaari, ayokong ungkatin ang nakaraan. Kung paano kami nagkakilala ni Cray. Ayokong sabihin yun sa iba dahil magmumukha akong bayaran para sa kanila. 

" Actually Ma'am, nakakatawa." Sabi ni Cray.." She's pretend that she is my wife." Ngiti ni Cray..

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon