Chapter 8.

5.9K 150 4
                                    

Chapter 8

Gabrielle POV

" You okay?" Tanong ni Cray sa akin nang magising ako. Nakayakap ang mga braso nito sa akin at nakasandal naman ako sa dibdib niya.

Tumango ako bilang sagot. Kinusot ko ang mga mata ko bago ako tumingin sa bintana. Halos wala akong makita dahil sa napakapal na fug. Sobrang lamig na kahit nakasuot na ako ng makapal na jacket ay ramdam ko pa rin ang lamig.

Papunta kami ngayon sa sagada. Limang oras ang byahe papunta duon. Tatlong  oras na ang nakalipas at alam kong malayo pa kami. Isang oras din pala akong nakatulog. Sumakit yung ulo ko kanina dahil siguro sa sobrang lamig. Commute kmi ni Cray papuntang sagada. Tinignan ko ang mga kapwa ko pasahero. May magshota akong nakita na kung makayakap sa isat isa ay parang nasa kwarto lang. Meron ding mga foreigners at iilang mga dayuhan pa.

" Gutom ka ba?" Napatingin ako kay Cray ng magsalita ito. Nakasuot ito ng wayferrers. Katulad ko, nakasuot din ito ng jacket. pero wag ka, para  di tinatablan ng lamig ang unggoy dahil manipis lang ang jacket niya. Hello! Nasa pinakamataas na kami ng lugar dito sa pilipinas at talagang super lamig pero siya? Parang wala lang. San kaya pinaglihi ang unggoy na ito? Sa yelo?

"Hindi ka ba nilalamig?" Tanong kong inignora ang tanong niya.

Umiling lang ito..Hinayaan ko na lang. Kung manigas siya diyan sa sobrang lamig eh kasalanan na niya yun. Parang si Jack lang.

Binuksan ko ang bag kong nakapatong sa kandungan ko. Nagkalkal ako duon ng pwedeng makain. Gutom na rin naman ako. At dahil matagal pa ang stop over. Pinagtiisan ko na lang itong piatos na nakita ko sa bag ko.

Tinignan ako ni Cray nang sumubo ako ng piatos. Nginitian ko siya at inioffer ang piatos sa kanya.

" Gusto mo?" Sabay subo ko ulit nun.

Umiling lang ito kaya nagpatuloy ako sa pagkain. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang magsalita si Cray.

" Your always eating that kind of junkfoods? Ayaw mo nuon yan diba?" Sabi nito.

Kumunot ang noo ko. Lately, parang mas gusto kong kainin ang mga junkfoods kesa sa kanin. At gusto ko yung may cheese na chitchirya. Naging favorite ko na nga yung piatos eh. Hindi ko alam pero parang nagca-crave ako nang mga pagkaing may cheese.

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now