Chapter 1

10.8K 191 4
                                    

Chapter 1

Gabrielle POV

Bye, hubby. Ingat ka ha." Sabi ko nang nakasakay na si Cray sa sasakyan nito. Kumaway kaway pa ako ng nakangiti sa kanya.

Nakita kong tumawa ito at binuksan ang bintana ng kotse nito. Sumenyas itong lumapit ako sa kanya.

 "Bakit?" Nagtatakang tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

Ngumiti ito sa akin at bahagyang inilibas nito ang ulo sa bintana ng kotse nito at mabilis akong hinalikan sa mga labi. Ngumiti ako sa kanya.

" Sige na pasok ka na." Sabi ko sa kanya.

" Okay." He said at instart ang kotse nito..." Bye, Baby."

Kumaway lang ako sa kanya.

Its been one year nang kinasal kami. So far so good, wala pa naman kaming nagiging problema. Pero alam ko naman na hindi lahat ng pangyayaring darating sa buhay namin ay puro kasiyahan. Alam kong may dadating at dadating na problema sa pagsasama namin. Ang kailangan lang naming gawin ay maging matatag at wag susuko. Dahil lahat ng problema, kahit mabigat man ay may solusyon.

Nakangiting pumasok ako sa loob ng bahay. Pagkapasok ko ay naabutan kong pababa ng hagdan si Momsie Rica.

"Good morning, momsie."

Ngumiti ito sa akin at niyakap ako.

"Morning baby girl." Napatawa ako. Hanggang ngayon baby girl pa rin ang tawag nila sa akin. Di pa daw nila matanggap na may hubby na ako.

Naalala ko nga nung mamanhikan sina Cray. Gulat na gulat kami nina Momsie. Oo, nagulat ako. Di ko enexpect! Umuwi ako ng probinsiya namin pagkatapos naming magkabati ni Cray. Hindi ko alam na mamamanhikan sila. Ni hindi ko nga din alam na plinano na nito ang kasal namin. Basta't nagulat na lang kami ng makita ko sina Ma'am Celine na bumaba ng sasakyan nila sa tapat ng bahay namin. Akala ko kung sino.

Nung una, naguluhan sila momsie. Syempre, di sila makapaniwala. Ni wala nga silang alam sa nangyari. Pinaliwanag ko sa kanila ang lahat. Mula sa pagpapanggap ko hanggang sa natutunan ko si Cray na mahalin. Nagalit sila sa akin, of course. Pero tinanggap nila iyon.

Kaya ngayon, dito na rin sila nakatira sa Maynila. Minsan lang sila pumupunta dito sa bahay namin ni Cray pag gusto daw nila akong makasama. Minsan din dun sila kina Ma'am Celine. Di sila makapirmi sa bahay na binili ko para sa kanila eh. Halos tumira na sila sa bahay nina Ma'am Celine. Sobrang bonding naman kasi sila nina Lola Carmela at Ma'am Celine. Hindi na nga nag a-out of town si lola Carmela dahil hindi na daw siya nabobored sa bahay. Kakulitan kasi nito ang mga momsie ko.

"Pumasok na ba sa work ang dear hubby mo?" Tanong ni Momsie Anna. Kumakain na ang mga ito ng almusal. Kanina pa akong kumain kaya nakikipagkwentuhan na lang ako sa kanila.

"Opo. Kakaalis lang niya." Sagot ko


"Pupunta kami sa bahay nina Madame Carmela mamaya. Sama ka?" Tanong ni Momsie Lian

"Ano pong gagawin niyo dun?"

"Hay nako! Ang bruha naboboring daw sa kanilang mansiyon." Ani Momsie Rica na nagpatawa sa akin.

Close talaga ang mga ito tsaka ni Lola Carmela. Minsan nga nag out of town silang apat. Hindi ko alam kung san sila pumunta. Nagtampo pa nga si Mommy Celine dahil daw hindi nila ito isinama.


Wala silang ibang ginawa kundi ang magpakasaya. Sabagay, matanda na rin si Lola Carmela kaya mas mabuting mag enjoy siya.


"Sige po sasama ako." Sabi ko


Kaya naman pagkatapos na pagkatapos nilang kumain ay naghanda na kami para pumunta sa bahay nina Lola Carmela.



Pagkadating namin duon ay nanduon din sina Mommy Celine at Daddy.


"Hello ladies and gentlemen! Nandito na ang mga Diyosang tatalo sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa." Pakembot kembot pang pumasok sina Momsie sa bahay at nakipagbeso kay Mommy Celine na nanduon. Tumatawa si Daddy sa sinabi ni Momsie Rica.


"Hello po." Lumapit ako sa kanila at niyakap.


"Ito ang totoong diyosa." Natatawang sinabi ni Daddy at niyakap din ako. Umismid lang sina Momsie.


"I hetchu na Pare!" Ani Momsie Lian sa boses lalaking salita. Tumawa kami. Ang lalim lang ng boses eh.


"Nasa taas si Mama. Napagod daw na nagyoga kanina." Ani Mommy Celine

"Ay ang landi ng bruha at may payoga yoga pang nalalaman! Mapuntahan nga ng matalbog na naman siya sa kagandahang taglay! Babush."  Sabi ni Momsie Rica at Naglakad na sila papuntang kwarto ni Lola Carmela.


"Buti naman nadalaw ka." Sabi ni Mommy Celine at niyakap ulit ako.

"Opo. Wala po akong kasama sa bahay eh. Busy si Cray kay sumama na lang ako kila Momsie."

Ngumiti ito at inayos ang buhok ko.


"Hay! Busy na naman siya sa trabaho. Sana di ka magsawa sa pagiging busy niya." Ani Mommy


Umiling ako.."naiintindihan ko naman po siya. Tsaka, hindi naman siya gabi kong umuwi. Kaya okay lang po." Sagot ko.."kayo po? Wala po kayong trabaho?"


"Meron. Kailangan lang namin ng pahinga. Out of the country na naman kami bukas eh."


Tumango ako.


Kung gaano kabusy si Cray, mas doble ang busy nina Mommy Celine At Daddy Abraham. Nagkaproblema na naman kasi yung kompanya. Pero alam ko naman na malalagpasan nila iyon. Tulad ng mga problemang dumating sa pag iibigan nila. Nalagpasan nila ito nang magkasama. I adore them. Lagi silang magkasama. Sa kasiyahan man o sa problema. Siguro kong meron mang makakapagpahiwalay sa kanilang dalawa. Yun ay ang panahon lang. Walang forever. Dahil lahat tayo ay hindi hawak ang oras. Walang happy ending, dahil sa buhay walang ending. Bawat araw na dumadating ay parang simula lang sa atin. Hindi mo alam kung kailan ang ending ng buhay mo.


Kaya nga habang nabubuhay ka. Iaappreciate mo ang araw na kasama ang taong mahal mo. Dahil lahat tayo ay hindi alam kung anong mangyayari sa hinaharap. if what's our future. Thats the reality of life. Harapin ang araw na masaya at kuntento kasama ang taong mahal mo.

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now