Chapter 44: The Queen

49.4K 776 53
                                    

***

Author's Note:

Happy 500K reads sa story na to! <3 maraming salamat po sa support niyo and continuous reading kahit na minsan feeling ko ang boring na ng kwentong to para sa inyo. Hihi, at dahil dyan may POV si Derick :D

Update again tomorrow! Tulog na ako! Zzzzzz...

Derick

Kinuha ko sa side table yung cigarette case ko at dahan dahan bumangon para hindi magising ang magandang babaeng nasa tabi ko. The last thing I want to do now is to disturb her precious sleep dahil nitong mga nakaraan kahit hindi niya sabihin alam kong palagi siyang puyat.

Tumayo ako sa may bintana at binuksan yun para ibuga doon ang usok na nanggagaling sa sigarilyo ko. I looked at her na mapayapang natutulog. Her face so peaceful na para bang wala siyang problema.

Kanina ikinwento niya sakin yung mga natuklasan niya doon sa iniwan ni mama sa kanya. Napapailing na lang ako kapag naaalala yung mukha niya habang sinasabi sakin yun. I should have known of course. Naiintindihan ko naman siya cause I know how it feels like to live in lies.

Pero kahit ganun na naiintindihan ko naman siya, hindi ko pa din alam kung paano ko pagagaanin ang loob niya. Mahina kasi ako kapag magulang ang pinag uusapan. Hindi ko naranasan magkaroon ng ganun kaya hindi ko alam ang karapat dapat na way para i comfort siya. Natatakot kasi ako na baka masaktan siya. God, she's been through much. Kamamatay lang ni mama and this thing happened..

It's just too much for her to bear. I'm with her nung mga panahong yun that she can't even eat a proper meal dahil mas gusto niyang ilugmok ang sarili niya sa kalungkutan. Nung mahuli namin si papa at Ma'am Veluz nun na magkayakap it broke her. Kaya nga kahit na alam kong medyo naiinis siya na palagi akong nakabuntot sa kanya, hindi ko pa din siya iniwan dahil natatakot akong may gawin siyang masama sa sarili niya.

The world is too cruel and life is just so unfair. Sa ngayon gusto ko tong kasikatan ko though sometimes I can feel na nasasakal na ako. I dont have the freedom na gawin sa kanya yung mga gusto ko in public dahil baka may nakatingin. Ayokong maulit yung nangyari nun na may lumabas kaming picture na dalawa dahil hindi ko yun kakayanin. Ayokong isama siya dito sa magulong mundo na pinasok ko. Kaya minsan kahit na alam kong dinadamdam niya na hindi ko gustong makita siyang kasama ako in public, binabalewala ko na lang dahil para sa kaligtasan niya din naman yun.

I'm earning loads of money na magagamit namin in the near future dahil gaya nang sabi ko sa kanya nun pakakasalan ko na talaga siya after namin grumaduate. I proposed to her ng maaga dahil siguradong sigurado na akong siya ang gusto kong makasama habambuhay. Napaaga lang talaga ang kasal dahil pinakiusapan ako ni mama. Sinabi niya sakin na nararamdaman niyang mawawala na siya and the last thing she want to know ay maging masaya kami ni Erica. So how can I reject her kahit na may plano ako na mas romantic way of marrying my girl kaysa dun? Mahal ni Erica si mama at ang mahal ng mahal ko ay mahal ko din.

Before those sadness happened actually nararamdaman ko nun na nagiging distant na siya sakin. When she saw me with Cathy she's been cold. Hindi ko naman siya masisisi dahil kahit ako ang nasa lugar niya I will feel the same o mas higit pa. I was so desperate na i close yung gap namin that I even use sex to try my luck. I want to give her the assurance na siya lang talaga.

Yung pagkamatay ni mama nagkaroon din ng epekto sakin. I am wondering this myself too pero hindi ko maintindihan kung bakit nagkaroon ng malaking space sa puso ko nung mamatay siya. Nanay siya ng asawa ko at syempre natural na makaramdam ako ng lungkot pero itong sakin iba eh. Sometimes I even found myself weeping. Nahihiya nga akong sabihin yun kay Erica dahil baka sabihin niya na mas OA ako sa kanya.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon