Chapter 32.

5K 112 1
                                    

Chapter 32.

Gabrielle POV.

"Her condition may affect the baby's weak. The meds i gave for her heart is not helpful now. Mas makakaapekto na iyon sa bata. Kaya nga pinapili namin siya."

Naririnig ko ang sinasabi ng doktor kay Cray. Naririnig ko lahat ng eksplenasyon ng doktor at kitang kita ko rin sa mukha ni Cray ang magkahalong sakit at pag aalala. Nakatulala ako habang tinitignan ang lahat ng emosyong lumalabas sa mga mata niya.

"Im sorry, Mr.Rueva. You and your wife needs to talk about it. Lalo pa at mas lumala ang condition ng asawa mo." Tumingin sa akin ang doktor. Kaya napatingin din sa akin si Cray. Gusto kong umiyak sa ipinakita niyang reaksyon.

"Pwede mo na rin siyang iuwi sa ngayon. I handle her case. Pag may problema ay  tawagan niyo lang ako." Nagbigay ito ng calling card kay Cray.

Inayos ko ang sarili ko. Lumabas ang doktor at naiwan kami ni Cray.

Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi siya nagsalita at hindi din siya tumitingin sa akin.

"Let's go."

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakatingin na ito sa akin sa blankong ekspresyon. Agad akong bumaba sa kama at sumunod sa kanya palabas.

Tahimik kaming dalawa habang naglalakad palabas. I dont know how to start telling about my condition. Tahimik siya at parang ayaw niya akong kausapin.

Tahimik kami hanggang sa makasakay sa kotse. Sobrang higpit ng hawak niya sa manibela at ang bilis ng patakbo niya. Gusto kong maiyak. Sa pinapakita niya sa akin ay mas lalo lang akong nanghihina. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik pa rin siya. Nauna siyang pumasok kesa sa akin.

Pero pagkapasok ko nang bahay ay nagulat ako dahil lahat ng pamilya ko ay nanduon.

Sina Momsie, Si Mommy Celine at Daddy Abraham. Si Lola Carmela ay nandito din. Tinignan ko sila isa isa. May pag aalala sa kanilang mga mata. Huli kong tinignan ay si Cray na nakaupo na ngayon sa sofa. Kitang kita ko sa kanyang mata ang sakit,dissappointment at pag aalala.

"What happened? Bakit mo kami pinatawag, Cray?" Pagtatanong ni Mommy Celine.

Hindi nagsalita si Cray. At ganun din ako. Kaya naman nagtaka silang lahat.

"Nag away ba kayo?" Tanong ulit ni Mommy Celine.

Agad na akong lumapit sa kanila dahil ayokong mag alala. "Okay lang po kami. Wala pong p-problema."

Pero ganun na lang ang gulat ko nang bigla nitong tabigin ang flower vase na nasa mesa. Hindi lang ako ang nagulat. Lahat kaming nanduon. Napatayo sila Mommy Celine dahil sa ginawa ni Cray.

"Cray!" Sumigaw si Lola Carmela.

Hindi siya pinansin ni Cray. Tinignan niya ako ng punong puno nang hinanakit.

"What did you say? Ha Gabrielle? Walang problema?" Kitang kita ko ang pag igting ng bagang nito.

Napayuko ako. Agad bumuhos ang mga luha ko. Nagpalipat lipat ang tingin ng mga kasama namin.

"C-cray..." Humikbi ako. Pinipilit pakalmahin ang aking sarili.

Napahilamos ito nang mukha."You promised me, Gabrielle. Nangako kang sasabihin mo ang lahat ng problema sa akin. Pero ano to ngayon?"

Napatakip ako ng bibig. Inalalayan ako nina Momsie.

"Why didnt you tell me? Huh?"

"Dahil a-ayokong mag alala ka." Halos pabulong kong sinabi.

Nakita ko ang pamumuo ng luha nito. Bagsak ang balikat na tinitigan niya ako.

"Your being selfish again. Asawa mo ako, Gabrielle. Pero bakit hindi mo magawang sabihin ang problema mo sa akin? Bakit Gabrielle?"

Mas lalo akong umiyak. Tinignan ko siya na lumong lumo. Alam kong hindi niya ako maiintindihan.

"Nakita ko kung gaano ka kasaya nung malaman mong magkaKababy na tayo. Natakot akong..." hindi ako makapagsalita. Sunod sunod na bumagsak ang luha ko. Suminghap ako bago nagpatuloy sa pagsasalita."Natakot akong..sabihin sayo..ang kondisyon ko dahil ayaw...kitang b-biguin."

Umiling ito sa sinabi ko."Kaya nagdisisyon kang mag isa? Paano naman ako, Gabrielle? Paano naman ang disisyon ko? I have the right to choose-"

"I don't want you to choose!" Pasigaw kong sinabi yun sa kanya.

Kitang kita ko ang luhang umagos sa kanyang mga mata. Punong puno nang sakit ang mga iyon habang nakatingin sa akin. Pero kailangan kong sabihin sa kanya ang mga gusto kong mangyari. Dahil kapag siya ang nagdisisyon, alam kong hindi kami magkakasundo.

"A-ayokong p-papiliin ka d-dahil alam k-kong m-mahihirapan ka k-kung s-sino sa amin n-ng baby a-ang p-pipiliin mo. Kapag sinabi ko sayong may s-sakit ako sa p-puso.." Narinig kong suminghap ang mga kasama namin. Tinignan ko sina Momsie. Natigil sila sa pag alalay sa akin at gulat na gulat silang nakatingin sa akin.

Umiyak ako. Hindi ko mapigilang makaramdam ng sobrang lungkot sa nakita kong ekspresyon nila. Pag aalala at panghihinayang.

"P-panong nangyari yun?" Di makapaniwalang tanong ni Mommy Celine.

Walang nagsalita. Dinig na dinig ko malakas na pagkabog ng puso ko. Para bang anumang oras ay sasabog na ito.

Tinignan ko si Cray at umiling ito sa akin tsaka tinalikuran ako.. kaming lahat..

"Cray..." umiiyak na tawag ko sa kanya.

Hindi niya ako nilingon. Tuloy tuloy siyang lumabas sa bahay.

Napaupo ako sa pag iyak. Umagapay sa akin sina Momsie. Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko. Nahihirapan na din akong huminga.

"Gabrielle?" Agad lumapit sa akin si Mommy Celine at hinawakan ako sa kamay. Mahigpit ko iyong hinawakan.

Hindi ako natigil sa pag iyak. Pinapatahan ako nina Momsie pero hindi matigil ang mga luha ko sa pag agos. Sobrang sakit na pakiramdam ko ay hinahati na ang puso ko. Namamanhid ang katawan ko dahil sa sakit.

"Oh my God, Gabrielle." Nataranta silang lahat. Kahit sina Momsie ay nataranta na din.

Dinaklot ko ang dibdib ko. Ibinuka ko din ang bibig ko para makahinga pero wala pa ring nangyayari. Pakiramdam ko ay naging blangko ang paningin ko at natakpan ang tenga ko. Parang nawalang bigla ang mga tao sa paligid ko. Unti unting namanhid ang mga kamay ko dahilan para mapabitaw ako sa hawak ni Mommy Celine. Bumuhos ulit ang masaganang luha sa mga mata ko. At kasabay ng pagbagsak nun ay ang pagbagsak ng aking katawan...unti unting pumikit ang aking mga mata..

I'm sorry, Cray..

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now