Chapter 34.

5.1K 105 0
                                    

Chapter 34.


Gabrielle POV

Puro tulog ang ginawa ko sa biyahe. Magigising lang ako pag nakaramdam ako nang gutom o kaya ay kung hihinto si Cray para sa stop over.


"San na tayo?" Tanong ko nang may makita akong malawak na bukirin. Part of northern luzon i guess.

"Malayo pa tayo." Sabi nito.

Tumingin ako sa kanya. Seryosong nakatingin ito sa daan habang ang isang kamay ay nakahawak sa manebela at yung isa ay nakasandal sa bintana ng kotse.

"Balak mo yatang pumunta sa Ilocos ah." Sabi ko na nakatingin pa rin sa kanya.

"Di naman!" Ngisi nito.."Sa La Union tayo."

Nanlaki ang mga mata ko. La Union? Bakit naman niya dun naisipang pumunta? Wala naman siyang kakilala dun ah.

"Wala ka namang kakilala duon diba? Bakit dun mo naisipang pumunta?" Nagtataka kung tanong.

Nagulat talaga ako na duon kami pupunta. Wala naman yang kaalam alam sa probinsya. Bakit niya dun naisipang magbakasyon diba?

"Matagal nang sinasabi ni Geo sa akin yun. Ngayon ko lang mapupuntahan, so..." tumingin pa siya sa akin.

"So nakapunta na si Geo dun?" Tanong ko ulit.

"Yeah." Tumango pa ito.

Hindi na ako nagtanong pa. Kung nakapunta na si Geo dun ay hindi ko alam kung kailan. Di na nagpapakita ang taong yun kaya baka nililibot na niya ang buong mundo.

Natulog ulit ako sa biyahe. Nagising lang ako nang tinapik ako ni Cray. Nagmulat ako at inayos ang sarili. Inalalayan ako ni Cray palabas ng sasakyan. Inilibot ko ang aking paningin. Nakita kong nasa isang resort kami. Maganda ang resort na ito. Mula sa landscape na nasa harap at mga halamang naggagandahan. Ang mga bermuda grass na madadaanan ay nakakamangha sa pagkakulay berde nito. Mayroon din akong nakitang tatlong swimming pool. Malaki at bilog ang nasa gitna at sa magkabilang gilid nito ay parehas na square. May pambata at meron ding pangmatanda.


Iginiya kami ng isang staff sa mga inn na nasa bandang dulo ng resorts. Marami rin akong nakikitang mga turista nitong resort. May mga amerikano at mga tagamaynila ding tulad namin ni Cray.

Nang makapasok kami ni Cray sa magiging kwarto namin ay agad ko itong tinignan. Gawa sa kahoy ang dingding at sahig nito. Sakto lang ang kama para sa aming dalawa. May flatscreen tv, isang maliit na ref at mayroong mini sala sa gilid. Binuksan ko ang double doors at tumambad sa akin ang nagniningning na karagatan.

Napangiti ako sa view. Maganda ang lugar na ito. Sariwa ang hangin at nakakarelax.


Lumapit ako sa may pasimano nang veranda at tumingin sa paligid. At kung nagandahan ako sa landscape na meron sa harap ay mas lalo akong namangha sa landscape dito sa likod. May fountain na malaki sa gitna. Mga bulaklak na nasa gilid. Mga nakahilerang duyan na gawa sa kahoy ang nakaharap sa dagat. The view is perfect.

I spread my two hands at huminga ng malalim. Sumabog ang aking buhok sa aking mukha dahil sa malakas na hangin. Hinayaan ko lang iyon. Pumikit ako at ninamnam ang masarap na pakiramdam.

Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay sa bewang ko. Napamulat ako ng mata. Cray hugging me in the back. He rested his chin in my shoulder at tumingin din sa paligid.

Tahimik kaming dalawa habang tinitignan ang magandang karagatan. Para bang nasa pelikula kaming dalawa na nakatingin sa magandang tanawin at ninanamnam ang ganda ng paligid. Ang sarap sa pakiramdam.

Hindi ko alam kung hanggang kailan kami mananatili dito. Sa totoo lang, gusto ko na ngang tumira dito eh. Pero alam kong may mga trabaho si Cray sa maynila. I dont want him to leave the company because i want to live here..



Inalis ko ang isiping iyon. I'm happy with my life. Marami lang talagang problema na darating.



Kinabukasan ay namasyal kami sa tabing dagat. Hindi man kasing ganda ng boracay ang lugar na ito ay masasabi kong isa itong paraiso. Seeing that wonderful sea makes my body relax. Ang sarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin.



"You seem to like this place."


Ngumiti ako kay Cray sa sinabi nito. Yes, Cray! I love this place.


Naglakad lakad lang kami sa dalampasigan. Kahit mataas na ang init ng araw ay hindi namin iyon inalintana. Maraming bata akong nakikitang naliligo sa dagat. Masaya ko silang tinignan. Kahit duon sa ilocos, gustong gusto kong makakita nang mga batang naliligo sa dagat. Ang sarap panuorin ang mga mukha nilang masayang masayang lumalangoy at walang takot na hinaharap ang mga alon. They carefree!



Pinanuod din namin ni Cray ang paglubog ng araw. I take pictures on that wonderful scenario. Yung kulay orange na araw ay unti unting nawala sa paningin ko. Napalitan nang kadiliman ang buong paligid.



"Let's go inside. Baka mahamugan ka." Said Cray at inalalayan ako pabalik sa resort.



Kumain kami nang dinner. Seafoods and veggies are delicious. Yung mga talangka na malalaki! Nakakaengganyong kainin! Too bad, i have allergy on that food.



Pagkatapos naming kumain ni Cray bumalik na kami sa kwarto namin. Nagpahinga ako saglit at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.



Mabilis ang pagdaan ng araw. Three days na kami dito at talagang nag eenjoy kami ni Cray. Naglalakad lakad kami sa umaga at naliligo kami nang dagat kapag hapon. I enjoy it so much. Nakikipag usap din ako sa mga mangingisda na nakikita namin ni Cray. Naiinis nga si Cray dahil hindi niya naiintindihan yung pinag uusapan namin. Ilokano kasi. Sabi niya ay baka minumura na daw namin siya.


"Hindi ko talaga maintindihan ang salita dito, baby. Pakiramdam ko nasa ibang planeta ako." Inis na sabi nito.


May nagtanong kasi sa kanya na matanda gamit ang lenggwaheng ilokano. Hindi siya nakasagot dahil hindi naman niya naintindihan. Nainis yung ale dahil bigla na lang daw niya nilayasan. Nasabihan tuloy ng bastos.



"Parang ang bobo bobo ko tuloy." Sabay sabunot nito sa buhok. Mannerism. He always been like that tuwing nafrufrustrate siya. I find it cute, anyway!



"Sabihin mo kasing hindi ka makaintindi nang ilokano. Marunong namang magtagalog yung mga tao dito ano." Sagot ko sa kanya. As usual, nandito na naman kami sa tabing dagat. Our favorite spot. Dito namin inuubos yung mga oras namin. Sa pagtanaw ng papalubog na araw.



Everything's going smooth between me and Cray. Sa simpleng pagtanaw namin sa papalubog na araw ay nagaga a naming sabihin ang mga bagay bagay. Tahimik naming tinatanaw ang araw na mawala sa paningin naming dalawa. Na para bang pareho kaming may malalim na iniisip. Ako, na iniinisip kung ano ang mangyayari sa akin at sa baby ko at siya na iniisip ang kapakanan naming pareho ng bata. I know, na hindi pa rin siya pumapayag sa disisyon ko. Na meron pa ring pag aalinlangan sa kanya. He's always been strong when he faced me..but i always know, that deep inside, iniisip niya rin ang kalagayan ko..na alam kong nagiging sanhi nang kahinaan niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Thanks to this man, because of him, i know, i am strong enough to fight everything with no fear....



"I love you, baby."



...................................................

Yeah right! Here i go again...hehehe..hindi ko alam kung anong kinalabasan nang update kong ito but i hope...na sana nagustuhan niyo. Ngayon ko lang narealize na ang hirap mag isip kapag nasa book 2 ka na o sequel nang nauna mong story...kasi parang mas nahihirapan ako ngayon kesa nung una kong story. Haixt!! But i'll try my best to finish this story. Malapit naman na eh..hehehe..and anyways, i deleted my story for Geo..ayoko na yung ituloy..parang mas nathrithrill ako sa story ni Jon na naiisip ko..so im so sorry Geo Alferez..ayaw na kita..haha..mas gusto ko na si fafa Jon...kekeke..inuumpisahan ko na yun sa totoo lang..marami akong time dahil maganda ang sched ko this sem..so hope you guys, support my story entitled 'Why cant it be'..that's the story of Jondrei..thank you :-)




Please vote and comments..





Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now