Chapter 9.

6.3K 137 4
                                    

Chapter 9

Gabrielle POV

Ang lamig." Nanginging ang buong katawan ko. Nakaupo ako ngayon dito sa isang bato habang tinitignan si Cray na nakababad sa tubig. Jusko. hindi ba siya nilalamig? Nakatopless itong naliligo habang ako ay nakaleggings at t shirt. Lamig na lamig na ako dito habang siya ay sarap na sarap sa paliligo.

" C'mon Baby, Lets enjoy swimming." Sigaw nito.

Umiling lang ako sa kanya. Halos makita ko na ang usok sa mga hinga ko dahil sa lamig. Mamamatay na yat ako dito eh.

Nandito kami ngayon sa isang falls dito sa sagada. Hindi ko alam kung anong pangalan nito pero ang ganda talaga. Tatlong araw na kami ni Cray dito at talagang sinulit nami ang pamamasyal.

Sa kakaisip ay hindi ko namalayang nakalapit na pala si Cray sa akin. Hinila niya ako kaya napasigaw ako.

" Cray naman eh. Ang lamig lamig." Inis na sabi ko.

Tumawa lang ito na mas lalong nakapagpainis sa akin. Hahampasin ko na sana nang maramdaman ko ang kamay nito sa bewang ko. Niyakap niya ako nang mahigpit.

" Oh hayan! Hindi ka na lalamigin dahil yakap na kita." Sabi nito.

Ngumiti ako. Ang lamig na naramdaman ko kanina ay nawala at napalitan ng init. Niyakap ko siya pabalik.

" Masyado kasi akong hot kaya ayan." Hambog na sabi nito.

Tumawa ako.." Yabang!" 

" Totoo naman ah. Gusto mo bang ipadama ko sayo ang hotness ko?" Sabay hagalpak nito sa tawa.

Kinurot ko nga siya. Ang landi. Nakakainis. Ang manyak pa.

" Tumigil ka diyan ah. Manyak mo." Sabi ko

Tumawa lang ito at siniil ako ng halik. Sinubukan ko siyang itulak dahil baka may makakita sa amin pero hinawakan niya lang ako ng mahigpit. 

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon