Chapter 21.

5.6K 128 2
                                    

Chapter 21

Gabrielle POV

"Kiss naman diyan." Sigaw ni Geo sa kanila Ania at Ash na nasa harap habang sweet na sweet na nagsusubuan ng pagkain. Masayang masaya silang dalawa na parang hindi na nila kami napapansin dito.

Sa malawak na garden ng  bahay nila ginanap ang reception. As usual kulay purple ang mga bulaklak na nakapalibot sa buong garden. Kulay puti at purple ang ang mesa at mga upuan.

Naghiyawan at nagpalakpakan kami ng magkiss ang mga ito. Ang sweet sweet talaga nila. Kasama ko sina Andx, Cristine, Geo, Jon at Cray sa isang table. 

"Ikaw pare, kailan ka din ikakasal?" Tanong ni Jon kay Geo nang natatawa.

Ngumiti si Geo." Malapit na dude, dont worry." 

"Weh?" Pagrereact ko.."Baka naman matanda na kami hindi ka pa kinakasal."

Tumawa si Cristine at Andria sa sinabi ko."Yeah, right. Sa pagkaplayboy mo ba namang yan." Natatawang sabi ni Cristine.

Ngumisi si Geo."A playboy is not always be a playboy. Right, Dude." Sabay kindat nito kay Cray na nananahimik sa tabi ko

"Lol!" Cray said, half smiling.."Malay ko sayo.Si Jon ang tanungin mo wag ako."

Tumawa si Geo.."Wag magmalinis Cray. Pare-parehas lang tayong playboy nuon."Sabi nito

Tumawa din si Jon. Binato pa niya si Geo ng table napkin na nasa mesa.

"What do we expect. Kaya nga naging magkakaibigan kayo diba?" Sabi ni Cristine sabay baling kay Jon na tumatawa at hindi man lang pinansin ang kagandahan niya.

"But we know we've changed." Seryosong sabi ni Geo.." Hindi man sa ngayon, i know there's a right time for that changes. Just like Ash and Cray." Baling nito kay Cristine.

Napangiti ako."Naiisip mo rin pala ang magseryoso noh?" Tanong kong nakangisi.

"Of course. Hindi naman habang buhay na ganito ako." Sagot nito.

Ngumisi ulit ako at binalingan si Jon na umiinom ng tubig."Eh ikaw Jon? May nagugustuhan ka na ba? Akala ko kayo na ni Cristine eh."

Nilapag nito ang baso ng tubig at tumingin kay Cristine sabay tumawa. Sinapak nga siya ni Cristine eh. Sapul sa mukha.

"Nah-uh. Di kami talo. Mapaglinlang ang kagandahan niya. Babae siya sa itsura pero ang totoo-" Hindi natuloy ang sasabihin nito nang sabunutan nito si Cristine.

"What do you mean? Bakla ako ganun?" Inis na sabi nito at  sinapak si JON NA TUMATAWA LANG.

Nagtawanan kami. Inasar at kinantiyawan silang dalawa sa pagiging sweet nila sa isat isa.

"No, we're not couple." Sabay akbay ni Jon kay Cristine."I respect her. She's like my little sis to me." Seryosong sinabi ni Jon.

Kita ko ang paglunok ni Cristine at pag iwas ng tingin nito sa sinabi ni Jon. Tumikhim ako. Natahimik din si Andrea na kanina lang ay wagas kung makapag asar. Si Cray at Geo ang patuloy na nagtawanan. Hay, ang hirap siguro ng sitwasyon ni Cristine noh. Ang hirap magpanggap na mahal mo siya, pero mas mahirap magpanggap na hindi mo siya mahal. Dahil kahit gustuhin mong sabihin na mahal mo siya ay hindi pwede. Aabangan ko talaga ang lovestory ng dalawang to.

"Let's go home?" Napatingin ako kay Cray."Kanina pa tayo dito. You should rest, baka mapano pa kayo ni Baby." May pag aalalang sabi nito

Tumango ako sa kanya at ngumiti. Tumingin ako kay Ania at Ash na nakikipagtawanan sa mga natitirang bisita.

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now