Chapter 24.

4.9K 119 4
                                    

Chapter 24.

Gabrielle POV

"Bye, Baby. You take care okay?" Hinalikan ako ni Cray sa labi at niyakap.

"Ingat ka din." Sabi ko at niyakap din siya ng mahigpit.

Ngayon ang alis niya papuntang Davao. Ewan ko kung makakasama si Geo sa kanya pero ang sabi ni Cray ay talagang sasama ito sa ayaw at sa gusto nito. Batas talaga ang loko. Pati si Geo sinusingitan eh.

Pagkatapos nang mahigpit na yakap ay sumakay na ito sa sasakyan nito. Kumaway ako habang papalayo ang sasakyan.

Nagbuntong hininga ako ng makita kong nakalabas na ang kotse nito sa gate. Now, I want to know kung totoo ang mga naiisip ko. Kailangan kong malaman.

Pumasok ako sa loob ng bahay at dumeretso na sa kwarto para magpalit ng damit. I need to go to my OB. Kailangan kong mmagpacheck up baka kung ano na ang nangyayari sa akin. I need to be sure what's going on to me.

Siguro nga mas mabuti nang wala si Cray dito nang sa ganun, hindi niya malaman ang mga naiisip ko. I need to take this seriously dahil nararamdaman kong may hindi magandang nangyayari. Gusto ko sanang sabihin sa kanya, pero hindi pa ako sure that time. Gusto kong may mapagsabihan pero natatakot ako sa anumang mangyayari.

"Manang." Tinawag ko si Manang Lena nang nakita ko siya sa may sala, naglilinis.

"Pupunta po akong ospital para magpacheck up." Pagpapaalam ko.

Nakita ko ang pag aalala sa mga mata nito."Okay ka lang ba? Ano ang nararamdaman mo?"

Nahabag ako. Parang sumikip 'yong dibdib ko sa pag aalala nito sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at umiling."Wala po, tagal ko na kasing di nakakapagpacheck up eh." Sabi ko.

Nagbuntong hininga ito at ngumiti."Sige! Mag iingat ka. Tawagin ko si Gerry?"

Umiling ako."Wag na po Manang. Magcocommute na lang ako." Sabi ko

Tumango ito."Oh sige. Basta mag ingat ka. Kung may problema, tumawag ka lang ha."

"Opo. Salamat."

Lumabas ako na ako nang bahay. Si Manong guard ang pumara ng taxi para sa akin.

"Sa Regional Hospital po manong." Sabi ko kay Manong driver.

Nagsimulang umandar ang taxi. Tumingin ako sa bintana at tinignan ang mga ibat ibang bagay na nadadaanan namin. Sa ganitong sitwasyon, hindi ko maiwasang isipin ang lahat. Sa mga iniisip ko, sa posibleng mangyari. Ilang beses kong inisip na paano kung tama ang mga hinala ko? Sasabihin ko ba kay Cray? I know its wrong kung di ko sasabihin sa kanya. Pero mahirap. Sino ang kailangan kong piliin? Ako ba o ang magiging anak namin.?

Naiisip ko pa lang iyon ay naiiyak na ako. Alam kong wala pang kasiguraduhan. Pero maaaring posible din lahat ng naiisip ko. Katulad ng nangyari kay Mama nuon, Alam kong wala akong kawala.

Inisip ko na siguro ay isa lamang itong isipin na walang patutunguhan pero kailangan ko pa ring siguraduhin. Buhay ko at buhay ng magiging anak namin ni Cray ang nakasalalay. Inisip ko lahat. Yung mga taong nagmamahal sa akin, Sina Momsie, si Mommy Celine at Daddy Abraham, si Andx at ang mga naging kaibigan ko na rin. At lalong lalo na si Cray. Kita ko at alam kong excited siya sa magiging babay namin. Ayoko siyang biguin.

Nang makarating ako sa ospital ay dinalaw ako ng kaba. Nagbaya ako sa taxi at lumabas na duon. Tiningala ko ang ospital. Ngayon lang ako kinabahan ng husto. Dati rati ay excited akong pumasok dito para sa check up ng baby ko pero ngayon ay natatakot ako. Hindi ko alam kung kaya ko bang tanggapin ang sasabihin ng doctor. I know i overreacting pero bilang isang buntis, hindi mo maipagkakaila ang takot na mararamdaman kung alam mong posible ang mga niisip mo.

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now