Chapter 48: Just Go

37.3K 691 202
                                    

May 15

Supposedly, dapat masaya ako ngayon dahil birthday ko - namin ni Derick at hindi lang yun. Today is also our first anniversary pero eto ako ngayon pabalik balik na naglalakad sa harapan ni Annie only to sigh at umiling ng sunod sunod.

It's been a month and a week. Overdue na sila Derick sa Italy. Hindi naman ako mag aalala kung nakakapag usap kami but the thing is, yung huli namin pag uusap eh nung birthday pa ni Minho. And that's three weeks ago for Pete's sakes! I've been leaving endless messages on his Skype, pero hindi siya nago online talaga. I even risked on texting his number kahit na mahal ang bawat text pero wala siyang sagot.

Nag aalala na talaga ako. Hindi kaya may nangyari sa kanila doon? Hindi na kasi talaga normal. Sana nagsabi man lang siya sakin na mago overstay sila doon kaso wala talaga. Pinuntahan ko si daddy sa kumpanya but unluckily, naka out of town pala siya ngayon. Ayoko naman siyang tawagan dahil baka makaistorbo ako so I just texted him na bakit wala pa sila Derick but then hindi pa din siya sumasagot hanggang ngayon. Si gran naman nasa Amerika at nagbabakasyon kasama ang mga pinsan ni Derick. So talagang nakaka praning since I have no one to ask about my husband and her mother's whereabouts.

Kilala ko si Derick. Hindi niya ugali na pag alalahin ako ng husto. Kahit anong mangyari, nasaan man siyang lupalop ng mundo, mag aabala yun to reach me out at ngayon lang hindi. Unless may nangyaring masama sa bakasyon nila na yun.

"Kanina pa ako nahihilo sa palakad lakad mo, besh. Bakit ba hindi ka na lang pumunta sa mansyon at magtanong?" Annabeth suggested. Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.

So idiot of me. Bakit nga ba hindi ko naisip yun? Siguro naman yung mga tao sa mansyon may alam.

"Sometimes you're smart" I told her

"You're just dumb. Hindi mo man lang naisip yun? Anyway, ano pupunta ba tayo? Cause to tell you honestly, nag aalala na din ako kay Derick. Sabi sakin na Anden last week pa daw dapat nila uumpisahan yung sa album nila pero hindi nila magawa dahil wala nga si Derick"

"I'm wondering that myself too. Kinakabahan ako besh. Just like what I said ilang linggo na akong hindi tinatawagan ni Derick. I tried calling him pero hindi siya sumasagot. Si daddy tinext ko hindi nagrereply sakin. Mababaliw na ata ako. Paano kung may nangyari sa kanila dun?"

"Wag ka ngang negative" she said at parang may naalala siyang sabihin dahil lumiwanag ang mukha niya "Wait, di ba anniversary niyo din ngayon? Hindi kaya nandito na siya sa Pinas pero nilihim niya lang cause maybe he's preparing something big for today?"

May point si Annabeth. After all Derick has managed to surprised me noon na hindi ko man lang nahalata and somehow baka gawin niya yun ulit ngayon dahil anniversary namin but my instinct is saying otherwise. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Hindi ko magawang magrelax kahit na nga ba convincing ang sinabi ng bestfriend ko.

"I dont know" sabi ko na lang at umupo. Ikinulong ko ang mukha ko sa dalawang kamay ko to gather myself. I need to calm down my nerves dahil hindi ito makakatulong sakin. Ayoko muna mag isip ng masama.

May tunog ng sasakyan akong narinig na nag park sa tapat namin. Bago pa man ako makagalaw nakatayo na si Annabeth at nakalabas para tignan kung sino yun. Part of me is hoping na sana si Derick yun..

"Erica.." but it was Minho and Anden

"Hey" bati ko sa kanila at kahit paano ngumiti. Anden kissed Annabeth at magkahawak silang umupo sa sofa. Sa normal na pagkakataon siguro aasarin ko sila but my head is so full of worried thoughts about Derick na wala ng space para sa iba pa.

The Wicked Liar 2: The Lying Game [PUBLISHED BY POP FICTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon