Chapter 36: Just Like That

44.2K 698 63
                                    

***

Author's Note:

Ipagtatanggol ko lang si Derick. Hindi siya nagpalandi o lumandi kay Cathy. At kung iisipin nga ng mabuti siya ang pinaka kawawa sa istoryang to dahil palagi siyang naiipit.

"Minho!" bago ko pa mapigilan ang sarili ko nakasigaw na ako. May mga napatingin pa sakin na nagulat. Lumingon naman siya sakin kaya imbes na bigyan pansin ko pa yung mga weird na tingin sakin, naglakad na lang ako papunta sa kanya.

Tinanggal niya yung mask sa mukha niya at lito akong tinignan. Bigla kong naalala na dapat nga pala maging awkward ako sa kanya dahil sa mga nalaman ko pero mas nangibabaw yung curiousity ko kung bakit siya nandito. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ngayon na nandito na siya sa harapan ko.

"May kailangan ka ba?" nakakunot noong tanong niya habang inaabangan ang sasabihin ko. Parang tanga na nakatayo lang ako sa harapan niya hanggang sa maibuka ko na din ang bibig ko

"Uhm, anong ginagawa mo dito? I mean.. Sorry, nagtataka lang talaga ako" sana malinaw ang pagkakasabi ko baka kasi maisip niya na ayoko siyang makita.

Ngumiti siya at yumuko "Nag enrol ako"

"You mean dito sa Educ?" hindi pa din makapaniwala na sabi ko kahit na malinaw naman yung pagkasabi niya at dinig na dinig ko.

He brushed his hair gamit ang kamay niya at ngumiti ulit sakin "Yep. Major in MAPEH"

Hindi ko talaga itinago ang pagkagulat. Si Minho gusto maging teacher? "Wow ang galing naman"

"Parang di ka makapaniwala?"

"Honestly.. Inaasahan ko kasi na katulad ka ni Derick na business management ang kukunin since may mga negosyo na naghihintay sa inyo" sabi ko which is totoo naman. Alam kong wala naman mali kung gusto niya ang noble profession na ito pero hindi ko lang talaga inaasahan na ito ang gusto niya considering may negosyo ang pamilya nila kagaya ni Derick.

"I have made my point sa parents ko noon pa man na wala akong hahawakan na business. Wala naman silang magawa since hindi naman ako yung klase ng anak na sakit sa ulo. Anyway, nasaan si Derick? As far as I know nandito siya di ba?" alam kong hindi na siya komportable pag usapan ang sarili niya kaya nilihis niya na ang usapan.

"Uhm yeah.. Iniwan ko lang siya doon sa main building kasi ang daming nagpapapicture sa kanya"

Natahimik kaming pareho. In the first place hindi ko nga alam kung bakit ko siya tinawag. Siguro out of manners na lang. Parang bastos kasi tignan kung hindi ko siya ia approach gayong nagkita kami. At mas lalong pangit tignan na magpanggap akong hindi siya kilala.

Bigla ko na naman naisip yung tungkol kay Cathy. There's something in my mind that's telling me na kausapin ko siya and for once clear everything. Na tanungin ko na din siya ng diretso kung ako ba yung babaeng nagugustuhan niya para ngayon pa lang mabigyan ko na siya ng babala.

"Minho, pwede ba tayo mag usap?" alanganing tanong ko. Nakataas ang kilay niya at halatang nagulat

"Uhm.. How about Derick? Di ba ayaw niya na naglalapit tayong dalawa?"

"Sasabihin ko na lang sa kanya mamaya. Mahalaga kasi tong gusto kong pag usapan natin"

He just squared his shoulder tanda ng pagpapaubaya na sakin. "Okay. Saan mo gusto?"

Napaisip ako sa tanong niya. Hindi ko naman siya pwede yayain lumabas dahil baka may makakilala sa kanya at ma chismis pa kami. Ayoko din naman sa masyadong private dahil baka isipin niya na may masama kaming gagawin.

Until maisip ko yung benches sa gilid nitong building. Open lang pero may privacy pa din.

"Sa may shaded bench kaya sa baba?"

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon