Chapter 45: Miss Education

39.3K 765 78
                                    

Tinignan ko yung mga kapwa contestants ko and of course unlike me nakangiti pa sila. Cathy's presence here is such a bothersome. Hindi ako napapanatag kapag nasa isang lugar kaming tatlo nila Derick dahil pakiramdam ko may hindi mangyayaring maganda. Hindi pa naman maganda ang huli naming pagkikita so yeah, I really do have many reasons para maging uneasy

"Go, Erica!" may pagkalakas lakas na sumigaw na sinundan din ng karamihan mula sa major ko. Tinignan ko sila at pinilit ngumiti kahit na deep inside gusto na talagang lumabas ng puso ko sa sobrang kaba.

"Settle down now, SpEd Majors. Anyway, we want to thank our judges for their presence.." sabi nung emcee at in explain na yung criteria for judging. Sa audience impact naman feeling ko panalo na ako.

"Our contestants are going to pick a paper sa fish bowl na may pangalan ng judge na magtatanong sa kanila. So ladies, we bid you our good luck"

Iniiwasan kong tignan si Cathy kaya hinanap ko na lang from the crowd si Derick at si papa. When I found them I smiled sweetly. Nagulat pa ako na may dalang placard pala si Derick na may nakalagay na "Go Wifey, Erica. I love you!"

Nag umpisa na ang question and answer portion. Kaming mga contestants na naiiwan pinapanood yung bawat tinatawag. So far, matitino naman at madadali yung questions and somewhat related on being a future teacher. Tinignan ko yung mga judges and mayroon silang papel na hawak that I think nakasulat doon ang mga itatanong nila.

"As a future teacher, what do you think is the most important gadget that has been invented this 21st century?"

Nag stutter man si contestant number one still nasagot niya pa din ng may sense yung tinanong sa kanya kaya hindi na masama. And she spoke in english kaya halatang nai impress ang mga judges

"If you're going to be the president of the republic, what is the first thing you will do to help our countrymen?" tanong ni Cathy kay contestant number two and just like the first one nag stutter man pero nakasagot pa din in english.

Pinagsiklop ko ang mga kamay ko and that's when I notice na malamig sila. Three more contestants at ako na ang tatawagin. At sana naman hindi si Cathy ang mabunot ko.

"Candidate number six, SpEd Major, Manilla Erica Dela Serna" nagpalakpakan at sigawan habang maingat akong naglalakad papunta sa gitna. Huminga muna ako ng malalim at bumunot na ng papel sa fishbowl at binigay yun sa emcee

"The judge you have picked is Ms. Carmela Sta. Romana" nakahinga ako ng maluwag dahil dun. Tumingin ako sa gawi ng mga judges para abangan na ang itatanong ni Ms. Sta Romana pero laking pagtataka ko na wala siya sa upuan niya.

Mukhang nagtaka din yung emcee dahil may kinausap siya doon sa baba at narinig kong tinanong niya kung nasaan si Ms. Sta Romana

"Oh, I'm sorry Ms. Dela Serna pero may kailangan palang puntahan si Ms. Sta Romana for a while so instead, Ms. Cathy will ask you the question" sabi nung emcee

Tumingin ako kay Cathy and on her face is a triumphant smile. Ipinilantik niya pa ang daliri niya saka kinuha yung microphone para magsalita na

"My question for you, Ms. Dela Serna is what if you're in a situation where you have a good carreer but someone is being a hindrance to you. What will you choose, love or carreer?"

I clenched my fists. Alam kong wala sa papel yung tanong na yun dahil si Mr. Yap nakakunot ang noo na tumingin sa kanya dahil marahil hindi mahanap doon sa papel yung itinanong niya sakin. And as I analyze the question, alam kong si Derick ang tinutukoy niya na may good carreer at ako yung someone na hindrance.

If she think she could ruin me ng dahil lang sa tanong niyang yan, she better think again. Huminga ako ng malalim and smiled sweetly at her. Kasabay nun ang palakpakan at sigawan na naman ng mga tao kaya instantly, mas na motivate ako. I saw Cathy crinkled her nose kaya alam kong hindi siya masaya sa suporta na natatanggap ko.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon