Chapter 26.

4.8K 110 0
                                    

Kabanata 26

Gabrielle POV

Pumasok ako sa Cindy's Restaurant at hinintay ang taong  gusto kong pagsabihan ng problema ko. Iginuide ako ng waiter sa isang gilid ng restaurant at duon pumuwesto. Binigyan ako nito ng menu.

"Mamaya na ako mag-oorder. May hinihintay pa ako eh." Sabi ko sa waiter.

Tumango lang ito at ngumiti bago umalis. Bumalik ito para maglagay ng tubig sa harap ko. Nagpasalamat ako para duon. Uminom ako ng tubig para gumaan ang pakiramdam ko. 

Humugot ako ng malalim na hininga bago tumingin sa labas nitong restaurant. Tulala akong nakatingin duon at hindi pinapansin ang mga aong dumadaan sa paligid.

What should i do right now? Sasabihin ko ba kay Cray? Kina Momsie? Kay Andx? Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon nila. Mgugulat? Masasaktan? I know hindi nila ito matatanggap. Ang hirap ng ganito.

"I'm surprised you want to talk to me."

Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa harapan ko. Nakasuot ito ng itim na dress na hapit na hapit sa katawan nito. Ang buhok niyang mahaba ay maayos na nakapony tail kaya kitang kita ang magandang hugis ng mukha nito. Ang bag na hawak ay inilapag nito sa mesa at tinanggal ang suot na aviators.

"Amanda." Ngumiti ako sa kanya at iminuwestra ang upuan na nasa harap ko. Umupo ito at nagtawag ako ng waiter para sa makakain namin. Abala ako sa menu at ganun din ito.

"I want this vegetable salad and one iced tea" Tinignan ko ang waiter na naglilista sa order ko. Pagkatapos nitong maisulat iyon ay binalingan nito si Amnda na nakatingin pa rin sa menu.

"How about you, Ma'am?" Tanong nito kay Amanda na agad tumingin sa akin

"Give me one grilled stank steak and one lemonade." Sagot nito bago bumaling sa akin

After sabihin ng waiter ang order namin ay umalis na ito. Awkward akong ngumiti kay Amanda. Tinitigan ko siya. Hindi ko pa rin siya pinagkakatiwalaan pero siya agad ang naisip kong pagsabihan ko ng problema ko. I dont know why. Siguro because of the thought na minahal siya ni Cray nuon.

"So how are you? Ano yung gusto mong pag usapan natin?" Tanong nito

Natahimik ako. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat. Hindi ako nakapag isip kong pano ang sasabihin sa kanya. 

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon