Chapter 31: Lied

45.6K 735 58
                                    

Maaga kami gigising para makaalis kami kaagad first thing in the morning. Sa totoo lang hindi naman talaga ako inaantok kaya hindi ako makatulog kahit gustong gusto ko na. Iniisip ko kasi si Cathy at yung tingin niya sakin kanina. Gusto ko tuloy pigilan si Derick na pumunta doon sa party na sinasabi niya dahil malakas ang kutob ko na may plano ang Cathy na yun eh.

Tinignan ko na lang yung singsing na binigay niya sakin nung nagpropose siya na nakapatong doon sa singsing na heirloom naman ng grandma niya na binigay niya din sakin. Atleast just by looking at this napapanatag ako na ako lang ang mahal ni Derick dahil ako lang ang niyaya niya magpakasal.

"Stop worrying about it. It's just a party" napapitlag pa ako ng bigla siyang magsalita. Tinignan ko siya na nakapikit naman. Di kaya nags sleep talk siya?

"Babe?"

"You hear me right. Hindi ako nags sleep talk"

"Hindi ko naman iniisip yun eh" pagtanggi ko dahil ayoko pang buksan yung topic na yun sa kanya dahil pagod pa siya. Ang heartless ko naman kung gagawin ko yun ngayon.

Ngumisi siya "Ako pa ba ang lolokohin mo? Kilalang kilala kita, babe. Dont worry about it. Kung sakaling hindi ka naman komportable na pumunta ako dun pwede akong mag alibi na may sakit or what para hindi makapunta"

Maldita man kung iisipin pero hindi ko maiwasan matuwa sa sinabi niyang yun. I leaned closer to him pagtapos ay yumakap sa kanya. He immediately curled his arms around me at naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.

"Thank you for making me feel better. May tiwala naman ako sayo eh. It's her that I dont" sabi ko sa kanya and lay my cheek on his chest

"Hindi ko din gusto yung Cathy na yun. I dont know what's gotten to Minho at nagkagusto siya sa babaeng katulad nun. Oh yes, she's pretty and rich pero bukod dun wala na akong makitang dahilan. Kaya lang naman ako pumayag na pumunta dun, out of respect na lang dahil magkasama kami sa agency."

"Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ko dahil kung makapagsalita siya parang kilala niya na yun samantalang sa pagkakaalam ko, nakilala niya lang to nung nasa NE na siya.

"Hindi. Naikwento lang sakin ni Penelope. Kaibigan niya yun eh. Hindi mo ba siya nakita na kasama ni Minho nung party?"

Umiling lang ako at nagkibit balikat. Mabuti na din pala at nabanggit niya na magkaibigan ang dalawang yun so maybe pagkauwi namin ng Manila makikipagkita ako kay Penelope at sa kanya magtatanong ng tungkol sa malanding yun.

"Let's sleep please. Pagod na pagod talaga ako babe" he said and we drifted off to a sleep

Hindi pa man ako dumidilat kinapa ko na yung katabi ko but surprisingly wala. Dumilat ako para sigurado and yeah wala na nga siya sa higaan. Umupo ako and looked around me pero wala siya. Ni wala din akong marinig na ingay galing sa banyo so sure ako na wala siya dun.

Humiga ako ulit at ipinikit ang mga mata ko. Then bumangon ulit para tignan kung may note siya na iniwan sa bed side table pero wala din. Nasaan kaya siya na hindi man lang nag abala na gisingin ako para makapagpaalam?

But then biglang bumukas ang pintuan at pumasok siya. Bahagya pang gulat yung mukha niya pagkakita sakin

"You're awake? Pwede ka pang matulog. May isang oras pa" he said and I notice na hawak niya ang cellphone niya

"Saan ka galing?" tanong ko na hindi pinansin yung una niyang sinabi

Nakita ko na parang may pag aalinlangan sa mga mata niya "Someone from the agency called at kailangan kong kausapin"

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon