Chapter 21: Crazy Inlove

46.7K 791 48
                                    

Ang sabi ng isang bahagi ng utak ko, hindi maganda na nangangailam sa ginagawa ng iba hence the phrase 'Mind your own business' pero yung kabilang part naman ng utak ko is telling me to stay at panoorin silang naghahalikan dahil pamilyar sakin yung lalaki.

I stepped back a bit pero napapitlag ako and suddenly it just happened. May tao pala sa likod ko at maraming dalang kung ano ano. Since umatras nga ako, natapakan ko siya at nahulog lahat sa sahig yung mga hawak niya na mga plato and made a loud sounds.

"Sorry po" hindi ko malaman ang gagawin dahil basag yun lahat. Umupo ako para kunin yung mga nabasag na

"Naku, ma'am wag ka na po mag abala baka masugatan ka pa" pigil sakin nung babaeng siguro ilang taon lang ang tanda sakin at nakasuot ng katulad nung sa mga babae doon sa kusina na nag aasikaso ng mga pagkain at nagbibigay ng kailangan nung mga bisita

Hindi ko siya pinakinggan pero ginaya niya na din yung ginagawa ko. Inuna kong kunin yung mga malalaking parte at pinagsama sama

"Anong nangyari?" napalingon kami doon sa nagsalitang lalaki sa likuran ko. Kaya pala iniisip ko na pamilyar siya sakin dahil kilala ko naman talaga siya. Si Minho

"Erica?" he asked in a surprised tone

"Hihi, hello" tipid kong sagot at binalik na ulit doon sa mga nabasag yung atensyon ko. So siya yung nakikipaghalikan doon sa loob ng kwarto..

Biglang umupo si Minho and before I realize it, siya na ang mabilis na nagsasalansan nung mga nabasag

"Ouch!" kinuha ko naman kaagad yung daliri niya. Dumudugo yung hintuturo niya dahil natusok doon sa maliit na bubog

"Hala Sir Minho nasugutan ka! Hugasan na agad yan " sabi nung babae sa nagpapanic na boses

"Sasamahan ko na po siya ate pwede ka ba namin maiwan dito?" unsure na tanong ko habang nakahawak na sa wrist ni Minho. Alam kong nasaktan talaga siya dahil nakangiwi pa din yung mukha niya and he keeps on gritting his teeth.

"Oo naman. Sige na dali. Doon yung banyo tapos may medicine cabinet din doon" turo niya doon sa kabilang side nitong kinalalagyan namin. Walang sabi sabi na hinila ko si Minho patayo at naglakad na kami

"Come on, malayo naman to sa bituka" sabi niya pero hindi naman convincing yung tono niya

"Kailangan yan magamot at malagyan ng band aid" nung makapasok na kami sa CR a realization hit me. Nangyari na din dati to eh. Pero kay Derick naman nung magbasag siya ng mga gamit sa kwarto niya

Medyo natawa na lang ako at nailing. Pagtingin ko sa salamin nakatingin pala sakin si Minho na nakangisi

"Ang weird mo talaga. Ngayon naman tumatawa ka ng walang dahilan" nilagay ko yung kamay niya sa sink at tinutok doon sa gripo. Iisipin ko pa lang kung saan ko bubuksan ng may lumabas ng tubig. Wow, automatic pala

"What were you doing back then, Erica? Were eavesdropping?" gusto ko sana umiwas sa kanya but there is no possible way dahil masyado namang halata

I swallowed hard.. "Uhm.."

"So nakita mo nga?" he asked smirking at kahit hindi niya sabihin kung ano ang tinutukoy niya, alam ko naman na

"Sorry.. Uhm kasi I was just looking for the comfort room at namali ako ng napuntahan" thankfully hindi naman ako nag stutter kaya hindi naman niya siguro masasabi na nagsisinungaling ako. Nakatingin din siya sa mga mata ko and probably hinahanap yung katotohanan

At hindi ako sanay na may lalaking tumititig sakin ng ganito bukod kay Derick.

"I believe you. Anyway, wala din naman akong pakiilam kung may nakakita pang iba bukod sayo" he shrugged his shoulders and reached for the medicine cabinet at kumuha ng alcohol and bandages. Gusto ko sana mag offer na tulungan siya pero mabilis ang kilos niya at alam niya ang ginagawa niya

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon