Chapter 23.

5.4K 113 1
                                    

Chapter 23

Gabrielle POV


"Baby?" Napatingin ako kay Cray nang pumasok ito sa kwarto namin. Nakita ko ang pagkunot ng noo nitO. Agad na lumapit ito sa akin."Are you okay? Namumutla ka?" May pag aalala sa boses nito.

Tinitigan ko si Cray sa takot kong mga mata. Alam ko na hindi pa naman ako sigurado. Na hindi ko pa naman alam kung totoo ba ang mga iniisip ko.

"What's wrong?" 

Umiling ako. Hindi ko dapat iyon iniisip. Mali ang mag isip nang mga bagay na hindi pa ako sigurado. At kung totoo man ang iniisp ko, hindi ko yun hahayaang mangyari.

"Wala. Napagod lang ako kanina sa paglalakad sa garden." Ngumiti ako kay Cray at hinawakan ang kamay niya. 

Kailangan kong mapanatag. Hindi maganda ang maistress ako at ayokong pag-alalahanin si Cray. I dont know what's gotten into me kung bakit ko iyon naisip. Siguro dahil na rin sa kaalaman nang nangyari nuon kay mama. Nung nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ay agad pumasok sa isip ko ang sinabi nina Momsie Rica..

' Pitong buwang pinagbubuntis ka ng mama mo nang malaman nitong may sakit siya sa puso. Ang sabi niya ay pinapili daw siya nang doctor kung sino ang kailangan niyang iligtas, ikaw ba o ang sarili niya.'

Naisip ko na iyon ang pinakamahirap na sagutin. Mahirap magdisisyon kung sino ang kailangan mong piliin. Inisip ko nuon na bakit mas pinili ako ni mama na buhayin kesa ang sarili niya.

'Mas pinili ka ng mama mo kasi mahal ka niya. Mas mahal ka niya kesa ang sarili niya. Na kahit nasa sinapupunan ka pa lang niya ay minahal ka na niya. Kaya kahit sobrang sakit sa kanya ang pumili ay pinili ka niya. Na hindi ka man niya masisilayan sa paglaki ay okay lang, ang importante ay mabuhay ka at maranasan mo ang mamuhay dito sa mundong ibabaw'

Namulat ako sa kaalaman na iyon. Na mas pinili niya akong mabuhay kesa sa kanya. Naiyak ako sa kaalaman na iyon at the same time ay nagpasalamat sa mama ko, kung hindi niya ako pinili, wala ako dito at hindi ko mararanasan ang mabuhay.I never thought na mukhang pagdadaanan ko na iyon.

Kung sakali, sino ang pipiliin ko? Sino ang pipiliin kong mabuhay? Do i need to choose too?

"Hey!" Nag snap ito sa mukha ko.

"Huh?"

Mas lalong kumunot ang noo niya at pinakatitigan akong mabuti. Ngumiti ako sa kanya at nag iwas ng tingin. Ayokong may mabasa siya sa mga mata ko, kaya irest assured ko muna ang isiping iyon, tutal hindi pa naman ako sigurado.

what if ganun nga ang mangyari?

Umiling ako para maaalis ang mga what if''s na nasa utak ko. 

Itinuon ko ang tingin ko kay Cray na ngayon ay nakatingin pa rin sakin."Ano ba yung sinabi mo?" Tanong ko para mawala ang kanyang paninitig sa akin.

Huminga ito ng malalim bago nagsalita."I have a bussiness trip in Davao. You want to come?" Tanong nito.

Umiling na lang ako."Wag na!"Sabi ko."Kailan ang alis mo?" Tanong ko.

"Sa susunod na araw. I need to prepare, Baby. Sorry, i dont have time in you again."

Umiling lang ako."Its okay. You're be very busy kaya naiintindihan ko." Say ngiti ko sa kanya.

He sighed and hugged me tight."After this, gusto kong magbakasyon ulit tayo. I know you're bored here. San mo gustong pumunta? Out of the country? Out of town? What do you want to go? Anything."

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now