Chapter 27.

4.7K 108 5
                                    

Chapter 27


Gabrielle POV


Napaupo ako at umiyak sa aking upuan. Hinawakan ko ang aking dibdib nang makaramdam ako ng pagkirot nito. Kita kong bumalik si Amanda sa pwesto ko at dinaluhan ako.

"Your kidding right?" sabi nito.

Umiling ako sa kanya at mas lalong umiyak. Sana nga ay nagbibiro lang ako. Na sana ay hindi yun totoo..pero its true. at kailangan ko ng tanggapin iton.

"P-paanong? S-sigurado ka b-ba? N-nagpacheck up ka? A-alam na ba ni Cray?" Tarantang tanong nito.

Umiling ulit ako sa kanya. Di ako makapagsalita dahil sa patuloy na pag iyak at pagsikip ng dibdib ko. Binigyan ako ng tubig ni Amanda at agad akong uminom duon. Hinintay niya akong kumalma. Hinagod niya ang aking likod para mas maging mabuti ang paghinga ko.

"When did you know about your condition?" Tanong nito nang kumalma ako

Tumingin ako sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang pagkabigla at hindi makapaniwalang ekspresyon.

"Kanina lang." Sagot ko.."Nagpunta ako sa OB ko at sinabi niya sa aking may HCM ako."

"HCM? What's that? Is it dangerous?What about your baby?"  sunod sunod na tanong nito

Huminga ako ng malalim." Sabi ng doktor, nakukuha naman daw yun sa gamot. But the doktor's not totally sure. Ang sabi niya ay pwede itong maagapan, pero pwede ding lumala..and worse, baka maapektuhan ang anak ko." 

Tumingin ako sa kanya. binuka nito ang bibig pero agad din nitong itinikom. Para bang may gusto itong sabihin pero mas pinili na lang niyang manahimik.

"Hindi alam ni Cray ito, Amanda. Ayokong ipaalam. I dont want to give him a problem." Nilunok ko ang bukol na namuo sa lalamunan ko. Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko.


Umiling si Amanda."He needs to know. He's your husband. Karapatan niyang malaman ang lahat ng nangyayari sayo." Sabi nito

Umiling din ako."Hindi ko kayang sabihin sa kanya. Natatakot ako." 

Tumulo ang luha ko.

"I dont know what to do. Paano kung dumating yung araw na pipili din ako? Sino ang pipiliin ko? Nakita ko kung gaano kagusto ni Cray na magkaroon ng anak. Ayokong saktan siya." Nakatitig siya sa akin habang umiiyak ako.

"Sa tingin mo ba, hindi mo siya masasaktan kung ililihim mo ito sa kanya." Wala sa sariling sabi nito..Tumingin siya sa akin ng seryoso.."Kung takot kang magsabi, pwes ako ang magsasabi sa kanya."

Agad akong nabahala. Hinawakan ko ang kanyang kamay at nakikiusap na tumingin sa kanya.



"No, Amanda! Please wag! Nakikiusap ako!" Humikbi ako.."Ayokong masaktan siya."




Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Alam kong siya lang ang makakapitan ko. Ibibigay ko ang tiwala ko sa kanya ngayon.





"I want to hide it to him. Sobra sobra ang takot na nararamdaman ko pag sinabi ko sa kanya. Ayoko siyang biguin!" Sabi ko.."Please, Amanda. Keep this thing for a while. Sasabihin ko din sa kanya."




"Kailan pa? Kapag huli na?" Umiling ito




Mas lalo akong umiyak. Mas hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kanyang mga kamay. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Umiyak lang ako ng umiyak sa harap niya.




Oo, alam kong masama ang maglihim kay Cray. Pero takot akong magsabi ng totoo. I want to keep this for awhile. Iisipin ko muna kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat.





I feel like im going to betrayed him. Paano na kami magiging masaya kung may ganito ng kaganapan! Mauuwi ba sa wala ang pangarap kong masayang pamilya.




"Nagsinungaling ka na dati kay Cray. Uulitin mo na naman ba yun ngayon?"




Tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang pagtatanongat pag aalala sa mata nito.



"I lied because i have to." Umiling ako.."Ayokong magsinungaling.." humikbi ako. Nakita ko ang pagkataranta niya.."Ayokong magsinungaling pero yun ang kailangan kong gawin...nangako ako, Amanda....Nangako ako na magiging tapat ako sa kanya pero..." umiling ako habang patuloy sa pagluha.





Tinakpan ko ng aking mga kamay ang mukha ko. Hindi ko maituloy ang sinasabi ko dahil sa sobrang pag iyak.





"Stop crying." Hinagod niya ang likod ko.."I wont tell anyone about your condition but please, tell Cray the truth. Im sure he will understand."





Tumango lamang ako at kinalma ang sarili. Hinahagod niya pa rin ang likod ko at hinihintay na tumigil sa pag iyak.




I hope everything's going to be fine. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hihintayin ko muna siguro si Cray umuwi bago ko sabihin sa kanya ang lahat! Ayoko siyang pauwiin dito dahil lang sa nangyayari.




Tulala akong palabas ng restaurant. Inaalalayan ako ni Amanda sa paglalakad.




"You want me to drive you home? C'mon!"



Binuksan nito ang pinto ng sasakyan sa passenger seat at inalalayan niya akong pumasok. Umikot ito at nagpunta sa driver's side.





Tahimik ang naging biyahe namin. Nakatingin ako sa labas ng bintana at tinitignan ang mga nadadaanan namin.




Ang saklap ng buhay ko. Malas ba ako o talagang ganito lang ang kapalaran ko? Sana ay malagpasan ko ito.




"Text me if you need my help,Gabrielle." Sabi ni Amanda nang maihatid niya ako sa bahay.."I respect your decision. I wont say anything to Cray about this..but you need to tell him. The earlier the better."




Tumango ako at suminghap. Tumingin ako sa kanya deretso sa mata.





"Thank you, Amanda." Hinawakan ko ang kamay niya.."Sorry sa mga kasalanang nagawa ko sayo." Tumulo ulit ang luha ko





Ngumiti ito at pinahiran ang luha ko.."Its okay, Gabrielle. Everything going to be okay."





Niyakap ko siya. For the first time in my life, nagpasalamat ako na nanjan siya. Kailangan kong buksan ang puso ko para kay Amanda. Marami din akong pagkakamali nuon. Alam ko ding nasaktan ko siya. Parehas lang kami. Siguro, ito ang way para maging maayos kami. I'll try to give my trust to her. Kailangan ko lang siyang tanggapin bilang isang kaibigan. Kaibigan na masasandalan.




……...............................................

Short update ba? Sorry kung maiksi lang siya. Phone lang kasi ang gamit ko. Ang hirap magtype. So ayun!



Naipost ko na din pala ang story ni Jon..pero hindi ko pa yun sisimulan! Tatapusin ko muna ito at ang started to fall bago ko simulan yun! Pero kapag tinopak ako,,,malay niyo magUpdate ako! Hahaha..


Salamat sa patuloy na sumusubaybay sa istoryang ito! I appreciate it a lot. Hello na din sa mga new follower ko..hope you guys read my stories...thank you :-)... your comments and votes will make me happy...a lot! lols..;-)

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now