Chapter 13.

6.4K 142 3
                                    

Chapter 13


Gabrielle POV


Nagising ako na parang ang bigat bigat ng katawan ko. Parang may nakadagan sa akin na mabigat. Iminulat ko ang mga mata ko at ayun. Nakita kong nakapatong ang kamay at binti ni Cray sa akin. Langya! Napakabigat niya. Anong akala niya sa akin, timbangan?

Padabog kong tinanggal ang kamay nito sa akin. Sunod ay ung mga binti naman niya ang tinanggal ko. Ang himbing ng tulog ng lolo niyo. Wala ba itong pasok. Bumangon ako at pinulot ang mga damit kong nagkalat sa sahig.  Nilagay ko iyon sa lagayan ng mga maruruming damit at nagsuot ako ng robe.

Inisip ko ang mga nangyari kagabi. Pagkatapos ng mahabang pagdradrama, nauwi kami sa ganito. Hay, di talaga ako makatanggi sa hotness niya. Tsaka akala ko talaga totoo na talaga siya duon sa pinagsasabi niya. Muntik na akong naniwala duon. 

Di pa kami nakakapag usap about sa nangyari kagabi. Kasi naman pinairal niya ang kanyang kamanyakan kaya ayan. 

Naligo ako para mahimasmasan ako. Anong oras opa lang pero naiinitan na ako. Nang matapos ako sa paliligo ay lumabas na ako ng banyo. Naabutan kong gising na din si Cray. Nakaupo ito sa kama. Ngumisi ito nang makita niya akong nakatapis lang ng tuwalya. Tumayo ito at hindi man lang nag abalang takpan ang kanyang hubad na katawan. Tinalikuran ko siya at hinarap ang closet para magtingin ng mga damit. 

"Good Morning, Baby." His voice was husky.

Naramdaman ko ang init nang katawan nito sa likod ko. Nakayakap ito sa akin at talagang sinubsob nito ang mukha niya sa leeg ko at  pinaliguan ng halik duon.

"Cray tumigil ka nga! Nakikiliti ako." Masungit na sabi ko.

Tumigil ito sa paghalik sa akin at tumingin sa akin ng nakakaloko.."Ang sungit mo na naman! Kagabi lang halos makalmot mo ako sa sobrang sarap ng pakiramdam na binibigay ko-"

Marahas akong tumingin sa kanya. Talagang ipinakita ko ang galit kong pagmumukha sa kanya! Nakakainis siya. Manyakis talaga. Sukat ba namang sabihin sa akin yun. Sarap iestapler yung bunganga niya.

"Tumahimik ka diyan Cray ah! Tingin mo ba okay na tayo? Hindi pa. Uy!Wag mo akong kausapin na parang wala lang yung nangyari." Mataray na sabi ko sa kanya. With matching pataas taas pa ng eyebrow yan ah.

Pero imbes na magalit ito ay ngumisi ito sa akin at mabilis akong hinalikan." Okay, Baby. I'll explain to you later. Ayoko kayang layasan mo ako." Sabay hagalpak nito ng tawa habang pumapasok sa banyo.."Last night is the most wonderfull night for me." Rinig ko pang sinasabi niya ng makapasok na siya ng banyo.

Kumunot ang noo ko pero nagkibit balikat na lang ako.

"She's really my client." 

Di pa rin ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Cray. Si Amanda? Client nito? Neknek niya. Ako pa ang lolokohin niya.

"Eh bakit ang sweet niyo sa cafe nung nakita ko kayo? Pinaghila mo pa siya nang upuan at nagngitian pa kayong dalawa." Singhal ko.." Wag na wag mong idedeny yun Cray Rueva dahil kitang kita nang dalawang mata ko sa kasweetan niyo."

Tumawa lang ito.." Really? Nandun ka pala? i didnt saw you there."

Marahas akong nagbuntong hininga.."Syempre naman! Busy ka kay Amanda eh. Paano mo naman kasi ako makikita kung siya lang ang tinitignan mo." Umirap ako

Humagalpak ulit siya sa pagtawa.."Your such a jealous wife. Dont you trust me? Im not going to choose you over her if i didnt love you."

Napatingin ako sa sinabi niya. Tama siya. May point siya duon! Pero bakit hindi pa rin ako makuntento sa mga sinabi niya.

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon