Chapter 7.

6.3K 149 3
                                    

Chapter 7

Gabrielle POV

Katulad nga ng gusto ko. Kinabukasan ay una kaming namasyal sa La Presa. Malayo ito sa hotel na tinutuluyan namin pero its all worth it dahil sa ganda ng tanawin. Over looking ang view at talagang magagandahan ka sa makikita mo. Sayang nga lang at walang shooting ang forever more ngayong araw. Kada sabado lang daw sila nagsho-shoot.

Kumuha ako ng picture sa lahat ng magagandang makikita ko. Nakakatuwa talaga ang lugar na ito. Malamig na, sobrang ganda pa ng mga tanawin. Ang alam ko, hindi sitio la presa ang pangalan nito eh. Sitio Pungayan ang totoong name ng lugar na ito. They started to call it La Presa nung nagsimulang magshoot ang forevermore dito. I dont know. Yun ang dinig ko sa mga tao dito sa lugar na ito eh.

Pagkatapos naming malibot ni Cray ang buong La Presa ay nagtungo naman kami sa strawberry farm. Pwede kang magharvest duon ng bibilhin mo. Enjoy na enjoy ako sa pagpitas ng mga strawberries. Actually maraming mga tourist spot dito sa baguio. Yung Botanical Garden, Camp john Hay, Mines view park, Burnham Park, at marami pang iba.

" Cray, punta kaya tayong sagada noh?" Suggest ko kay Cray ng pabalik na kami sa hotel na tinutuluyan namin. Katatapos lang namin magpunta sa Camp John Hay.  Nalibot na namin ang mga ibang pasyalan dito sa Bagiuo. At dahil madilim na din naman ay naisipan na naming bumalik sa hotel.

" Pwede rin." Tipid na sabi nito.." After nating malibot lahat ng mga magagandang park dito." 

Tumango ako at excited na pumasok sa hotel na tinutuluyan namin. Pagod ako sa pamamasyal pero hindi ko yun inalintana. Nagpadeliver si Cray ng pagkain namin.

" Ang ganda talaga dito noh? Grabe. nag eenjoy ako sa mga tanawin." Sabi ko kay Cray habang kumakain kami.

Tumingin ito sa akin.." Halata nga." Sabi nito at kumain ulit.

Sinimangutan ko siya. Akala mo naman hindi nag enjoy eh mas madami pa nga siyang picture kesa sa akin.

" Nga pala, gusto kong pumunta sa inyo." Biglang sabi nito pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon