Chapter 26: Proud

48.9K 749 53
                                    

Gusto ko na sana umuwi para makapagpahinga kami dahil may pasok na bukas but we stayed a bit more dito sa mansyon para kumain at makipagkulitan kay Don Manuel. Hindi naman nagtagal ang pag uusap namin ni Tito Kristoff. Sa tingin ko nalibang din naman si Derick sa pakikipag usap sa lolo niya dahil nung bumalik ako sa library hindi niya napansin na medyo matagal akong nawala para sa taong sa CR lang naman ang punta.

Hindi lumabas si Mrs. Lusterio para makisalo kanina kaya apat lang kami nila Tito Kristoff ang kumain. Ayoko naman i brought out kay Derick ang about sa nangyari kahapon pero natatakot naman ako na baka magalit siya. Sa totoo lang, hindi din naman talaga maganda ang sinabi ng mommy niya. I mean yes, magulang siya at alam kong gusto niya lang ang best para sa anak niya but why cant he just support him sa gustong gawin ni Derick? Hindi naman ata masama ang pagkanta.

So hindi ko na lang kinausap si Derick dahil kung masama pa din ang loob niya siguradong mas makakasama if I'll push it through. Hindi na din naman tumagal ang pakikipagkulitan samin ni Don Manuel kaya nung magpaalam siya para matulog na, nagpaalam na din kami na aalis

"Nag enjoy ka ba? I mean for the whole time ako ang sentro ng usapan hindi ka naman ba na bored?" he asked habang naglalakad na kami palabas kung nasaan ang sasakyan niya.

"Hindi naman. Ang saya kaya kausap ni Don Manuel" sabi ko na totoo naman. Tsaka maganda nga yun na siya ang sentro ng usapan kaysa naman ako

"Gran, baby. Call him gran"

"Nahihiya ako"

"And why is that?"

"Syempre baka sabihin niya na assuming ako" nakakahiya naman kasi talaga. Kay Titot Kristoff okay lang kasi tito naman kaso kay Don Manuel, hindi ako komportable na gran ang itawag sa kanya kahit na siya pa ang nagsabi dati kasi baka kapag may nakarinig na iba, may masabi pang hindi maganda

Derick looked at me na naka pout at marahan na hinalikan ang pisngi ko. "If you remember, siya nga ang nagsabi nun na yun ang itawag mo sa kanya di ba?"

"Eh kahit na.."

Huminga siya ng malalim "Ang kulit mo talaga. Nagdududa na tuloy ako kung mahal mo pa ba ako"

Marahas akong napatingin sa kanya na nakakunot ano noo "Huh anong connect nun?!"

"Mukha kasing ayaw mo naman maging bahagi ng pamilyang to" he said tonelessly at nag iwas ng tingin

Gusto ko sana siya biruin na hindi naman niya to totoong pamilya pero binura ko yun kaagad sa isip ko. Kahit na nga ba biro lang yun hindi pa din nakakatawa. "Di naman sa ganun. You know what, how dare you to think na hindi na kita mahal? Alam mo ba nung kami pa ni Robie, muntik ng may mangyari samin pero hindi ko binigay ang V ko kasi--"

Napahinto ako upon realizing yung mga pinagsasabi ko. Napahinto din sa paglalakad si Derick at tumingin sakin sa nanliliit na mga mata at namumulang mukha

"What did you just said?" he gritted between his teeth

"Uhm babe.." napalunok lang ako and desperately thinking of something to say pero nagsh shutdown ang utak ko. Yumuko na lang ako. Nung hindi pa din ako kumikibo saka siya nagsalita ulit

"Muntik na may mangyari sa inyo? Bakit hindi ko nalaman yan, Erica?" mahinahon lang siya pero kilala ko siya. Deep inside alam kong galit na galit na siya

"Babe.."

"Oh damn it. Di ba tinanong na kita dati kung meron pa ba akong dapat na malaman sayo tapos sinagot mo ko ng wala? Why now may sinabi ka na naman na ngayon ko lang nalaman?" may pagdadamdam yung boses niya at hindi ko kaya kayang salubungin ang tingin niya dahil alam kong disappointment ang makikita ko.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon