Chapter 19.

5.9K 152 1
                                    

Chapter 19

Gabrielle POV

Nagising ako sa mararahang haplos na naramdaman sa tiyan ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Cray na nakangiting hinahaplos ang tiyan ko. Napangiti ako. Seeing him happy makes me happy too. Alam ko na gusto na niyang magkababay kami. Ilang beses niyang sinabi sa akin na naiinggit siya kay Ash dahil magkakababy na ito.

"Goodmorning." Masayang bati nito sa akin. Hinalikan niya ang tiyan ko at ngumisi.."I'm really excited for our baby. Either its baby boy or baby girl, its omekay for . Basta magkakaroon na tayo ng baby." 

Ngumiti ako at hinalikan siya nang mabilis bago bumangon sa kama.

"Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko habang pumupunta sa banyo.

"Meron." Sagot nito at sumunod sa akin sa banyo."Pero parang tinatamad akong pumasok." Sabay yakap nito sa akin mula sa likuran.

Nagmumog ako at tinignan ko siya sa salamin.."You need to work, Cray. Mapapadami ang trabaho mo niyan pag di ka pumasok ngayon." Sabi ko

Humugot ito nang malalim na hininga bago dumeretso sa shower. Umiling na lang ako at lumabas na nang banyo. 

Dumiretso akong kusina at  nakita kong nakahanda na ang almusal na ginawa ni Manang Lena. Nakaniting umupo ako at kumuha nang pinggan. Nilagyan ko iyon nang sinangag. Kumuha ako ng Hotdog at omelette. Simula nung magbuntis ako. Hindi ko mapigilan ang kumain ng marami. Pakiramdam ko kasi parang lagi akong gutom pag konti lang kinain ko. Para tuloy akong patay gutom kong kumain. At kung dati ay nakakaya kong mag almusal nang bread at coffee lang. ngayon ay hindi na. Baka kasi magutom si Baby sa tummy ko.

"Hinay hinay lang sa pagkain, Baby." Tinignan ko si Cray na umupo sa harap ko. Nakasuot ito ng white long sleeve polo. Hindi pa nito naayos ang kurbatang nakatali sa leeg nito. 

"Ang sarap eh." Sabay subo ko nang hotdog.

"Tataba ka niyan. Gusto mo bang maging balyena?"

Tinignan ko siya.."Bakit? Kung naging mataba ba ako Cray, hindi mo na ako magugustuhan?" Tanong ko.

Tumigil ito sa pagkain."Syempre hindi. Kahit ano pa ang maging itsura mo o maging mataba ka pa, mamahalin at mamahalin pa rin kita."

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Where stories live. Discover now