Chapter 10: Bad News

51.6K 855 99
                                    

"Derick! Erica!" sabay kaming napalingon ni Derick sa babaeng tumawag samin. Napahinto kami para abangan siya na naglalakad papalapit samin. Hindi ko siya kilala pero pamilyar siya sakin. Kung naaalala ko, Pepper De Salvo ang pangalan niya. Sikat siya dito sa department namin dahil bukod sa maganda at matalino, may gwapong asawa pa na sumusundo sa kanya madalas.

"Uhm h-" nabitin ang akma kong pagbati sa kanya nang lagpasan niya kami. Ang weird naman niya. Tinawag niya kami ni Derick eh.

"Baliw ata yan" bulong sakin ni Derick at gaya ko sinundan na lang namin ng tingin si Pepper na sinalubong hindi malayo samin ng dalawa naming schoolmates.

"Kayong dalawa kanina ko pa kayo hinahanap!" sabi niya sa mga yun

"Ito kasi si Derick eh" sabi nung babae at tumingin ng masama sa lalaking nasa tabi niya

"Wow, ako pa talaga? Si Erica ang sisihin mo, ate"

Nagkatinginan kami ni Derick with our jaws dropped. Okay, this is weird. Kapangalan namin yung babae at lalaki?

"Minsan ang sarap niyong pag untugin na dalawa eh noh? The more you hate the more you love kaya kapag nagkatuluyan kayo, hindi na ako magtataka pa. Tara na nga!"

Nakaalis na yung tatlo pero hindi pa din kami gumagalaw ni Derick. Maybe because masyado kaming na amaze. Hindi araw araw may makikilala kayong taong kapangalan mo at ng boyfriend mo ah.

"That was extremely awkward. Or maybe it's just a sign that we're really for each other" Derick said laughing then winked at me. Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta ng classroom namin habang tumatawa pa din.

Isang linggo na ang lumilipas since umalis si Ma'am Ella so we wonder kung may bagong professor na ba kami. May mga nakapagsabi kasi sa mga schoolamates namin na higher years na minsan daw dito sa SIU kapag nawalan ng prof kalagitnaan ng klase, tuloy tuloy na yun hanggang finals. Nagse self study na lang daw ang mga estudyante para makapag exam at may pagkuhanan ng grades.

"Good news and bad news. Ano gusto niyo unahin?" salubong samin ni Alice with a frown on her face. Mukhang nagkakagulo din ang klase dahil no one seems to notice us na dumating.

"Good news" sabi namin ni Derick na magkasabay pa.

Huminga ng malalim si Alice at umiling "Well, the good news is may professor na tayo" nanlaki ang mga mata ko and thinking of celebrating pero in a split moment naalala ko na may bad news pa nga pala. Anyway sa pagkakasabi naman ni Alice ng good news na yan parang bad news pa din dahil naka busangot ang mukha niya.

"And the bad news?"

Tinignan ako ni Alice as if asking kung ready na ba ako. "Si Ma'am Veluz ang bagong prof"

Wala na akong oras makapag react dahil pagkasabing pagkasabi nun ni Alice sakto naman ang pagbukas ng front door at pumasok si Ma'am Veluz. Agad agad we search for our seats.

"Good morning" she said in a boring tone habang nilalapag na ang mga gamit niya sa desk. Her eyes darted on mine and she sneered. From here, masasabi ko na talagang pinepersonal niya ako. Wala naman akong natatandaan na may ginawa akong masama sa kanya kaya hindi ko maintindihan ang pagpapakita niya ng bitchness sakin.

"I saw familiar faces.. Anyway, from now on, I will be your new English teacher replacing Ms. Ariana Ella" anunsyo niya at isa isang kaming tinignan. Uncomfotable naman na yumuko ang karamihan samin.

Teacher ko na siya sa dalawa ko pang subjects, pati ba naman dito? Hays, sana naman maging okay kami. Scholar ako at may maintaining grade na 85. Kapag bumaba ako kahit one point lang, goodbye scholarship na. At alam kong hindi maganda ang magiging reaksyon nila mama kapag nangyari yun.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon