Chapter 22.

5.5K 115 3
                                    

Chapter 22

Gabrielle POV

"Cray." Ginising ko si Cray na himbing na himbing sa pagtulog.

"Hmmn?" Napaungol ito sa pagyugyug ko.

"Nagugutom ako." Sabi ko at niyugyug ulit siya.

"Kumain ka na lang dun. There's a food in the kitchen, baby." Paos na sabi nito at tinalikuran ako.

Hindi ko alam kung bakit biglang kumulo ang dugo ko. Parang tumaas lahat ng dugo sa ulo ko at nainis dahil tinalikuran niya ako.

Hinampas ko ang likod niya."Ayoko nang mga yun!" Galit na sabi ko

Hinarap niya ako. Naiinis at mukhang galit na."Gabrielle naman." Nagkamot ito ng ulo."I'm tired. Please if you're hungry, go to the kitchen and eat . Wag mo na akong guluhin dahil pagod ako, maaga pa ako bukas." Sabay higa ulit nito at tinalikuran ako bago nagtalukbong ng kumot.

Yung inis ko kanina ay biglang nawala. Naramdaman kong humapdi ang mga mata ko. Nagsimulang magtubig ang mga mata ko. Humiga na lang ulit ako sa kama at tumulo na ang luha ko. Tinalikuran ko siya at niyakap ang unan. Nakakainis. Alam kong pagod siya at kakatulog niya lang. Pero bakit niya naman ako sinigawan diba? Pinunasan ko ang luha kong patuloy parin sa pagdaloy. Lintik na luha ito. Gaanito ba talaga kapag buntis? Nagiging emotional. Parang gripong tumutulo ang luha ko. Hindi mapigilan.

"Aixts!" Dinig kong buntong hininga ni Cray at bumangon ito para harapin ako. Nakatalikod pa rin ako sa kanya at hindi siya pinansin.

"Sorry." Sabi nito.."Ano bang gusto mong kainin?" Hinawakan nito ang kamay ko. Hindi ko pa rin siya pinansin. Suminghot ako.

"Stop crying, baby. Makakasama sayo yan." Hinaplos niya ang likod ko at pinaharap ako sa kanya. Di ako makatingin sa kanya. Pinunasan nito ang luha ko.

"What do you want to eat?" Tinignan ko siya. Pagod ang kanyang mga mata at mukhang inaantok talaga.

"Wag na." Sagot ko at bumangon.."Matulog ka na lang." Sabi ko at tumayo sa kama at lumabas ng kwarto.

Maaga siya bukas at alam kong marami siyang gagawin sa office. Naguilty naman ako sa nakita kong mukha niya. Mukhang pagod na pagod. 

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon