Chapter 28: Marry Me

46.6K 816 52
                                    

Last day na ngayon ng sem at bukas na officially na magsisimula ang semestral break namin. Dalawang buwan after nung matanggap si Derick sa NE Entertainment marami na ang nangyari. Inaasahan ko na din naman na kasabay ng unti unti niyang pagsikat eh yung pagbabawas ng quality time namin together kaso hindi pa ganun na sumisink in sakin yung nakaabang na pagbabago.

Sa susunod na semester kasi he's forced to unload some subjects. At yung mga subjects pa na hindi niya kukunin ay yung mga subjects na kung saan ko sana siya pwede maging kaklase. Imbes na twenty six units ang kukunin niya magiging fourteen na lang. At dahil yun sa mga projects at major concert na gagawin nila sa March. Yes, "nila" dahil tatlo sila sa boy group na Big Three ang pangalan. Isa dun si Minho na talagang kinagulat ko while the other one's name is Anden.

Okay naman. Nakikita kong masaya si Derick though minsan may mga bagay silang pinagtatalunan ni Minho na aaminin ko minsan na si Derick talaga ang nag umpisa. Para kasing may galit siya kay Minho na hindi ko maintindihan.

When they debuted I was there at hindi ko inaasahan na mabilis dumami ang mga fans nila. Iniisip ko na dahil na din siguro sa magaganda na nga ang boses nila, mga gwapo pa.

"Do you have any plans for sembreak?" putol ni Alice sa iniisip ko. Pansamantala nakalimutan ko na nandito pa nga pala ako sa school. Since huling araw na nga namin ngayon hindi ko maiwasan i enumerate ang mga nangyari sa loob ng halos kalahating taon na parang ang haba haba.

Nagkibit lang ako ng balikat sa tanong niya "Sabi ni Derick punta daw kaming beach resort bukas. Pero hindi pa sigurado kasi baka may interview sila" sagot ko in a not so interested way dahil hindi naman ako umaasa na matutuloy kami bukas sa Puerto Galera

Alice looked at me with sympathy sabay iling "Wag ka ngang nega dyan. Matutuloy kayo sigurado. At kahit hindi kayo matuloy bukas may ibang araw pa naman since maga araw ng mga patay. Three weeks naman ang break, Erica"

Nagnod na lang ako at sinalansan na ang mga notebook ko para ipasok sa loob ng shoulder bag ko. Kampante naman ako na matataas ang grades ko maliban na lang kung ibabagsak ako ni Ma'am Veluz. May isang araw nun na hindi niya ako pinag initan pero pagtapos nun balik na naman siya in her usual self na inisin ako. Nandun yung palagi niya kaming pinaghihiwalay ni Derick ng upuan and one instance nagwalk out ako sa klase niya sa sobrang bwisit ko sa kanya.

I really hate her so much na hinihiling kong wag na kami magkikita pa sa ilang taon ko pang pag aaral dito sa SIU dahil baka sa susunod hindi na ako makapagtimpi pa.

"Erica, totoo ba yung concert nila Derick sa March?" tanong sakin ni Hannah na isa sa mga die hard fan nila Derick. Katunayan kasama nga siya sa official fans club na nagcocollect ng kung ano ano basta may mukha nung tatlo.

Sa dalawang buwan na yun ganun na agad sila kasikat. Paano pa kaya sa mga susunod pa?

"Sa pagkakaalam ko oo" matipid kong sagot

"Kailangan ko na mag ipon! Dapat nasa VIP area ako. Hmp, ikaw sigurado nasa backstage ka since girlfriend ka naman"

Gilrfriend nga ako pero hindi naman yun alam ng karamihan. Hindi nga nangangailam ang NE sa relasyon namin ni Derick kaso pinayuhan kami ni Percy na itago ang relasyon namin para daw sa ikabubuti ko na din. Alam kong hindi siya OA dahil nung kailan lang yung isang kasama nila Derick sa agency na na isyung nakikipagdate eh inulan ng bash sa internet. Date pa lang yun paano na kung katulad kong relasyon talaga?

Pagtapos ng paalamanan dumiretso na agad ako palabas dahil ayokong ma corner ng mga schoolmates ko para magtanong ng tungkol kay Derick. These past few days ang daming nambubulabog ng tanong sakin na wala naman akong maisagot masyado

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon