The Real Finale.

11.1K 276 56
                                    

The Real Finale.

This is it, pusit.. hope you guys like this finale. Sana magustuhan niyo po ito. Salamat sa pagbabase po. Thank you so much for appreciating my story. I hope will see you on my next story. Sana ay suportahan niyo din ang bago kong storya pagkatapos nito. Salamat ng marami.



Cray POV


Marahan kong hinagkan ang noo ng anak kong mahimbing na mahimbing na natutulog. Mukha siyang anghel na bahagya pang nakabuka ang mga bibig habang natutulog.





"Baka matunaw siya niyan."




Napatingin ako sa babaeng nakangiti na nakadungaw sa pintuan. Pumasok ito at lumapit sa akin. Yumakap siya sa aking bewang at nakangiting tumingin ito sa anak namin.




Its been a year nung akala ko ay mawawala na siya sa akin. Na akala ko ay iniwan na niya kami. Na akala ko ay katapusan ko na rin. But no! God gave us a miracle.



Flashback



"Gabbie, wake up. Please, baby wake up." Umiiyak ko siyang niyugyog. Hoping na imumulat niya ang kanyang mga mata.



Patuloy sa pagtunog ang aparatong may deretsong guhit na linya. Ang mga doktor ay umiiling na din.



"No! Baby. Wake up please. Wag mo akong iiwan.." niyakap ko siya ng mahigpit.



Umalalay sa akin sina Mommy. Sina Momsie ay umiiyak na din. Ganun din ang mga kaibigan ko. Even lola Carmela is crying.



"Please save her.. she need to live. She can't die. Please.." patuloy akong nakikiusap. Sa isip isip ko ay tinatawag ko na rin ang kung sino sinong santo para humingi ng tulong.




Umiling ang doktor. "Gabrielle Erish Rueva, time of death 15:45"



Humagulhol ako sa idiniklara ng doktor. Mas hinigpitan ko ang yakap ko kay Gabbie. Hoping na maramdaman niya iyon at nang magising siya.




"No, Gabbie please. Dont leave me baby. Please..." mas lalong umiyak ang buong pamilya ko at ganun na din ako.




Wag namang ganito. Hindi ko kakayanin. Please.. wag mo siyang kukunin. Pakiusap.




Patuloy akong umiiyak at hindi siya binibitawan kahit hinihila na ako nina daddy. Ayokong bumitaw. Ayokong bumitawa.



Nagpumiglas ako at muling umiyak. Hindi pwede. Hindi siya pwedeng mamatay. Hindi niya ako pwedeng iwan.




Patuloy ako sa pag iyak ng biglang humina ang tunog na nanggagaling sa aparatong may berdeng linya. Natigilan kaming lahat at sabay sabay na napatingin duon.



At dun ko nakita ang unti unting paggalaw ng linyang iyon mula sa straight line hanggang sa maging zigzag line.




"The patient is revive." Nagmadali ang mga doktor na tignan si Gabbie. At sa isang iglap, nahila na din nila ako mommy palabas ng operating room,



Hindi ako mapakali. hinihintay namin ang paglabas ng doktor. At nang makita kong lumabas na ito ay agad ko siyang sinalubong.




"Its a miracle. She's survived. Nagfunction bigla ang puso niya at masasabi kong bumalik na ang normal heartbeat nito." Ngiti ng doktor.




Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now