Chapter 15: Sanction

48.5K 789 50
                                    

Derick is seducing the hell out of me. Sa totoo lang natutukso na din naman ako na huwag nang pumasok pero kapag napi picture out ko yung mukha ni Ma'am Reyes, naglalaho ang kagustuhan kong yun.

Everytime I will reason out na hindi pwede, he'll cut me off with a kiss na nakakapagpalambot sa mga tuhod ko. He doesn't play fair. He knows the power of his lips at ginagamit niya yun sa advantage niya.

Oh Lord, pwede po ba na kahit konti lang papangitin niyo naman tong boyfriend ko? Masyado po kasing kampante sa sarili eh.

"Come on, babe. Hindi ka pa naman nakaka absent sa prof mong yun di ba?" he whispered huskily to me sabay kagat sa earlobes ko. Kanina pa kami dito sa loob ng sasakyan niya and doing nothing but kissing. Masyado namang maliit tong kinalalagyan namin so there is no way na makakaiwas ako sa kanya.

"Hindi pa pero ayoko naman. Isa pa, di ba may pasok ka?" sagot ko sa tono na nagpapanggap na naiinis. Ugh basta I'll do whatever it takes makabalik lang ako sa school

"I can skip it"

Umiling ako "Papasok ka. Papasok ako. Papasok tayong dalawa sa mga klase natin. Case closed" mariin kong sabi. I saw him sighed heavily. I want to stamp my foot in frustration because he's making things so difficult for me. Kahit na hindi niya sinasabi alam kong iniisip niya na nagdadahilan lang ako na ayaw ko siyang makasama.

"Babe.." I cajoled. I pulled his face to me but maintain an inch of distance para nakikita ko pa din ang mga mata niya. When he pouted his lips I bit it softly at humiwalay din agad "Naaalala mo ba yung sinabi ko sayo nun? Hindi pwede na ako lang ang mundo mo. Alam ko naman na mahal na mahal mo ako pero may mga bagay pa din tayong kailangan gawin na magkahiwalay" I said seriously.

Ngumiti naman siya ng kaunti. Nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong naaalala naman niya yun at nagkaka intindihan kami.

"But can we meet later?" he asked in a straight face

"Of course. Sabay naman tayo palagi umuuwi di ba?"

Tumango lang siya and position his self na magd drive na. Kinuha niya yung kamay ko at ipinatong sa hita niya "Wag mong tatanggalin yan dyan ha" bilin pa niya which I found weird pero hindi na din ako nakipagtalo pa.

Nung makarating na kami sa school sinabi niyang ihahatid niya ako sa classrom ko. As usual siya na naman ang may hawak ng shoulder bag ko habang yung isang kamay niya nakahawak naman sa kamay ko. Sa totoo lang bawal nga tong ginagawa namin eh. Nagkakataon lang siguro na walang nakakapansin.

Naglalakad kami sa hallway at walang tao. Then suddenly bigla na lang niya akong hinatak sa isang bakanteng classroom and started kissing me.

"Babe.." pilit ko siyang tinutulak pero parang pader ang katawan niya na hindi natitinag. Kinakabahan kasi ako na baka mamaya may bigla na lang pumasok

"Babe, mal late ako.." I said between our kisses. He just moaned at hindi pa din tumitigil "Tsaka please baka may biglang pumasok"

At pagkasabi ko nun, the door bursted open at bumukas ang ilaw. Automatic naman na naghiwalay kaming dalawa. When I saw kung sino ang pumasok, my heart dropped six feet below at pakiramdam ko anytime kakapusin ako ng hininga.

"Dela Serna.. Lusterio.. Anong ginagawa niyo dito sa madilim na classroom?" tanong ni Ma'am Veluz habang pinaglilipat samin dalawa ni Derick ang tingin niya na parang yung sa mga serial killer sa suspense movies. I am aware na tinitignan din ako ni Derick pero hindi ko siya magawang tingnan dahil natatakot ako kay Ma'am Veluz

"Were the two of you making out here?" she asked snapping at pumameywang. I am still frozen on my place. Akala ko ba absent siya? Why is she here?

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon