Chapter 37.

5.4K 126 2
                                    

Chapter 37.



Gabrielle POV



Maaga kaming umalis ng resort. Madaling araw pa lang ay tumulak na kami  ni Cray pauwi ng manila.



Gusto ko pang mag stay sa totoo lang. Pero parang may nagtutulak sa akin na umuwi na kami. Maybe because i miss my family na.



Katulad ng dati. Natulog ulit ako sa buong byahe. Nagigising lang ako pag nagugutom o kaya ay humihinto kami dahil sa stop over.



Hindi ko alam kung ilang oras kami byumahe. Basta't nagising na lang ulit ako ng tinapik ako ni Cray.


"We're here."



Kinusot ko ang aking mga mata at bumaba ng sasakyan. Ramdam ko ang pagod sa byahe. Mabigat ang aking pakiramdam. Siguro ay ipapahinga ko na lang.



Inalalayan ako ni Cray papasok ng bahay. Pagbukas ko ng double doors ay nagulat ako sa bumungad sa akin.


"WELCOME BACK!" sabay sabay na sigaw ng mga taong nandito sa bahay.



Napangiti ako ng makita ang mga party poopers na hawak nina momsie. Meron ding mga mahahabang baloons ang mga ito. Napailing ako. Ano kami? Bata?



Lumapit ako sa kanila at niyakap sila isa isa. Sina Momsie na naiiyak pa. Sina Mommy Celine at Daddy Abraham. Si Lola Carmela at Mama Cassandra na narito din.



"Hi Ryuk." Ngiti ko sa batang karga ni Ania. Malusog na malusog ito at ang cute.


Niyakap ko din si Ania at Andrea. Kinamusta din ng mga ito ang kalagayan ko. Ngumiti lang ako sa kanila. Nanduon din sina Ash, Geo na ngayon ko lang nakita. At si Jon na may kasamang babae.



"How are you, Gab? Hindi pa ba lalabas ang inaanak ko?" Ngiti ni Jon at niyakap ako.



Ngumiti ako pabalik at tinignan ang babaeng nasa tabi nito. Maganda at sexy.


"By the way, this is Vianca Saavedra, my girlfriend and Cristine's cousin." Pagpapakilala ni Jon.



Nagulat ako. Pinsan ni Cristine? At girlfriend ni Jon? That's bad..



"Hi, I'm Gabrielle." Naglahad ako ng kamay.


"Vianca." Ngumiti ito sa akin at inabot ang kamay ko.


Binalingan ko ulit si Jon na todo ngiti habang pinagmamasdan si Vianca.


"Where's Cristine?" Tanong ko.


Nagpout si Jon."I don't know. Mukhang tinataguan ako ng isang yun." Sabi nito.



Napailing ako. Manhid talaga. Now, she have a reason to avoid him.


Pagkatapos ng pagyayakapan at pagkukumustahan ay kumain kami sa mga inihanda nilang pagkain. Napuno nang tawanan ang mesa dahil sa mga jokes nina Momsie. Samahan mo pa ang kalokohan ni Geo at Jon.



Napangiti ako ng palihim. I am happy that i've met this people. I've been sorrounded by the people i love. That makes me contented.



Pagkatapos ng salo salo na iyon ay unti unti na silang nagpaalam. Nauna si Jon at Vianca na sinundan ni Ash at Ania. Nagsunod sunod na ang iba.



Umakyat ako sa aming kwarto para magpahinga. Ramdam ko na ang pagod. Parang ngayon lang natanggap ng katawan ko ang lahat ng ginawa ko kanina. Pakiramdam ko ay namamanhid ang buo kong katawan.



Dumiretso ako sa banyo para maligo. Inilublob ko ang sarili ko sa mainit na tub. Halos makatulog ako kung hindi lang ako kinatok ni Cray.



"You okay?" Nakita ko ang pagsungay ng ulo nito sa pinto ng bathroom.



Tumango ako sa kanya at ngumiti.


Umahon ako sa tub at dahan dahang bumaba duon. Inabot ko ang aking roba at ipinulupot iyon sa aking katawan.


Pagkalabas ko ng bathroom ay nakita ko duon si Cray na nakaupo sa kama. Ngumiti ito sa akin at nilapitan ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. Isinubsob niya ang mukha sa aking leeg.


I smiled. I want his hug warmth me. Ang init ng yakap nito ay nanunuot sa aking katawan.


Naramdaman ko ang haplos nito sa aking maumbok na tiyan.



Inangat ko ang mukha ko at nakita kong nangingiti siya habang hinahaplos ang tiyan ko.


"One month na lang makakasama na natin siya." Ngiti nito.



Ngumiti din ako at tumango. Hinayaan ko ang sarili kong haplusin niya ang aking tiyan. I saw happiness in his eyes habang ginagawa iyon. I know, his excited sa pagdating ni baby. Ako din naman, excited. Pero at the same time ay natatakot.. im scared about my condition.



Nakatulog ako sa yakap ni Cray. Ang himbing ng tulog ko sa mainit na yakap nito.


Unti unti kong minulat ang ajng mga mata. Ang bigat ng talukap ng aking mga mata. Parang nahihirapan akong bumangon. Hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko dahil sa panlalambot ng mga iyon. Pero ganun pa man, pinilit kong bumangon.



I managed to stand up in bed. Hinang hina ako at pakiramdam ko ay hihimatayin ako anumang oras. Yung mga mata ko ay hindi ko mabuksan ng maayos. Nararamdaman ko na rin anj paninikip ng aking dibdib. Ang kirot nun ay nakakapanghina. Ang bilis bilis ng pintig na para bang ito ay sasabog na. Ang sakit!



Hinaklit ko ang dibdib ko. Pinilit kong tumayo sa kama at lumapit sa maliit na ref para uminom ng tubig pero hindi ako makahakbang sa panghihina.




Nanlabo ang aking mga mata at pakiramdam ko ay nagbara ang aking tenga. Wala akong marinig.


Pinilit kong ihakbang ang mga mata ko pero hindi ko kaya.


"Ha!" Huminga ako ng malalim nang mas kumirot ang aking dibdib. Pinagpapawisan na ako dito. Pero wala akong magawa. Para akong naitulos na kandila.



Namuo ang takot sa aking dibdib. Nagsimula na ring bumuhos ang mga luha ko. Sobrang sakit na ng dibdib ko at hírap na hirap na akong huminga.



"Gabbie?"



Narinig ko ang boses ni Cray sa kung saan. Pero hindi ko na makita kung asan siya dahil kasabay nun ay ang unti unti kong pagkawala ng malay..



Pero bago ako tuluyang bumagsak sa sahig. Naramdaman ko ang mainit na brasong sumalo sa akin.




……………………………………………

This is it.. thank you for the long ride readers.. thank you for reading my stories.. hope you guys like it.. salamat.



Cute2ng.



Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now