Chapter 7: Tattoo

59.2K 908 69
                                    

Minho

The first time I saw Erica I know she's different. Hindi siya yung klase ng babae na mahilig maglagay ng make up o conscious sa itsura niya. If there is one word that I'll use to describe her that would be: Beautiful. Just beautiful.

Girlfriend siya ng pinsan kong si Robie pero hindi ko yun alam until by chance Erica told me that nung camping. Nakaramdam ako ng awa at takot para sa kanya nun. Awa dahil hindi niya alam na bakla ang pinsan ko at ikakasal sa iba. Takot dahil ayokong masaktan siya.

Oo, hindi kami lubos na magkakilala. When I saw her nun sa Video City she really caught my attention kahit na girlfriend ko pa nun si Cathy. That girl got something na wala ang iba.

Meeting her was by chance. But kissing her that night of my cousin's birthday is my choice. I dont know what's gotten to me para gawin yun. But then I just found my lips on hers bago pa siya mag pass out at matumba sa stool.

When I saw her na kasama si Derick, I also saw in her eyes how much she loves him. And I silently cursed myself for it dahil para akong gago. Paano ba naman kasi, nasasaktan ako.

Erica

Siguro iniisip ng mga taong nakakasalubong namin na baliw kami. Kasi naman siya eh. Nagtatatakbo kami sa ulan habang hatak hatak niya ako then bigla kaming hihinto sa harapan ng mga tao dahil hahalikan niya ako. God, he's really insane. Tapos sinayaw niya pa ako.

Hindi na kami nakabalik ng mall kaya tinawagan niya si butler Eustace para asikasuhin yung kotse niya sa mall na bukas na daw niya kukunin. Sumakay na lang kami ng jeep pauwi. Magkayakap kaming dalawa dahil pareho kaming ginaginaw. People stared at us like we're some kind of psycho.

"Pag uwi maligo kaagad" he said habang naglalakad na kami papunta sa bahay. Tumila naman na yung malakas na ulan pero may kaunting ambon pa din.

"Oo, ikaw din" sagot ko sa kanya sabay bahing. He tsked and wiped something off my face na sa tingin ko ay sipon.

Napakunot ang noo ko nung nasa gate na kami dahil maingay. May nagvivideoke. At doon ko naalala na birthday nga pala ni Zeke ngayon!

"O may party ata kayla Zeke?" tanong niya sakin habang kumatok na sa gate. Pinagbuksan naman kami ni mama na gulat na gulat pagkakita samin

"Saan kayo nanggaling dalawa at basang basa kayo?!" sigaw niya na pinagpalit ang tingin samin ni Derick

"Eh kasi wala kaming payong" sabi ko

"Walang payong?!" niluwagan ni mama yung gate at pinapasok na kami ni Derick "Eh di ba sa mall kayo pumunta? Wala bang bubong doon?"

"May pintuntahan po kasi kami. Eh inabot kami ng ulan tapos wala pa po kaming masilungan" salamat naman at tinulungan na ako ng boyfriend ko magpaliwanag. Nag nod na lang si mama. Ganun parang ang unfair naman. Kapag ako nagsasalita may banat pa si mama pero kapag si Derick tatahimik na siya!

Bago pumasok ng bahay hinubad ko muna yung sapatos ko. Ganun din si Derick na naghubad din ng tshirt. Gagayahin ko sana siya but at the last minute naalala ko na babae nga pala ako at hindi magandang basta na lang maghuhubad.

He looked at me at ngumiti ng nakakaloko. Maybe naisip niya din yung naisip ko.

"Mama, nasaan si papa?" tanong ko nang mapansin kong wala yung sasakyan namin sa labas at hindi ko naririnig ang boses niya

"May pinuntahan lang sandali" sagot ni mama galing sa kusina. Magsasalita pa sana ako but Zeke bursted the door open at pumasok dito sa bahay

"Ate tara sa bahay!" excited na sabi niya sabay nakipag high five kay Derick

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon