Chapter 11.

6.2K 156 3
                                    

Chapter 11

 Gabrielle POV

Pagkatapos nang pangyayari sa opisina ni Cray ay palagi na akong dumadalaw sa kanya sa opisina niya. Baka sigawan ulit nito ang mga empleyado nito.  Mahirap na. Lalo pa at mas lalong nagkaproblema ang kompanya.

"Good morning ma'am." Bati nilang lahat sa akin ng naglalakad ako papunta sa office ni Cray. Nginingitian ko sila at paminsan minsan ay nakikipag usap din ako.

"Hello, Elle." Ngiti ko kay Elle ng makasalubong ko siya. 

"Ma'am Gabrielle. Kamusta po?" Nakangiti ito sa akin ng lumapit ito.

"Okay lang. Ikaw? Kamusta."

"Okay lang din, Ma'am. Medyo busy." 

Tumango lang ako sa kanya.."Pansin ko nga eh. Lahat kayo busy. Pati din si Cray." Sabi ko.

Nagpaalam ito sa akin at dumiretso na ako sa opisina ni Cray. Nginitian ko si Sena na secretary ni Cray. 

"Wala po si Sir, Ma'am. May meeting po siya with his client. Baka mamayang one pa po matatapos ang meeting niya." Sabi nito sa akin.

"Ganun ba." Nalungkot naman ako..

Pero buti na lang at nagtext sa akin si Ania na magkita kami sa mall. At dahil wala naman si Cray sa kanyang office, agad agad kong nereplyan si Ania na makikipagkita ako sa kanya. Namiss ko na din ang bruha ih.

Thiirty minutes ang naging biyahe papuntang mall. Agad akong nagbayad sa taxi at bumaba. Pumasok ako sa mall at nakita ko agad si Ania. Nakamaternity dress ito dahil bahagyang malaki na ang tiyan nito. Three months pregnant na kasi siya. Nainggit tuloy ako dahil magkakababy na sila ni Ash. Akalain mo nga naman diba. Si Ash pa ang unang nakahome run sa kanilang magkakaibigan.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sabay beso sa kanya

"Hindi naman girl." Ngii nito sa akin.

Tinignan ko siya from head to toe. Grabe, ang ganda ng bruhang ito. Kung noon, maganda na siya, mas gumanda pa siya ngayong buntis siya.

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon