Chapter 15.

5.9K 158 6
                                    

Chapter 15

Cray POV

Nagbuntong hininga na lamang ako ng babaan ako ni Gabbie ng telepono. Naiinis na napakamot ako sa ulo. San naman kaya ako kukuha ng ganung prutas? Ni hindi nga ako pamilyar sa prutas na iyon eh. Dragon fruit? Ano yun? Dragon na prutas? Bakit yun ang gusto nitong kainin eh ang dami dami namang prutas na mas madaling bilhin diyan sa tabi tabi? Hay. Di ko talaga maintindihan ang babaeng yun. Kagabi gustong kumain ng maasim at matamis na pagkain pero hindi naman niya alam kong anong pagkain iyon. Tas ngayon nagpapabili nang dragon fruit na yan? Kabanas! Ang dami ko pa man ding iniisip ngayon.

"Mr. Rueva?" Nagulat na lang ako ng tinignan nila akong lahat.

Tumikhim ako at umupo nang maayos sa upuan ko. Tangna. Nakalimutan kong nasa meeting pala ako. Langya kasing Dragon fruit yan.

"Let's continue this meeting tommorow everyone." Pinal na sabi ko at tumayo. Agad akong nilapitan ng secretarya ko at kinuha lahat nang mga papal na nasa harap ko. 

Lumabas ako sa conference room at  dumeretso sa office ko. Sumunod sa akin si Sena at inilapag ang mga folder sa mesa ko. Umupo ako sa swivel chair ko at sumandal duon. 

"Sena, wait." Tawag ko sa kanya nang papalabas na ito ng office.

"Yes sir?" Huminto ito at lumapit sa harap ko.

"Alam mo ba yung prutas na Dragon Fruit?" Tanong ko

"Yes, Sir."

"Can you buy me that fruit? Kailangan ko eh. Damihan mo ah. Baka di ako makauwi ng bahay kung wala akong dalang ganun eh." Sabi ko.

Ngumiti ito.."Para kay Miss Gabrielle po?" Tanong nito

Tumango ako"Oo! Mukhang badtrip ang asawa ko. Kailangan niya ng ganun eh."

Ngumiti ito at tumango bago umalis sa office ko.

Kailangan kong may maibigay sa kanyang Dragon Fruit kung hindi lagot ako. Siguradong bubungangaan na naman ako nung pag wala akong dala. Sa pagkataklesa ba naman ng babaeng yun. Napapansin kong weird siya kung kumilos minsan. Minsan naman kung ano anong kinakain. Yung mga ayaw niya nuon, kinakain na niya. Di kaya buntis yun? Ha! Ha! Finally, nakahomerun din ako. Akala ko talaga baog na ako eh. Di ko siya mabuntis buntis. Naunahan tuloy kami ni Ash. Mabuti na lang. Kung buntis nga siya, kailangan kong ibigay ang mga gusto niya. Kahit mapagod ako sa kakahanap sa mga gusto niya. Basta maibigay ko ang mga hiling niya okay na ako dun. Ang sungit pa naman nun kung galit.

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now