Chapter 29.

4.4K 97 0
                                    

Chapter 29.

Gabrielle POV


Sabay naming dinalaw ni Cray si Ania sa ospital kinubukasan. Nadatnan namin duon si Cristine na buhat ang baby at sa tabi nito ay si Jon na hawak hawak ang kamay ng baby.


Ngumiti ako kay Ania na nakahiga sa hospital bed. Lumapit ako kay Ania at inilapag ang prutas na dala namin ni Cray.

"Kamusta?" Umupo ako sa isang upuan na nasa tabi ng kama nito.

Ngumiti ito sa akin. "Okay lang. Finally, at nailabas ko na rin ang baby ko. Mahirap manganak pero worth it naman pag narinig mo na ang iyak ng baby mo." Nakangiting sabi nito.

Kita ko ang kasiyahan sa mukha nito. Siguro nga ganun talaga ang mga ina.

"Im so happy for you. Mommy ka na," masayang sabi ko

"Oo nga. Ganito pala yung feeling. Sobrang saya namin ni Ash na finally nandito na siya. Wala na kaming mahihiling pa."

Ngumiti ako. Everything is perfect with them. I envy Ania. Dahil nailabas niya ng maayos ang baby niya. Sana ako din. Ano kaya ang mararamdaman ko pag nakita ko na ang baby ko? Hindi ko maiwasan ang maging malungkot. Malungkot sa sitwasyon ko.

"Nu ka ba! Wag kang mainggit diyan. Magiging mommy ka na din soon."

Hindi ko alam kung anong naging ekspresyon ko para masabi yun ni Ania. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Why don't you go away, Jon? Ginugulo mo si baby Ryuk." malakas na sabi ni Cristine sa bestfriend nitong kinukulit ang baby.

Umiling ako at tinignan si Ania. "What's his name?"

"Ryuk Andrei."

"That's nice. Gandang pangalan. Panggwapo." Komento ko

Natawa si Ania."Si Ash yung nagpangalan niyan." Sabi nito.

Tumawa din ako. Tinignan ko si Ash na mukhang masayang masaya habang kausap si Cray. Nakaupo ang mga ito sa sofa.

Tinignan ko si Cray. Nakikita ko ding masaya siya para kay Ash. Kung ano ang kasiyahan ng isa, yun din ang kasiyahan din nilang magkakaibigan. And speaking of magkakaibigan. Naisip ko si Geo na mukhang missing in action. Laging wala at hindi nagpaparamdam. Busy sa kung saan.

"Dumalaw na ba dito si Geo?" Tanong ko kay Ania.

She rolled her eyes. "Di pa. Masyadong busy sa panliligaw ang isang yun. Nakakalimot na."

Tumawa ako. "Hayaan na natin. Nahuhuli na eh."

Nagtawanan kaming dalawa. Natigil lang kami nang bigla na lang tadyakan ni Cristine si Jon.

"Uy lovebirds, akin na nga yang baby ko. Baka mapano pa yan sa sobrang sweetness niyo." Sabay tawa ni Ania.

"Duh! Anong sweetness dito? Kabwisit nga ang lalaking to eh." Halatang inis na sabi ni Cristine. Lumapit ito kay Ania at ibinigay ang baby.

Tinignan ko ang baby nila. Kamukha ni Ash. Yung ilong , labi at shape ng mukha ay kay Ash talaga. Yung kilay lang yata ang nakuha ni Ania.

"He's like Ash." Sabi ni Cristine na nakatingin sa baby."I'm sure lalaki ding babaero yan."

Tumawa kami ni Ania. Narinig kong tumawa din si Cray at Ash.

"Kaya nga kailangan na naming mag ipon para kung sakaling lalaki yang babaero, handa kami." Sabi ni Ash.

Natawa si Cray at lumapit sa tabi ko. Tinignan niya rin ang baby. Lumapit na rin samin si Ash na tumatawa.

Kumunot ang noo ni Cristine. Halatang hindi nagets ang sinabi ni Ash. "Handa saan?" Tanong nito.

Dinig kong bumungisngis si Jon at bumulong ng 'slow' kay Cristine. Sumimangot lang ito sa sinabi ng kaibigan.

"Para kung sakaling makabuntis, may ipambabayad kami sa mga babaeng mabubuntis niya." Humalakhak si Ash sa sinabi ni Ania.

Nagtawanan kami duon. Pero napatigil ako nang makaramdam ako ng pagkirot sa dibdib ko. Parang kakaiba yung sakit na ito. Hindi katulad ng nararamdaman ko nung nakaraang araw. Parang kinukuha nito ang lakas ko at pakiramdam ko ay hihimatayin ako anumang oras.

Lumunok ako ng ilang beses. Nagtatawanan pa rin sila. Hinaplos ko ang dibdib ko ng dahan dahan. Sinusubukan ko ring huminga ng maayos. Kumuyom ang mga kamay ko sa kirot na naramdaman. Napapikit ako ng mariin.

Please, not now. Not in front of this people. Pakiusap kumalma ka muna.

"Gabby, are you okay?" Napamulat ako sa tanong ni Cray.

Nakita ko ang pag aalala sa mukha nito. Natigil sila sa pagtawa at tumingin silang lahat sa akin.


"I-im okay." Sabay hinga ko ng malalim. Nagpapasalamat ako na nawala na ang kirot na nararamdaman ko. "I just feel dizzy."

Agad napalitan ng pag aalala ang mukha nila.

"You should rest." Sabi ni Jon

"Yeah, Gabby. Kailangan mong maging healthy para sa baby mo." Ani Cristine

Tumango lang ako sa kanila.

"I think we should go home." Si Cray at inalalayan ako patayo.

Tumingin ako kay Ania at nginitian siya. Ngumiti din ito sa akin.

"Thanks for the visit, Gabrielle, Cray. Ingat kayo." Sabi nito.

Tinapik ni Cray ang balikat ni Ash at Jon bago kami lumabas ng kwartong iyon.

Tulala ako habang naglalakad kami palabas ng hospital. Nakaalalay sa akin si Cray.

"Are you sure your okay?" Nag aalalang tanong nito.

Tumango ako."Im fine, baby."

Naging tahimik ang biyahe namin pauwi ng bahay. Nakatingin ako sa labas ng bintana at nararamdaman kong tumitingin tingin ito sa akin.

Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. Lalo pat mas lalong lumalala ang sakit ko. I want to tell him the truth. Pero paano? Hindi ko alam. Paano na ito ngayon?

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now