Chapter 27: Until The End

41.8K 746 54
                                    

Pumasok kami sa isang room na may medyo kalakihang oval na mesa sa gitna na pinapalibutan ng four seater leather couch at tig isang single seater couch na nakapwesto sa magkabilang dulo ng mesa.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko sound proof ang kwartong ito dahil bukod sa something na makakapal na nakalagay sa mga dingding pataas sa kisame, wala na din akong naririnig na ingay galing sa labas.

"Please take a seat" ginesture ni Percy ang kamay niya doon sa couch. I hastily pulled Derick na mukhang kinakabahan pa din at umupo kami doon sa four seater couch habang si Percy naman doon sa single na malapit sa pwesto ni Derick. Nakangiti lang siyang nakatingin samin and as if thinking what are the things to say to make us comfortable.

"Tell me, Derick. Have you signed anything in JJ Entertainment?" may na detect akong slight bitterness sa tono niya or maybe being hopeful na sana hindi siya ma disappoint sa isasagot ni Derick

Derick swallowed hard at marahang umiling "No. What the papers said was all that's happened. If you know this Stanley Juaño, he's interested with my singing at binigyan ako ng calling card niya if ever I've made up my mind but up to this moment hindi ko pa siya kinocontact"

Nakahinga ng maluwag si Percy na bahagya pang tinapik ang dibdib niya and looked more graceful to Derick "So meaning there's still a chance na mapunta ka samin?" he asked excitedly

"Well sir, I'll be very honest with you. Kaya ako nagdoubt sa JJ Entertainment is because I dont like their rules particularly about having a relationship. Based on what I've heard hindi basta basta pwede makipagrelasyon ang mga talent nila at kung minsan sila pa ang mamimili ng dapat mong makarelasyon. I dont want that. May girlfriend ako. She's more important than anything else in this world"

Magkasabay silang tumingin sakin ni Percy. Nakaramdam ako ng hiya kaya wala akong nagawa kung di ipagsiklop ang dalawa kong kamay at yumuko. Kinocomprehend ng utak ko ang huli niyang sinabi. Ako ang pinakamahalaga sa kanya.. Kung siguro wala lang si Percy dito kanina ko pa siya pinaghahalikan and maybe ako pa ang kusang nagtanggal ng mga saplot ko sa katawan and give my everything to him. These are some of the few moments na napapatunayan ko na mahal ako ni Derick. Yung tipong wala siyang pakiilam sa ibang bagay kung di sa kin lang.

Minsan nga naiisip ko yung mga paghahabol na ginawa niya sakin nung highschool kami. Yung mga masasakit na salitang binitawan ko sa kanya at mga bagay na nagawa ko maitaboy lang siya.

That sometimes I am thinking: Karapat dapat ba ako sa kanya?

"Well.." naputol ang pag iisip ko when Percy cleared his throat at todo pa din ang ngiti na nakatingin kay Derick na expectant naman sa sasabihin niya "Just to motivate you more, our company has no jurisdiction on our talents' personal lives. Though minsan nangangailam kami lalo na kapag alam namin na may mangyayaring eskandalo or it will put the company's image at stake"

Unti unting huminga ng maluwag si Derick at ngumiti habang inaabot ang isa kong kamay na agad naman niyang kinulong sa malamig niyang palad. Gusto ko siya pagtawanan. Grabe talagang kinakabahan pa din siya?!

May kumatok sa pintuan and when Percy said "Come in" pumasok ang isang lalaking sa tantya ko ay nasa mid forties na. Nakasuot siya ng simpleng striped shirt at camoufludge na pants na kakulay nung sumbrero niya.

"Nice to have you here, Louie. Since you're the expert in this gusto kong ikaw ang mag assess dito kay Derick Lusterio. Hopefully our next protege" tumingin si Percy kay Derick na nakangiti habang yung Louie din ay ganun ang ginawa though parang medyo gulat ang expression niya.

"Derick Lusterio? Are you saying the president's grandson?" tanong ni Louie with the same expression

"Ugh yes. The one na laman ng newspaper nung nakaraan"

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon