Chapter 38.

6.5K 133 4
                                    

Chapter 38.


Eto nah..hahahaha..this is the last chapter. Ang iksi no? Nakakabitin ba? Ganyan talaga. Ang tagal ko na itong story pero hindi ko matapos tapos. Bakit? Kasi wala akong maisip. So i decided na hanggang dito na lang. Salamat sa mga sumubaybay at patuloy pa na susubaybay sa storyang ito. Sa mga walang sawang nag aabang ng update. Hindi man ganun karami ang sumusuporta rito, i still appreciate it. Thank you for making this so far. Hope you guys will support my characters until the end. Abangan po ang epilogue. Is it a happy ending? Or a tragic ending?

Cray POV

Sinalo ko si Gabbie nang bigla na lang itong bumagsak. Dumagundong sa kaba ang puso ko. Tuloy tuloy na din ang pagtulo ng luha ko.

"Baby.." marahan ko siyang binuhat palabas ng kwarto namin.

Nagmadali akong maglakad pababa ng hagdan.

"Gabbie wake up.. please." I pleaded.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na niya imulat ang kanyang mga mata.

"What happen?" Humahangos na sinalubong ako ni Momsie Rica.

"She collapsed, Momsie. Dadalhin ko siya hospital." Mabilis kong sagot.

Tumango ito at mabilis na sumunod sa akin. Binuksan niya ang pinto ng backseat at mabilis kong ipinasok duon si Gabbie. Sumunod si Momsie Rica'ng pumasok at inalalayan si Gabbie. Pumasok na din ako sa driver's seat at pinaharurot iyon papuntang hospital.

Nanginginig ang mga kamay ko. Minu-minuto ko ding tinitignan si Gabbie sa salamin.

"Hindi na siya humihinga, hijo." Umiiyak na sabi ni Momsie Rica.

Nagmura ako at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng aking sasakyan. Lahat ng madadaanan kong sasakyan ay mabilis kong nilalagpasan.

Hold on, Gabbie. Malapit na tayo sa hospital.

Nang makarating kami sa ospital ay agad akong nagtawag ng stretcher. Mabilis kong inilabas si Gabbie na ngayon ay putlang putla na. Nanlalamig na din ang kanyang mga kamay.

Nagmura ulit ako at mabilis siyang inilapag sa stretcher. Hawak hawak ko ang kamay niya habang nakahiga ito sa stretcher.

"Hold on, baby.. please. Dont leave me. Please, Gabbie." Umiiyak na pakiusap ko.

Hínalikan ko ang nanlalamig niyang mga kamay. I wait for you. I'm here waiting for you.

"Hanggang dito na lang po kayo, Sir." Hinarangan ako ng isang nurse.

Mabilis na ipinasok si Gabbie sa Operating Room. Nakita ko pa ang mabilis nilang paggalaw upang malapatan ng paunang lunas si Gabbie.

Save my wife, please. Save her.

Umiiyak ako sa aking kinatatayuan. Hindi makapaniwala sa mga nangyari. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatayo duon. Naramdaman ko na lang ang pagtapik sa balikat ko. Nang nilingon ko kung sino iyon ay nakita ko si Mommy na hilam ang mga mata ng luha. Agad akong yumakap sa kanya.

"Ssshh.. everything is going to be fine, hijo. Gabbie can do it." Pag aalo sa akin ni Mommy. I know shes trying to be strong too. Pero hindi nun naitago ang garalgal sa boses nito.

"I don't want to lose her, Ma. I love her. Hindi ko kakayanin pag nawala siya." Iyak ko.

Para akong batang umiiyak sa kanyang ina. I know, hindi magiging madali para sa akin ito. Ayokong mawalan ng pag asa. Ayokong sumuko na lang ng basta basta.

She's been my life. At kung mawawala siya, hindi ko kaya. Alam kong hindi ko kakayanin nang wala siya sa buhay ko. She's an important piece of my life na kapag nawala ay hinding hindi na ulit ako mabubuo.

Ipinangako ko sa kanya na hinding hindi ako magiging mahina. Na hanggang sa huli lalaban ako. Na kahit anong mangyari magpapatuloy pa rin ako sa buhay.

Gabbie, please fight for me, fight for us, baby. Hindi ko kakayanin ng wala ka. Ayokong gumising sa bawat araw na wala ka. I can't live without you in my life. Wag kang sumuko. Pakiusap. I dont want to spend the rest day of my life without you beside me. Hindi ko kakayanin ang mag isa. Please live, baby. I beg you..

Ilang oras kaming naghintay sa labas ng operating room. Pabalik balik ang lakad ko at hindi mapakali. Kanina ay lumabas ang doktor at sinabing kailangan i-CS si Gabbie dahil hindi nito kakayaning manganak ng normal delivery. Hindi pa niya kabuwanan pero kailangan na niyang mailabas ang baby. Natuwa ako, finally, masisilayan ko na rin ang anak ko. But there's a fear in my heart. Knowing that my wife and my baby is in a critical condition.

Parehong nanganganib ang buhay ng asawa at anak ko. At hindi ko kakayanin kung isa man sa kanila ang mawala.

I silently praying to God that give my wife and my baby a new life, a new beggining, with me. Alam ko na hindi ako naging mabuti para humingi sa kanya ngayon ng ganitong pagkakataon pero im hoping. Give us a miracle. Save my wife and my daughter.

Ilang oras pa kaming naghintay bago lumabas ang doktor. Agad ko siyang nilapitan. Naghíhíntay ng magandang balita.

"The baby is fine. Okay ang kanyang vital signs. But  she's still weak so we need her to observed. Sa ngayon ay ilalagay na muna natin siya sa incubator para mas lumakas siya." Sabi ng doktor at ngumiti sa akin.

"How about my wife?" Katulad ng balita sa kalagayan ng anak ko, im hoping na its a good news din for my wife.

"Your wife is still unconscious. Under observation siya. Her heart is so weak. I need you to be- "

Hindi naituloy ng doktor ang sasabihin niya nang biglang magkagulo ang mga nurse na nasa ER. Nakarinig din ako ng malakas na tunog ng isang aparato.

"Stay here.."

Nagmadali ang doktor sa pagpasok sa ER. Dahil sa takot ko. Agad akong sumunod sa loob kahit pinipigilan na ako nina Mama.

Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko papasok duon. At halos manlumo ako sa aking nakita.

I saw Gabbie lying on the bed. Putlang putla ang kanyang mukha. May nakakabit na oxygen sa kanya. Sa kabila ng nagkakagulong mga nurse at doktor ay nakita ko pa rin ang isang aparato na malakas na tumutunog at may kulay berdeng linya. Deretsong deretso ang linyang iyong.

Parang bigla akong nabingi. Bumuhos ang masagana kong luha. Kitang kita ko ang pagtaas baba ng dibdib ni Gabbie dahil sa aparato'ng ginagamit ng doktor para mabuhay siya. At pilit na isinasalba.

Nang nakita ko ang pag iling ng doktor ay agad akong tumakbo palapit kay Gabbie. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit habang umiiyak. No, this is not the end! This is not our ending. Please! Save her! Please...













Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now