Chapter 2: The One

75.7K 1.1K 64
                                    

"Babe bilisan mo nga!" for the nth time kinatok na ako ni Derick. Hindi na nga ako magtataka kung maya maya matatanggal na yung pintuan. Kasi naman masyado niya akong minamadali maligo.

"Sandali na lang!" sagot ko at binanlawan yung buhok ko na may bula pa

"Yung sandali mo kasi isang oras na eh. Please babe, ayoko magmadali mamaya" tinawanan ko na lang siya. Usually naman hindi ako ganito katagal maligo pero sinisigurado ko lang na matatanggal lahat ng dumi sa katawan ko lalo na yung mga dead cells. Kamalas malasan ko lang na wala akong feminine wash mabuti na lang hypo allergenic tong sabon kaya ito na lang muna ang ginamit ko. At salamat naman na hindi malakas ang menstruation ko.

Binilisan ko na ang kilos at binalot na ang katawan ko nung bathrobe at tuwalya naman sa buhok ko. Pagbukas ko ng pintuan nakatayo siya doon sa sink na parang malalim ang iniisip habang nagyoyosi. Medyo nagulat pa ako dahil naka boxers na lang siya at walang pang itaas na dami.

"Tapos na ako" I obviously said. Fighting the shaking of my voice. Kahit naman nakita ko na ang lahat hindi pa din sakin normal na basta na lang makita na naka balandra ang katawan niya.

Tinignan niya ako at parang nang aasar na ngumiti "Unbelievable. Ang bagal bagal mo kumilos" binasa niya yung dulo ng yosi niya para patayin yun at shinoot sa drainage nung lababo.

"Ang OA mo masyado. Syempre kailangan kong linisin yung buong katawan ko!" naglakad ako papunta sa refrigerator at kumuha ng tubig. Tinignan ko yung orasan na nasa ceiling. Fifty five minutes pala akong naligo!

"Oh ano? Di ba halos isang oras ka?" he wiggled his eyebrows.

"Whatever" inirapan ko na lang siya at nilagpasan para ilagay sa sink yung baso. Bago pa ako makalayo hinila niya na ako at niyakap

"Hmm, you smell nice" sabi niya habang nakabaon ang ulo niya sa leeg ko at inaamoy ako. Nagpupumiglas ako dahil nakikiliti ako pero hindi ako makawala

"Akala ko ba ayaw mong magmadali? Pakawalan mo na ako, maligo ka na!" saway ko sa kanya dahil parang kani kanina lang halos sirain niya na yung pintuan sa sunod sunod na pagkatakok niya sa CR.

Umuling siya "Wag na kaya tayo pumunta? Sasabihin ko na lang na biglang sumama ang pakiramdam ko" nanlaki ang mga mata ko at hinampas ang braso niya. Sa kabiglaan ko napalakas yun

"Leche ka. Sayang effort! Isa pa nakakahiya sa kanila!" nilayo niya yung mukha niya sakin at bumelat. Kinurot ko yung ilong niya ng madiin hanggang sa nagmakaawa na siyang bitawan ko.

"Kung saktan mo ako Manilla, parang hindi mo ako boyfriend ah" he wrinkled his nose at sinipat yun

"Ikaw mag uumpisa na mang asar dyan sabay mapipikon ka"

"Nagbibiro lang naman eh"

"Oh nagbibiro lang din naman ako nung kurutin ko ang ilong mo!"

He rolled his eyes at kinuha sa sahig yung tuwalya niya na nahulog na pala tapos naglakad na papasok ng CR. Bago niya pa maisara yun hinarang ko na yung kamay ko.

"Babe, maliligo na ako" sabi niya mula sa loob

"Pa kiss muna" I bargain habang hindi pa din inaalis ang kamay ko. Binuksan niya yung pintuan at hinatak ako for a long, deep kiss. He pinned me to the wall na nakasandal ang ulo ko sa palad niya.

Kissing, we lose track of time, our lips sometimes gentle, sometimes stiff, but always demand with want. And this time alam na alam ko na how being in love feels like. I can see why people think love is like a drug. You can't get enough of it. You need more. It gives you the best feeling of your life

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon