Chapter 33.

5.3K 103 2
                                    

Chapter 33.

Gabrielle POV

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Puting kisame ang nabungaran ng aking mga mata. Pinakiramdaman ko ang aking paligid. Inilibot ko ang aking mata at napagtanto kong nasa ospital ako. Duon ko lang din naramdamang may nakasuot pala sa aking oxygen mask. Tumutulong sa pagbuti nang aking paghinga.

Inangat ko ang aking kamay para alisin yun. Nauuhaw ako pero parang hindi ko kayang lumunok. Sobrang bigat ng pakiramadam ko at ramdam ko pa rin ang sakit sa dibdib ko. Hindi na ganun kalala pero may konting kirot pa rin akong nararamdaman.

"How's your feeling?"

Napatingin ako sa nagtanong. Nakita ko si Cray na nakaupo malapit sa higaan ko. Magulo ang buhok, maputla at malaki ang eyebags nito. Para siyang pagod na pagod.


Hindi ako nagsalita. Tinignan ko lang siya. Nabasa ko ang pag aaalala sa mga mata niya. Takot at pagod. Gusto ko na namang maiyak. Pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit siya ganito.

"Baby? What's wrong? May masakit ba sayo? Ha? Tell me? I call the doctor." Sunod sunod na tanong nito.

Umiling ako. Tumulo ang aking luha. Hinawakan ko ang kamay niya.


"I-im sorry.... Im sorry."

Paulit ulit kong sinabi sa kanya habang patuloy na umaagos ang aking mga luha. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. Pinahid niya ang luha ko.

"Dont say sorry." Malumanay na sabi nito.."Everything is going to be fine, Baby."

Tumango ako habang umaagos ang luha ko. I hope so! I hope that everything is going to be fine. If i can have both of my life and my baby ay siguradong magiging masaya ako. Kahit na nakapagdisisyon na ako ay gusto ko rin namang maalagaan ang anak ko. Makita ko ang paglaki niya. Pero parang híndi mangyayari yun. I wish i can make it.

Lumipas ang mga araw. Nakauwi na ako galing ospital. Hindi pumapasok si Cray sa trabaho dahil gusto niya akong alagaan. Ipinaubaya niya kay Jon ang Zacray at kay Daddy Abraham naman yung mga ibang kompanyang hinahandle nito. Kahit sina Momsie ay dito namamalagi sa bahay para may katulong si Cray sa pag aalaga sa akin. I dont want so much attention. Pakiramdam ko ay mas magiging mahina ako pag ganito. Pakiramdam ko ay mamamatay na talaga ako.

"You need to eat fruits for the baby at para na rin sayo. Para mas maging malakas ka." Sabi ni Cray habang nagbabalat ng mga prutas para sa akin. Nandito kami sa garden. Tinitignan ang pagsikat ng araw. Hindi ako masyadong makatulog kaya naisipan kong bumaba na lang. Pero tatayo pa lang ako nang magising si Cray at heto, sinamahan niya ako.

"Eat this."

Kinuha ko yung binigay niyang ponkan sa akin. Kinain ko yun habang nakatitig sa papasikat na araw.

"I want to named our baby Sunshine if its a girl." Biglang sabi ko.

Napatingin sa akin si Cray. Ngumiti at hinaplos ako sa buhok.

"Sunshine Camilla Rueva. Its beautiful, right?"  Tumingin ako kay Cray.

Nakangiting nakatingin ito sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya ang saya at pag asa.

"Its beautiful." Sagot nito.

Tumingin ulit ako sa papasikat na araw. Its like a new beggining to me...to us. Sunshine is a meaningful words. I want my child to brought us a new hope and shine. I want my baby to brought us happiness.

Alam kong siya ang magbibigay sa amin nang saya at pagkakuntento. At sana ay masilayan ko ang kanyang paglaki.

Cray never be hopeless. Kahit maliit ang chance ay lumalaban pa rin ito. He still risked kahit na wala na siyang nakikitang pag asa. And that makes me strong too.

Yung nakikita kong lakas at tibay ng loob niya ang siya ring nakakapagpalakas sa akin. And i'm happy to see, that he is strong enough to hold me when i'm weak. That makes me love him more.



"Check up mo tommorow right?" Tanong nito habang ginigiya niya ako sa kama.


"Oo." Sagot ko.

Humiga ako sa kama. Inayos nito ang comforter at hinalikan ako sa noo.

"Pagkatapos ng check up mo, where do you want to go?" Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ako sa kamay.

Tinignan ko siya."I dont know. Sa mall?"

"No malls. Mapapagod ka lang dun." Sabi nito.."What about trip to the province? Mas makakabuti sayo ang fresh air. Kesa dito sa manila na polluted." Suggest nito.

"Pwede rin." Tumango ako."Pero saan naman?"

Nagkibit balikat ito."Ako nang bahala dun.."

Tumango na lang ako. He's always have a dicision in everything. Hinahayaan ko iyon. Alam ko naman na maganda ang nagiging resulta ng disisyon niyang iyon.

Kinabukasan ay nagpunta kami sa hospital para sa check up ko. Kung ano ano ulit ang sinabi ng doctor. Tinanong din ni Cray kung pupwede ba akong bumayahe by land para sa isang trip.

"That's good. Para makalanghap din siya ng sariwang hangin. Magiging mabuti iyon sa kalusugan niya." Sabi nang doktor.


Kaya naman pagkatapos naming magpacheck up ay dumiretso na kaming uwi para makapag impake. Hinayaan ko si Cray na mag impake ng mga damit ko. Aniya ay mapapagod daw ako kaya siya na ang bahalang mag impake para sa akin. Tinulungan din siya nina Momsie. Sinabi kasi ni Cray na magbabakasyon muna kami sa probinsiya at sila na muna ang bahala sa bahay. They all agreed at masaya pa silang malaman na magbabakasyon kami.

"Wag kang magpapagod, baby girl ha." Sabi ni Momsie Anna at niyakap ako.

Inilagay ni Cray ang mga gamit namin sa compartment.

"Wag hahayaang matuyuan ka ng pawis, Hija." Ani Momsie Rica.


"Opo." Tumawa ako.

Parang bata pa rin kung ituring nila ako. Kahit na may asawa at magkakaroon na din ako ng anak ay ganun pa rin ang turing nila sa akin.

"Mag iingat kayo, Cray hijo." Niyakap siya ni Momsie Lia.

"Yes po! Mag iingat kami." Yumakap din ito kina Momsie."Kayo po munang bahala sa bahay."

"Makakaasa ka, hijo. Basta mag iingat kayo ni Gabbie."

Tumango kami ni Cray at kumaway na sa kanila. Inalalayan niya ako papasok sa kotse. Maingat akong umupo duon. Isinabit ko ang seatbelt at muling kumaway kina Momsie.

"Alis na po kami." Paalam ko.

Tumango ang mga ito at kumaway. Kumaway ako pabalik.

"May unan sa backseat." Sabi nito sa kalagitnaan ng biyahe."Matulog ka muna habang malayo pa ang biyahe."

Tumango ako at inabot yung unan. Inayos ko ang pwesto ko para hindi ako mangalay. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaang tangayin ang antok ang kabuuan ko.


Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon