Chapter 10.

6.4K 177 2
                                    

Chapter 10

Gabrielle POV

 Dalawang araw na din kaming nakauwi ng manila ni Cray. At ang masasabi ko lang? Ayun, busy na naman siya. Pupunta ako ngayon sa opisina niya para dalhan siya ng pagkain. Pagkadating namin galing baguio ay tumawag ang sekretarya nito. May problema na naman yata ang company nila kaya ayun. Nagkataon pa na nagkaproblema din ang Zacray dahil sa isang customer na nagreklamo ukol di umano sa nabili nitong sasakyan. Hay, pagkatapos niyang magbakasyon, dumating naman ang problemang makakapagpastress sa kanya. Iniintindi ko na lang dahil nahahabag ako tuwing nakikita ko siyang pagod na pagod pagkauwi niya dito sa bahay. At bilang sweet at mapagmahal na asawa, ginawan ko siya ng lunch. I'm sure naman kasi na hindi na naman yun kakain.

First time kong makapunta dito sa kompanya ng Rueva Company. Sa Zacray pa lang ako nakapunta dahil yun naman talaga ang bussiness ni Cray nuon. Si Daddy Abraham ang nagmamanage ng kompanyang ito nuon. At ngayon ng na naipasa na kay Cray ang kompanyang ito, Dito na siya madalas itinutuon ang pansin niya. Meron naman kasi si Ash at Jon na namamahala sa Zacray kaya walang problema.

Ngumiti ako sa mga security guards nang makapasok ako. Diretso akong naglakad papuntang elevator. Grabe ang laki din pala ng kompanya ng mga Rueva. Nang bumukas ang elevator ay agad akong pumasok. Pinindot ko ang 30. Ang alam ko nasa 30th floor ang office ng CEO kay dun ang tuloy ko. Huminga ako ng malalim habang naghihintay na makakyat ako sa 30th floor. Tinignan ko ang paperbag na hawak ko. Ngumiti na lang ako.

"Grabe ang sungit ngayon ni Boss. Mukhang malaki talaga ang problema ng kompanya." Dinig kong sinabi ng mga babaeng empleyado na kakapasok lang. Tinignan ko silang tatlo. 

"Oo nga eh. Katakot pa naman si Sir pag galit." Sabi naman nung isa.

"Lahat na yata ng department pinagalitan niya eh. Pati yung mga ibang managers napagbuntunan."

Nag uusap usap sila tungkol sa trabahong kanilang gagawin at kung paano makakaiwas sa galit ng kanilang big boss. Mukhang sa 30th floor din sila pupunta.

*ting*

Bumukas ang elevator at  agad lumabas yung tatlong babae. Lumabas na din ako para lang maabutan ang galit na galit na Big boss ng kompanyang ito.

"I DONT NEED YOUR EXPLANATION! ANONG GAGAWIN KO SA MGA PAPEL NA ITO? WALANG KWENTA." Sabay hagis nito sa mga papel na ibinigay ng isang babaeng empleyado. Nakayuko ang babae at parang naiiyak iyak na.

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon