Chapter 9: Unfair

50.4K 927 64
                                    

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Masyado akong nagulat upon seeing this ring na nasa ice cream ko. Hindi naman ako ganun ka slow para hindi marealize that Derick is up to something sweet. Marahil ito yung laman nung maliit na box. At kaya ganun din siguro ang ngiti sa kanya nung waiter

He's planning to surprise me na naman but then life happened.. Kasi din naman to si Robie napaka wrong timing! Wala namang malisya yung pagyakap niya sakin pero syempre sa paningin ni Derick ex ko pa din yun. Lalaking minsang minahal.

Kumuha ako ng tissue paper at binalot yun. Tumayo na ako at mabilis na naglakad palabas. Luminga linga ako then I saw him na nakasandal sa pader habang naninigarilyo. Pinagtitinginan siya ng mga schoolmates namin but he didnt seem to care. Hithit buga lang ang ginagawa niya at nakatingin sa malayo.

Bilang girlfriend niya may karapatan naman ako na pigilan siya sa bisyo niyang yan but then hinayaan ko na lang. Hindi din naman niya kasi madalas gawin yan. He often smoke lang kapag bagong kain o naii stress. Seeing him now, I know it was because of the latter part.

Slowly, naglakad ako pupunta sa kanya. When I am just two meters away from him, huminto ako. Tinignan niya lang ako and resumed what he's doing. Napahinga na lang ako ng malalim. Iniisip ko na lang that he has all the right na magalit since hindi naman niya alam na bakla si Robie.

"Babe, Im sorry" mahinang sabi ko. Though I dont feel sorry dahil wala naman akong ginawang masama. See, ang pagsosorry kahit wala ka namang kasalanan ay parang pagsasabi ng I love you sa taong hindi mo naman mahal. Sa ibang pagkakataon magmamatigas siguro ako but not now.

Hindi niya man lang ako tinignan. Hawak niya yung cellphone niya na parang may ine expect siyang tatawag sa kanya.

"Babe, pansinin mo naman ako" I pulled his arm para sana yakapin siya but he just stood there frozen at hindi pa din ako tinitignan

Maya maya may humintong itim na sasakyan sa harapan namin and from the passenger seat bumaba si butler Eustace. May kasama siyang dalawang lalaki that I suppose guards nila sa mansyon. Tumayo sila sa harapan ko and bowed their heads.

"Dinala mo yung sinabi ko?" Derick asked butler flatly

"Opo, young master" sagot ni butler at may pinakitang - are those trash bags?

Derick stepped forward at tumabi yung dalawang lalaki. He stopped on his track when he's just inches away sa pagpasok sa sasakyan at nilingon ako

"Sumakay ka na po miss. Mukhang hindi maganda ang timpla ng young master" bulong sakin ni butler. I just pouted my lips at gumalaw na. Pinauna niya ako sa pagpasok tapos kasunod ko siya. Umupo yung dalawang lalaki sa magkabilang side namin

"Saan tayo pupunta?" tanong ko para sa lahat pero walang sumagot. Tinignan ko si Derick na nakatingin lang ng diretso. I pressed the ring on my palm at binulsa yun sa palda ko. Grabe siya magpahirap sakin! Nagsorry na nga ako kahit wala naman akong ginawang mali pero ganito pa din siya.

"Uhm, babalik po-"

"Sino kausap mo, Eustace? Apat lang naman tayo dito sa kotse at wala naman akong narinig na nagsalita" Derick cut off

Ugh okay ganito pala ang gusto niya ha? Bahala siya sa buhay niya!

"Kuya pakihinto sa gilid bababa ako" sabi ko doon sa driver pero ni hindi man lang ako tinignan

"Kuya pakihinto naman po" ulit ko dahil baka hindi niya ako narinig. Huminga na lang ako ng malalim. Of course hindi niya ako susundin dahil si Derick ang amo niya at hindi naman ako.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon