Chapter 2.

8.6K 170 0
                                    

Chapter 2

Gabrielle POV

Madaling lumipas ang mga araw. Madaling dumaan ang mga pangyayari. Hindi lamang sa buhay namin ni Cray kundi maging sa buhay ng mga kaibigan namin. Si Jon ay may steady Girlfriend na rin, Si Mommy Celine at Daddy Abraham ay parehong namamahinga sa Macau ngayon. Inilipat na ni Daddy Abraham kay Cray ang kompanya nito. Si Lola Carmela naman ay nasa palawan kasama nina Momsie. Isang buwan na sila duon ha. Nag eenjoy daw sila sa paglalangoy sa dagat. Si Ash ikakasal na. Hindi ko nga akalain na si Ania ang makakapagpabago sa lokong iyon eh. Dalawang buwang buntis na rin ito. Si Geo naman, Wag niyo nang tanungin. As usual. loko loko pa rin. Single pa rin siya hanggang ngayon. Ang sabi niya ay ayaw pa daw niya ang mag asawa dahil masaya daw siya sa pagiging binata. Sus, if i know, Takot lang yan matali no. Pero kapag yan nainlove, siguradong wala na siyang kawala.

" Bakit ba kasi kailangang isama mo pa ako?" Kausap ko si Cray sa cellphone. Pinapapunta ako nito sa isang shop at kunin ko daw yung pinagawa nitong gown para sa akin. May nag imbeta kasi sa kanya na kabussiness partner niya. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pa niya ako isasama. Hindi ako mahilig sa mga sosyal na party. Puro din naman mga matapobre ang bisita dun.

" Mr and Mrs Sy wants to meet you. You know, hindi ako makatanggi." Sabi nito 

 Nagbuntong hininga ako.." Okay." Sabi ko na lang..

" Dont worry, Mrs Sy is nice. Hindi katulad ng mga asawa ng ibang mga bussiness man." Sabi pa nito.

Sana nga. Ayokong makaencounter ng matapobre noh. Nakakainis kaya. Porket mayayaman, kung makainsulto sila, nakakainis.

" Sige na. I'll prepare at nang makapunta ako sa shop na sinasabi mo." Sabi ko

I heard him sighed.." Okay. You take care. I love you."

" Bye. I love you too." Sabi ko at binaba ang cellphone.

Agad na akong naligo at nagpalit ng damit. Magpapahatid na lang ako sa driver. Hindi din naman ako pinapayagan ni Cray na magcommute dahil delikado daw. 

" Manang, may pupuntahan po ako. Pakisabi naman po kay Mang Sonny na magpapahatid ako." Sabi ko kay Manang Lena. Halos isang taon na din sila sa amin.  Ang anak ng mga ito ay pinapag aral ni Cray. 

Pagkadating ko sa shop na sinasabi ni Cray ay agad may sumalubong sa akin.

" Mrs. Rueva?" Nginitian ko ang babaeng lumapit sa akin.." I'm Alexis. The owner of this shop." Sabay lahad nito ng kamay. Tinanggap ko iyon." Mr. Rueva called me. Sinabi niya na ikaw ang kukuha ng gown na pinagawa niya.."

Two Hearts become One(Sequel story of I'm His Pretend Wife)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora