Chapter 12.

5.9K 167 5
                                    

Chapter 12


Gabrielle POV



Ilang oras din akong umiyak sa harapan ni Ania. Nandito ako ngayon sa bahay nila ni Ash dahil ayoko pang umuwi. Panigaradong iiyak lang ako sa bahay pag umuwi ako. Langyang lalaki talaga yun! Enjoy na enjoy siguro yun sa date nila ni Amanda. Bwisit talaga.

"Uminom ka muna nang juice." Sabay abot sa akin ni Ania nang isang basong orange juice.

"Salamat." Sabi ko nang tinanggap ko iyon. Uminom ako nang mahimasmasan ako. Salamat talaga kay Ania dahil nandiyan siya. Naku kung hindi. Baka nanging loka loka na ako.

"You need to ask him kung anong meron sa kanilang dalawa, Gab." Sabi nito habang tinitignan ako habang sumisinghot sa tissue'ng binigay nito.

"Talagang tatanungin ko ang impaktong yun. Akala niya ah." inis na sabi ko sabay singa sa  tissue'ng hawak ko.."Pag nalaman kong may relasyon sila, lalayasan ko talaga ang lalaking yun!Bwisit siya!"

Natawa si Ania sa akin. 

"Wag kang tumawa diyan kung ayaw mong banatan kita. Kahit buntis ka hindi ako mangingiming sabunutan ka." Nafrufrustrate na nga ako dito tas tatawanan niya lang ako. Hello!Best actress is here. hindi comedy ito kaya wag siyang tatawa tawa.

"Nakakatawa ka, Gabbie." Sabay hagalpak nito ng tawa.

Kumunot ang noo ko. Napatigil ito sa pagtawa dahil talagang hinahanda ko na ang kuko ko para kalmutin siya. Humugot ito ng malalim na hininga.

"Umuwi ka na nga." Pagtataboy nito sa akin.

"Ayoko pang umuwi." Sabi ko at nagsimula ulit magdrama.

Kahit nakakatawa na ako ay hindi ko pa rin maiwasang isipin ang lahat. Bakit ba kasi nagbalik ang Amandang iyon? Panira ng moment naman si Ate.

Wala akong nagawa nung pinauwi ako ni Ania. Aniya ay maaga daw uuwi si Ash at baka mahalata pa nun na galing ako sa pag iyak at baka sabihin pa nito kay Cray. Edi sabihin niya. Samahan ko pa siya eh. Malalaman at malalaman din naman ng impaktong iyon dahil talagang kokomprontahin ko siya. Ayus ayusin niya lang ang isasagot niya kung ayaw niyang ipatikim ko sa kanya ang kaimpaktitahan ko.

Alas kwatro nang hapon ako nakarating sa bahay. Walang gana akong naglakad papasok nang bahay. Inaalala ang nangyari kanina. Tanungin ko ba si Cray? Parang ayaw kong marinig yung explanation niya. Paano kung totoo yung hinala ko? Na nagkabalikan na sila? Iiwan niya ba ako? Kasi si Amanda na ang mahal niya? Paano na ako kung ganun nga ang mangyayari? Sino na ang tatakbuhan ko? Mag a-anull ba kami-


"TANG INANG IMPAKTO!" Napamura ako ng di oras nang madapa ako.

Dahil sa sobrang pag iisip ko sa mga bagay bagay ay ayan ang napala ko. Nakadapa ako sa sahig dahil sa pagkakadapa ko. Hay! Buhay. kung mamalasin ka nga naman, sunod sunod ang dating. Hindi ko man lang napaghandaan.

Napatigil ako sa pag iisip nang may marinig akong tumatawa. Dahan dahan akong bumangon at tinignan kung sino ang bwisit na tumatawa sa akin. At ayun nakita ko ang nag iisang inidoro. Langya siya! Pagkatapos nang ginawa niya, may patawa tawa pa siyang nalalaman. Inirapan ko siya at tumayo ako. Sumakit yung tuhod ko duon ah. Tang ina kasing sahig hindi man lang ako winarningan. Dapat sana sinabi niyang;..'Miss byutipol madadapa ka.'

Hindi naman mahirap sabihin yun diba? Kay daling sabihin ng mga katagang iyon eh hindi man lang nagsalita si pareng sahig. Nakakabwisit. Parehas sila ng lalaking ngayon ay lumalapit sa akin para yakapin ako.

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon